Chapter 42: Low Moral

244 41 14
                                    

"Icy!" Napasigaw sila Xeimei at Akomi sa nangyari kay Icy.

Yumanig ang lupang sinuntok ng Silver Giant kung nasaan si Icy naka pwesto.

Kita ang pag aalala nila sa kanilang mukha. Kalmado lang ang mukha ni Rozen habang naka tingin sya sa kamao na pumatay sa kabayo ni Icy.

"Ayos lang si Icy" Sinabi ni Weyong.

Nang narinig nila Xeimei ito ay biglang silang nakahinga ng maluwag.

Nakita nila na inangat na ng Silver Giant ang kanyang kamao at nakita niya na wala ang sinuntok nyang babae.

Pero may nakita naman syang butas na parang hukay sa baba.

Kumulot ang kilay Silver Giant habang tinitignan nya ang kanyang paligid kung nasaan na ang babae.

Thud!

"14,877"

Thud!

"14,877"

Thud!

"14,877"

Thud!

"14,877"

"ROOOAAAAAAR!"

Sumigaw sa galit ang Silver Giant ng nakaramdam sya ng sakit sa kanyang paa.

Parang makapal na drum ang tunog na maririnig sa malawak na paligid.

Tinaas nya ang kanyang paa at nakita nyang may butas na naman sa lupa na kanina nya lang inaapakan.

Nakita ng mga players na parang nasasaktan ang Silver Giant.

Halata sa mukha ng Silver Giant ang pag tataka kung bakit may tumatama sa ilalim ng kanyang paa.

Malipas ang halos 15 na segundo ay hindi parin gumagalaw ang Silver Giant habang tinatanggap nya ang mga walang kwentang atake sa kanya ng mga players sa kanyang mukha o katawan.

Naka tuon lang ang kanyang pansin sa ilalim.

"14,877"

"14,877"

"14,877"

"14,877"

"ROOOAAAAAAR!"

Nakaramdam muli ang Silver Giant ng sakit sa kanang paa nya naman at nang tinaas nya ito ay may nakita na naman syang butas sa baba ng lupa.

"ROOOAAAAAAR!"

Matinding galit ang naramdaman ng Silver Giant hanggang napansin nya ang Leon na lumitaw sa lupa 30 metro ang layo at inilayo nya ang babaeng na gusto nya sanang patayin.

Matapos nito ay bumalik na muli ang Leon sa lupa.

"GGRRRRRO"

Kumukulog ang tono ng Silver Giant na parang aso na gustong tumahol.

Pinuntahan nila Rozen at ni A-yeong si Icy para alalayan na dinala sa kanila ng kanilang Guild Master mula sa lupa.

Lumayo sila sa Silver Giant na masama ang tingin kanila at mukang balak nitong sumugod ng biglang nakita nilang sumigaw muli ito.

"ROOOAAAAAAR!"

"14,877"

"14,877"

"14,877"

"14,877"

Nakikita nila ang mga malalaking numero na lumalabas sa Silver Giant. Hindi ito galing sa mga atake ng mga players sa paligid kundi galing lang ito sa nag iisang player na Leon ang itsura.

The Immovable OnlineWhere stories live. Discover now