Chapter 7

5.4K 128 1
                                    

Vivien's POV

"Yes, sir. Tulog na po si Riley," saad ko habang pababa ng hagdan.

"Good, once she wakes up, get her dress up and pumunta kayo dito sa kompanya," utos niya.

"May I know why, sir?" tanong ko.

"My parents are coming and they want to see their granddaughter," sagot niya.

"Oh, okay. Noted, sir," sambit ko at pinatay na ang tawag.

Sabado ngayon at dahil tanghali na, pinatulog ko muna si Riley. Ako naman ay gagala saglit, nagpaalam na rin naman ako kay Kendrick at kung magising man si Riley, tatawagan na lang ako ng mga nandito sa bahay.

Magkikita kasi kami ngayon ni mommy, namiss niya na daw makipag-bonding sa akin.

Nako, paniguradong dadalhin na naman ako nun sa salon para magpa-full service. Pero sana wag dahil aabutin kami ng gabi sa salon, may trabaho ako at malalagot ako kay Kendrick kapag hindi ko nadala ang anak niya sa kompanya.

Makalipas ang mahigit sampung minuto ay nakarating na ako sa paborito naming coffee shop ni mommy at saktong nandun na din siya.

"Hija," tawag niya sa akin at tumayo mula sa kanyang upuan.

"Hi, mom," bati ko at niyakap siya.

"How are you? Blooming ka ngayon, anak ha," komento niya at mahina naman akong natawa.

"Thank you, mommy. Ikaw din, anak mo talaga ako, mom. Parehas tayong blooming. Kaya in love na in love sayo si daddy eh," panunukso ko at mahina niya naman akong hinampas sa braso.

"Ikaw talaga, kung ano-ano ang sinasabi mo." Iling-iling niyang sabi ngunit natatawa din sa sinabi ko.

Umupo na kaming dalawa at pinagpatuloy ang aming usapan habang hinihintay na dumating ang inorder ni mommy para sa amin.

"Maiba tayo, kamusta ang pag-aalaga mo kay Riley? It's been a month since you started," tanong niya.

"It's great, mom. Although, naiirita ako sa batang 'yon. There's not a day that will pass na hindi niya ako iniinis." Natatawa kong kwento.

"Alam ba ni Kendrick na nag-aaway kayo ng anak niya?"

"Slight. Napagalitan na nga ako eh. Well, hindi sa napagalitan. Parang pinagsabihan lang ako at syempre ay hindi lang ako, kasama na rin ang anak niya."

"Eh kayo ni Kendrick?" tanong niya na ipinagtaka ko naman.

"Po?"

"No feelings at all? I mean, bagay kayo," pang-aasar niya.

"Mommy," mahina kong suway sa kanya.

"I'm just saying the fact, anak." Kinindatan niya ako.

"Pwedeng-pwede ka ding maging mommy ni Riley," dagdag niya pa.

"Mommy naman, I don't like him, okay?"

"Are you sure?" she wiggled her eyebrows.

"Yes, boss ko lang siya, mom. Nothing else," sagot ko at saktong dumating ang isang waitress dala ang order namin.

"We'll see." Nakangiti niyang sabi.

I sighed...

Mom, that ain't gonna happen.

...

"Lola!" Tili ni Riley at tumakbo palapit sa magulang ni Kendrick.

"Riley, my darling. How are you, dear?" tanong ni Mrs. Valencia nang yakapin niya si Riley.

Babysitting His Daughter ✓Where stories live. Discover now