Chapter 36

4.4K 88 3
                                    

Vivien's POV

Alas-dose na ng tanghali pero nakahiga pa rin ako dito sa kama habang nakatingin sa mga polaroid pictures namin ni Kendrick kagabi.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang inaalala ang nangyari kagabi.

Habang nagsasayaw pala kami ni Kendrick ay kinukuhaan na pala kami ng litrato ng isang waiter dun. Nung paalis na kami ng restaurant ay binigay niya sa amin ang mga pictures as a remembrance daw.

Ako naman ay sinulatan ang ibaba ng picture 'yung date kagabi dahil para sa akin, sobrang memorable ang nangyari nung araw na iyon.

It was even better than my first date. As in!

Mga nasa sampu yata ang polaroid pictures na meron kami ni Kendrick at tig-lima kami ng kinuha.

Ang isa sa mga polaroid pictures namin ay nakadikit na sa likod ng phone ko at dahil clear ang case ko, kitang-kita ang litrato naming dalawa.

Ang iba naman ay itatago ko na lang.

Iyong mga bulaklak pala na binigay sa akin ni Kendrick ay naka-display na sa mga flower vases dito sa kwarto ko. Ewan ko ba pero parang balak ko patagalin ang mga ito. Sayang din naman kasi 'no!

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong magmuni-muni sa loob at tinungo na ang sala kung nasaan si Riley na abala sa paglalaro habang nanonood ng palabas.

Wala ngayon si Kendrick sa bahay dahil may pasok siya sa opisina at mamayang gabi pa ang uwi nun.

Ibinilin niya rin sa akin na igala ko muna si Riley para hindi naman ma-bored ang bata dito sa bahay. Sarado kasi ngayon ang mini-park dito sa subdivision para sa reconstruction at sa pagkakaalam ko ay sa isang buwan pa ito matatapos.

Mamaya na kami aalis dahil tirik pa ang araw at balak kong igala na lang siya sa mall dahil may bibilhin din ako dun.

Nakipaglaro muna ako kay Riley habang nanonood at maya-maya lang ay dinalhan kami ni manang ng snacks.

Kinuha na rin ni Riley ang mga coloring books niya at halos matapos na niya ang isang book  sa bilis ng pagkulay niya.

Ako naman ay hinayaan lang siya dun at pasimpleng nililinis ang mga kalat niya para mamaya ay hindi na ganun karami ang lilinisin ko.

Makalipas ang ilang oras at medyo hindi na mainit sa labas kaya naisipan kong paliguan na si Riley at bihisan ng pang-alis na damit.

Pagkatapos nun ay ako naman ang naligo at nagbihis bago kami umalis ng bahay.

Nagpahatid na lang din kami sa driver ni Kendrick dahil tinatamad akong magmaneho at hindi rin ako nakapag-paalam sa kanya na hihiram ako ng kotse.

Wala pang kalahating oras nang marating namin ang mall, hindi na sumasama sa amin ang driver sa loob ng mall at umuwi na siya, babalik na lang siya mamaya pagkatapos namin dito.

Nakahawak lang sa kamay ko si Riley habang nakatingin sa paligid hanggang sa nakarating kami dun sa clothing store na gusto kong puntahan.

Bumili lang naman ako ng damit dun pang-regalo dun sa inaanak ni mommy na minsan ko nang naging close.

Birthday niya kasi bukas at dahil hindi ako makakapunta, padadalhan ko na lang siya ng mga regalo.

Pagkatapos kong bumili ay dumeretso na kami sa toy store sakaling may gustong bilhin si Riley dun.

Nang makarating kami dun ay agad akong hinila ng bata papunta dun sa girls' section.

Tuwang-tuwa siya habang namimili ng mga laruan habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa may stuff toys' section.

Babysitting His Daughter ✓Where stories live. Discover now