Chapter 40

4.6K 94 5
                                    

Vivien's POV

"Hindi ka ba naiinitan, baby?" tanong ko at umiling lang siya.

Medyo makapal pala 'yung tela ng costume niya.

"Sure ka ha."

"Yes, mommy. I love it!" Nakangiti niyang sabi habang niyayakap pa ang sarili.

Ngumiti naman ako at tinirintas ang kanyang buhok at nilagyan siya ng konting makeup sa mukha. Nilagyan ko din ng itim ang ilong niya dahil hiling niya 'yon at para mukha daw talaga siyang panda.

Nang malagyan ko na siya ng makeup at pinasuot ko na sa kanya 'yung black boots niya para kapares ng costume niya.

Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kwarto at bumaba papunta sa sala kung saan naghihintay si Kendrick.

"Daddy, we're done." Nakangiti kong sabi at lumingon naman siya.

Nang makita niya si Riley ay agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Lumapit siya dito at binuhat.

"Aww, is our little panda ready for the party?" tanong ni Kendrick at sunod-sunod namang tumango si Riley.

Umalis na kami ng bahay dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang party nila Riley.

Pagdating namin dun sa school ay sunod-sunod na ring nagsidatingan ang iba pang mga magulang at mga bata.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mga costume ng ibang bata. May mga fairies, may mga princess, may mga villains from a movie. Tapos sa mga batang lalaki naman ang kadalasan nilang suot ay mga pirate costumes, ang iba ay mga characters galing din sa mga movies.

Pero wala ni-isa sa kanila ang kaparehas ni Riley. Mukhang unique ang baby namin ngayon ah.

Dumeretso na kaming tatlo sa classroom nila kung saan gaganapin ang party at agad din naman kaming sinalubong ng teacher ni Riley na naka-costume din.

"Hi, Riley! Aww, you look so cute today!" papuri niya sa bata.

"Thank you po!" sabi naman ni Riley na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Balak namin iwan muna dito si Riley at balikan na lang namin siya pagkatapos ng party.

Okay lang din naman 'yon sa bata dahil kasama rin niya naman ang iba niyang mga kaibigan.

Nanatili muna kami dun ng ilang minuto para makita kung komportable na ba si Riley bago kami umalis.

Mamaya kasi pag umalis kami, bigla niya kaming hanapin o ano.

Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang okay na siya dito at magsisimula na rin ang party kaya naman ay nagpaalam na kami sa kanya na aalis na kami.

Tumango lang ang bata at pinagpatuloy ang pakikipaglaro sa mga kaibigan niya.

Kami naman ni Kendrick ay umalis na dun at bumalik na sa kotse.

"Saan tayo?" tanong ko nang makasakay kami.

"Let's have a date." Nakangiti niyang sabi at pinaandar ang sasakyan.

Napailing na lang ako habang nakangiti at sumandal sa upuan ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghawak ni Kendrick sa kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.

Simula nang maging kami, nakita ko ang clingy side ni Kendrick. Ibang-iba sa serious side niya.

Alam mo 'yung tipong ang seryoso niya sa lahat ng bagay pero pagdating sa akin, para siyang bata.

Mukhang alam ko na talaga kung saan nakuha ni Riley ang pagiging childish niya...

...

"Sa Australia tayo magpasko, love," sambit niya habang naglalakad kami dito sa parke.

"Ayaw mo dito sa Pinas?" tanong ko.

"Actually, sila mommy ang may gusto nun. Kasama nga din natin ang parents mo eh," agad naman akong natigil sa paglalakad at dahil hawak ko nga ang kamay niya, natigil din siya sa paglalakad.

"Let me guess, they planned this?" I asked and he nodded.

"Botong-boto talaga sila relasyon natin 'no," sambit ko at muling naglakad.

"Yeah." Natatawa niyang sabi.

Nakakaloka talaga itong mga magulang namin. Halos sila na ang nagp-plano para sa amin ni Kendrick eh.

Ano kayang sunod?

Medyo tahimik lang kami ni Kendrick habang naglalakad at ako naman ay tamang isip lang ng pwedeng ma-topic.

"Ken," tawag ko sa kanya.

"Hmm?" tanong niya.

"Anak mo ba talaga si Riley?" I tried not to laugh.

Ewan ko ba kung bakit naisip 'yan ng utak ko pero okay na rin, at least may topic kami.

Plus, obvious naman na anak ni Kendrick si Riley eh. Magkamukha na nga sila, magkaugali pa.

"No," I was stunned.

"W-what? S-she isn't?" utal kong tanong at umiling siya.

"After I found out about their affair, pina-DNA test ko si Riley. Unfortunately, she's not mine."

"She knows?"

"No. And will never be. Ayokong maguluhan siya. I want her to believe that I am her father, not anyone else," sagot niya.

I am not prepared for that!

Akala ko talaga anak niya si Riley. Hindi pala!

I don't know what to say...

All this time, inaakala ni Riley na ama niya si Kendrick...

Oh gosh, this is a total chaos...

"There's one more," sambit niya nang matahimik ako.

"Ano?" kinakabahan kong tanong.

"It's a prank," he burst out laughing.

Parehas kaming natigilan sa paglalakad at ako naman ay pinaghahampas siya sa balikat.

"Punyeta ka! Akala ko totoo!" inis kong sabi habang hinahampas siya at parang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa ko.

"I'm sorry. Pero bakit naman kasi ganun 'yung tanong mo? I mean, it's obvious naman na anak ko si Riley," hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Wala, trip ko lang. Sinakyan mo naman!" Inirapan ko siya.

"Pero 'di nga? Hindi ka nag-duda nung nalaman mo 'yung affair nila Vanessa?"

"I did. And totoo na pina-DNA ko ang bata. She is really my daughter."

"Yeah. I mean, obvious naman talaga. Para kayong pinagbiyak na bunga eh. Magkamukha na nga, magkaugali pa."

"I'm not a brat!" depensa niya.

"Yes you are!"

"Pft. Kaya pala minahal mo ako kasi magkaugali tayo." Nakangisi niyang sabi.

"Ang kapal mo ha! Hindi kaya!"

"Why so defensive, love?" he grinned.

"Tsk! Bahala ka nga diyan!" sambit ko at iniwan siya dun.

"Hey, wait for me!" rinig kong sabi niya.

Mas binilisan ko ang lakad pero nahuli niya pa rin ako dahil naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin.

"Come on, mag-date na tayo," aya niya.

"Huh? Hindi pa ba date ito?" tanong ko.

"Nope. We just took a stroll. Let's go," sambit niya at hinila ako pabalik ng kotse.

Palibhasa, wala dito 'yung anak niya kaya kung ano-ano ang pinaggagawa niya eh...

Technically, he's free when Riley's not around...

To be continued

Babysitting His Daughter ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon