Chapter 35

4.6K 107 1
                                    

Vivien's POV

"Daddy!" Tili ni Riley nang maabutan namin si Kendrick na nagbabasa ng libro sa sala.

Lumingon ito sa gawi namin at agad ngumiti nang makita niya ang kanyang anak na nagtatatakbo palapit sa kanya.

"Hey, baby. How's my little girl?" tanong niya at binaba ang libro tsaka ipinatong si Riley sa kanyang hita.

"I'm okay, daddy! Summer class was fun!" nawa'y lahat nasiyahan sa summer class na 'yan...

Hinayaan ko na munang magharutan ang mag-ama dun at dumeretso sa kwarto ni Riley para itabi ang bag niya at para ihanda na rin ang pamalit niyang damit.

Pagkatapos nun ay tinungo ko na din ang kwarto ko para makapagpalit na rin ng damit. Muli akong bumalik sa baba at naghaharutan pa ang mag-ama kaya naman tumulong muna ako kila manang na magluto ng meryenda.

Nang matapos kaming magluto ay hinayaan muna namin ang mag-ama na mag-meryenda sa sala habang kami naman ay naglinis muna sa kusina at sa iba pang parte ng bahay.

Nag-kwentuhan lang din kami ni manang hanggang sa inabot na kami ng ilang oras at 'di namin namalayan na malapit na palang mag alas-siyete ng gabi.

"Can I ask you out?" gulat naman akong napalingon sa nagsalita at kaagad kong nakita si Kendrick na nakatayo sa harap ko habang nakapamulsa.

"H-ha?" utal kong tanong.

"Narinig mo naman siguro 'yon diba?" Nginisian niya ako.

"Bukas?"

"Now," halos malaglag naman ang panga ko at paulit-ulit na lumunok habang nakatitig sa kanya.

Niyayaya niya ba talaga akong lumabas? O panaginip lang 'to?

Magsasalita pa lang sana ako nang unahan na niya ako.

"I won't take no as an answer. Boss mo ako so dapat sundin mo ako," kusang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Nagtanong ka pa," mataray kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

Lumabas siya saglit ng kwarto at bumalik na may dalang shopping bag na parang galing sa isang clothing store.

"Here, wear this. I'll be waiting for you downstairs," sambit niya at inabot sa akin ang bag.

Nang tanggapin ko ito ay kinindatan niya muna ako bago lumabas ng aking kwarto.

Okay, that was weird...

Kinuha ko ang damit na nasa loob ng bag at isa siyang dress na hanggang under the knee ang haba at kulay puti siya na may itim na belt. Off shoulder din siya at plain lang ang design pero maganda pa rin.

Mabuti na lang ay nakaligo na ako kanina pagkatapos naming maglinis kaya sinuot ko na agad ito at tsaka nag-ayos ng buhok at naglagay ng konting makeup sa mukha.

Sinuot ko na rin ang white sandals ko para kapares ng damit tsaka lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko si Kendrick na may kausap sa phone niya at iba na rin ang damit niya.

Naka-itim na tuxedo na siya at itim na pants.

Para kaming a-attend ng formal party dahil sa suot namin eh...

Hinintay ko lang siyang matapos sa kausap niya at nang lumingon siya ay agad nagtama ang tingin naming dalawa.

Nakita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi bago ako nilapitan.

"You look lovely," komento niya.

"Thank you," medyo nahihiya ko pang sabi.

"Let's go?" bahagya niyang nilapit sa akin ang braso niya at ako naman ay kusang yumakap dun.

Lumabas na kaming dalawa ng bahay at nagtungo sa kanyang kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay kami.

"You'll see." Nakangiti niyang sagot tsaka pinaandar ang sasakyan.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa isang parang outdoor restaurant.

Dinala naman kami ng waiter sa rooftop at pagdating namin dun ay halos malaglag ang panga ko sa ganda ng view. Puno ng LED lights ang paligid at iisa lang ang table na nandito.

Meron ding nagkalat na rose petals sa paligid at may mahinang music din ang bumabalot sa paligid.

"Viv," muli akong napalingon sa tumawag sa akin at nakita ko naman si Kendrick na may dalang iba't ibang klase ng bulaklak!

Napatakip naman ako ng aking bibig at pinipigilang ngumiti habang nakatingin sa kanya.

"I don't know what kind of flowers are you into so I bought everything in that store," sambit niya at binigay sa aking ang dalawang balot ng bulaklak.

Bouquets siya tapos iba't ibang klase ng bulaklak ang nandun.

"Aww, thank you." Nakangiti kong sabi nang tanggapin ko ito.

Actually, I'm not into flowers but this, this changed everything!

It's so cute!

May sweetness rin talaga sa katawan ni Kendrick eh.

Umupo na kaming dalawa dun sa table namin at agad din naman kaming pinagsilbihan ng tatlong waiters.

Masaya lang kaming nag-kwentuhan habang nakain at hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

"How did you found this place?" tanong ko sa kanya.

"By accident. Dito kami nag-lunch meeting ng mga business partners ko two weeks ago at napag-alaman kong bagong tayo ang restaurant na ito. Maganda rin ang view lalo na pag-gabi kaya marami ang kumakain dito," kwento niya at uminom ng wine.

"Yeah, sobrang ganda ng view. Kitang-kita mo ang mga nagniningning na bituin, ang buwan, ang napakagandang kalangitan. Plus, masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin," komento ko habang nakatingin sa paligid.

"Yeah, maganda nga," sabi niya naman.

Naramdaman ko naman na parang may nakatingin sa akin at nang harapin ko ulit siya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

Uhm...

I faked a cough before saying something.

"So, bakit tayong dalawa lang ang nandito sa rooftop? Hindi ba dapat ay may mga ibang tables din dito para sa ibang customers?" pag-iiba ko ng usapan.

"I rented this whole rooftop para walang sagabal," oh my...

Kusa namang umangat ang magkabilang gilid ng labi ko habang nakatitig sa kanya.

Infernes, ma-effort siya!

Nang matapos kaming kumain ay nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa ang kaninang naririnig naming music ay nag-iba na. Soft music pa rin siya pero mas romantiko na ang dating.

Tumayo naman si Kendrick at lumapit sa akin tsaka inilahad ang kanyang kamay.

"May I have this dance, my lady?" tanong niya.

Bahagya naman akong natawa bago tumango at tinanggap ang kamay niya.

Inalalayan niya akong tumayo tsaka kami pumunta sa gitna at sinimulang sumabay sa musika.

Nasa bewang ko ang kamay niya habang ang kamay ko naman ay nasa balikat niya at ang dalawa pa naming kamay ay magkahawak.

Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa habang ang mga katawan namin ay sumasabay sa malumanay na musika.

Makalipas pa ang ilang minuto at medyo napagod na ako sa kaka-tingala para lang magtapat ang aming mga mukha kaya naman ay ipinatong ko na ang ulo ko sa may dibdib niya at rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso niya.

Kinikilig 'yan, Kendrick?

Naramdaman ko na din ang mga kamay niya na nasa likod ko na tila niyayakap na ako habang sumasabay pa rin kami sa musika.

This is the best date ever!

To be continued

Babysitting His Daughter ✓Where stories live. Discover now