Epilogue

6.5K 139 8
                                    

Epilogue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Epilogue

Ngayong araw ang isa sa mga pinaka-importanteng araw para sa mag-asawang sina Vivien at Ken sapagkat sa araw na ito ay isinilang ang kanilang unang anak na pinangalanan nilang Ramzy.

Kasalukuyang papunta ngayon ang mag-ama sa ospital para bisitahin sila Vivien. Sinundo ni Ken mula sa paaralan ang kanilang anak na si Riley at ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ni Riley ang kanyang nakababatang kapatid na matagal na niyang hinihintay.

"Daddy, are we there yet?" Natawa naman si Ken at sinilip si Riley sa rear-view-mirror ng kotse at hindi maitago ng bata ang excitement na kanyang nararamdaman.

"Soon, baby. Calm down for a bit." Natatawang sabi ni Ken sa kanyang anak dahil pang-limang beses na siyang tinanong nito.

"Daddy, you're so mabagal mag-drive!" naiinip na sabi ng bata na mas lalong ikinatawa ng kanyang ama.

"Ito na po mahal kong prinsesa, bibilisan na," pabirong sabi ni Ken at medyo binilisan ang andar ng kotse.

Makalipas pa ang ilang minuto ay narating na rin nila sa wakas ang ospital. Nagmamadaling lumabas si Riley ng kotse at muntikan pang madapa kung hindi siya naalalayan ng daddy niya.

Binuhat na ni Ken ang anak niya tsaka naglakad papasok ng ospital.

"Daddy, what is the name of my baby brother?" tanong ni Riley habang patinging-tingin sa paligid.

"Ramzy, anak. But we can call him Ram-Ram." Nakangiting sagot ni Ken sa anak.

Wala pang limang minuto nang marating nila ang kwarto kung nasaan ang mag-ina at naabutan nila na kakatapos lang painumin ni Vivien ng gatas ang bata.

Maingat na binaba ni Ken si Riley at maingat na lumapit ang bata sa mommy at kapatid niya.

"Hi, mommy. How are you feeling po?" tanong ni Riley sa kanyang ina.

"I'm okay, anak," sagot naman ni Vivien sa bata at bahagyang inilapit sa kanya si Ramzy para masilayan ni Riley ang mukha ng kanyang kapatid.

"He's so cute, mommy." Nakangiting sabi ni Riley na ikinangiti din ni Vivien.

Maingat na hinaplos ni Riley ang kanyang kapatid at sinisigurado niya talaga na hindi niya masasaktan ang baby.

Naupo na rin siya sa tabi ng mommy niya at si Vivien naman ay inakbayan ang kanyang anak habang ang isa niya pang braso ay karga si Ramzy.

"Be a good big sister ha, anak," bilin ni Ken nang makalapit siya sa mag-iina.

Tumango naman si Riley at muling hinaplos ang kanyang kapatid tsaka bumulong.

Babysitting His Daughter ✓Where stories live. Discover now