Chapter 16

4.8K 119 2
                                    

Vivien's POV

"Yaya!" Tili ni Riley habang natakbo palapit sa akin.

Napangiti naman ako at lumuhod tsaka sinalubong ang mainit niyang yakap.

"I missed you so much!" sambit niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"I missed you too, baby. Have you been good?" tanong ko at kumalas sa yakap niya.

"Yes po."

"Did you have fun?"

"Yes! Although I missed you," she pouted.

"Aww, I missed you too, Riley. You know, may mga pasalubong ako sayo." Nakangiti kong sabi.

"Really, yaya?"

"Yup. Come one, let's head inside," aya ko at hinawakan ang kamay niya tsaka dumeretso sa loob ng bahay.

"Welcome home, hija." Nakangiting salubong sa akin ng mommy ni Kendrick.

"Thank you, ma'am. Good afternoon po sa inyo," magalang kong bati.

Umupo na kami ni Riley sa sofa at binigay ko na sa kanya ang mga regalo ko para sa kanya.

Mga stuff toys ang nabili ko para sa kanya at kakaunti lang ang nabili kong damit dahil karamihan sa nakita kong damit ay wala sa taste niya.

"Ma'am, para po pala sa inyo ni sir," sambit ko at inabot sa kanya ang dalawang paper bags na naglalaman ng mga perfumes na nabili ko at mamahaling wine.

"Oh, thank you, hija. Hindi ka na dapat nag-abala pa." Nakangiti niyang sabi at kinuha ang mga 'yon.

"Wala po 'yun, ma'am. Wala po ba si Sir Kendrick dito?" tanong ko.

Kanina ko pa siya pasimpleng hinahanap pero ni-anino niya ay hindi ko matagpuan.

"Hay nako, wag mo na hanapin 'yon. Umalis siya kasama si Lia. Alam mo, naiinis talaga ako sa babaeng 'yon. Puro paganda at kalandian lang ang alam. Parang hindi siya na-inform na tatay na 'yung nilalandi niya eh. Ni-hindi nga maalagaan si Riley kapag nandito sila." Iling-iling niyang komento.

Palihim naman akong natawa bago nilipat ang tingin kay Riley na ngayon ay naglalaro na ng mga binigay kong laruan sa kanya.

"Alam mo, hija, mas gusto kita para sa anak ko," halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

"Ma'am?"

"I like you for my son. Kung tutuusin ay mas magiging magandang girlfriend ka niya kaysa sa Lia na iyon. Hindi mo ba natitipuhan ang anak ko, hija?" okay, I did not expect that!

"Well, konti lang, ma'am. Pero 'yung ugali niya kasi as a father, hindi ko gusto."

"What do you mean?" so, hindi nila alam na pinapabayaan ng lalaking iyon ang anak niya?

Sige, magsumbong tayo ngayon.

"Alam ko pong busy si sir sa kompanya niyo kaya hindi niya masyadong nabibigyan ng oras ang anak niya. Naiintindihan ko po 'yon pero nung dumating si Ma'am Lia, mas nawalan siya ng oras para kay Riley at itinuon lahat sa girlfriend niya," she sighed.

"That's not my son anymore. Nung nabubuhay pa si Lauren, hindi siya ganyan. Napaka-responsable niyang ama noon. What happened to my son?"

"Daddy!" Napalingon kaming dalawa nang biglang sumigaw si Riley.

Nakita ko naman si Kendrick na naglalakad palapit sa amin habang nakayakap si Lia sa braso niya.

"Viv, nakabalik ka na pala. How's your trip?" tanong niya at binuhat si Riley.

"Okay naman po, sir. Siya nga po pala, may pasalubong ako sa inyo," saad ko at kinuha ang isa pang paper bag tsaka inabot ito sa kanya.

Puno siya ng mga men's stuff at magagamit ang mga ito araw-araw.

"Para po sa inyo, Ma'am Lia. Kapalit po 'yan ng mga nasira ng alaga ko," magalang kong sabi at inabot sa kanya ang paper bag na puno ng pampaganda.

"Oh, that's sweet of you," pft. Plastic...

Ngumiti na lamang ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya sa akin.

...

"Vivien!" halos ma-out of balance ako nang bigla akong dambahan ng yakap ni Aaron.

"OA ha. Parang isang taong 'di nagkita," pang-aasar ko at kumalas sa yakap niya.

"I just missed you so much. How's your trip?" tanong niya.

"Okay naman. Nag-enjoy naman kami ng pamilya ko. Anyway, here. I bought it especially for you," sambit ko at inabutan siya ng dalawang paper bags.

"Iyong isa ay para kay Lily. Nasaan pala siya? Hindi mo yata kasama?" tanong ko.

"Oh, parating na 'yon. Sumama lang siya saglit sa mommy niya. By the way, thank you for this." Nakangiti niyang sabi.

"My pleasure. Kamusta ka na pala?" pag-iiba ko ng usapan.

"Okay naman. Actually, it's pretty boring when you're not around," sagot niya at bahagya naman akong natawa.

"By the way, can I take you out tonight?" he asked.

"Uh, yeah. Pero, may okasyon ba?" tanong ko pabalik habang naglalakad kaming dalawa.

"Wala naman. Namiss ko lang makipag-bonding sayo," sambit niya habang nakangiti.

"Hindi naman napaghahalataang miss na miss mo ako 'no," pang-aasar ko at siya naman ang natawa.

"Pft, tara na nga at baka hinahanap na ako ni Riley," aya ko at mas binilisan ang paglalakad.

Iniwan ko muna kasi saglit si Riley dun sa mini park at dumeretso sa isang convenience store malapit lang dito at bumili ng mga inumin dahil nakalimutan kong magdala sa sobrang pagmamadali ni Riley kanina.

Dun din sa store ko nakasalubong si Aaron at mabuti na lang ay dinala ko ang mga pasalubong ko para sa kanila.

Nang makarating kami sa park ay nandun na rin si Lily at nakikipaglaro na kay Riley.

Tinawag ko muna saglit ang alaga ko para painumin siya ng tubig at lagyan din ng bimpo ang kanyang likod.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy na nila ang paglalaro dun sa playground kasama ang ibang mga bata.

Kami naman ni Aaron ay nagkwentuhan lang tungkol sa mga bagay-bagay na naganap sa mga buhay namin nung nasa ibang bansa ako.

"Viv," pagkuha niya sa atensyon ko.

"Hmm?" I asked while facing him.

Hinawakan niya naman ang kamay ko bago ako tinignan ng diretso sa mga mata ko.

"I like you," oh gosh...

"Come again?" sambit ko.

I have to make sure that I heard it right before I react.

"I like you, Viv. I've been liking you ever since we met. You're beautiful inside and out," pag-amin niya.

Tama nga ang narinig ko...

To be continued

Babysitting His Daughter ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang