Kabanata 1

3.1K 70 2
                                    

Sophisticated

Tahimik akong umiinom ng cocktail habang pinapanood ang mga taong wild na sumasayaw. If only I am in the mood right now, baka kanina pa ako sumasayaw diyan. I was just staring at those couples na kulang nalang ay mag-sex dito sa harap ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang naaaliw kakatingin sa kanila.

Napabaling din naman ako sa kabilang direksyon noong narinig ko ang ingay sa kabilang side na mukhang may nagsusuntukan. I shook my head and immediately sip my favorite drink. What's new? Just an ordinary happenings here at Jules Verne. I am satisfied with what I eat, medyo pagod nga lang ako.

Naka dekwatro akong nakaupo habang inilibot ang paningin sa mga taong nag-e-enjoy ng kanilang gabi. The smell of smoke, alcohol, and expensive perfume filled my whole existence. I enjoyed watching them doing you know, steamy scenes. Though some were just drinking peacefully, iyong iba naman ay mukhang nagpunta lang dito para humanap ng magiging flavor of the night.

My phone vibrated. Dinampot ko ito mula sa lamesa at tiningnan. Kayla's message was on the screen.

Kayla
Diba po Miss, pinopormahan ka po ni Sir Case? Nakita ko po siya kanina, may kahalikan.

And then she sent a photo this time. Kayla is my secretary sa Comfort and Care.

Pagod ko itong tiningnan. She sent a photo of Case kissing someone. I stopped from moving when I saw that the woman he kissed was very familiar. Napaka pamilyar ng kanyang tindig. I closed my eyes for a moment, trying to remember that woman. Just when I opened my eyes, kaagad kong naalala kung sino ito.

Amanda, dad's secretary.

I know her plans. Alam ko itong mga ganitong galawan.

Sorrell
I don't have plans on saying yes to him, Kayla. Let him be, I don't really care.

Kayla
Hindi mo pa nga sinasagot nag-cheat na. Kaya ayaw kong nakikita siya rito sa Comfort and Care.

Sorrell
He wants something from me, Kayla. You know what kind of person he is. He loves sex.

Kayla
Oh my god. Alam mo rin pala, Miss. Iyan din iyong tingin ko sa kanya noong una ko itong nakita.

I took a sip of my cocktail before typing my reply.

Sorrell
Kayla, I am not blind. People won't come to me without motives.

Kayla
You are so observant kaya bet kita e. My gender is shaking because of you, Miss Archambeau.

Sumilay ang ngiti sa aking labi noong nabasa ang mensahe niya. I remember the time she told me kung gaano niya ako ka crush. Don't get me wrong, Kayla has a boyfriend pero I don't know bakit parati niyang sinasabi na crush niya ako. Sobrang close namin sa isa't-isa that I never treated her as my secretary. I treated her as my friend, a younger sister as well.

Hindi na ako nag-reply ulit kasi naaaliw ako sa paligid. Tungkol sa naging message ni Kayla, wala naman akong pakialam sa lalaking iyon. Siya naman itong parating lumalapit sa akin kahit ayaw ko rito. Mayaman si Case, may business din saka nagmamay-ari ng maraming resort sa Pilipinas. But then I don't like him enough to become my boyfriend.

I have great standards in life.

He has a lot of money. I have too. May business siya, I have mine as well. Anong magagawa niya kung ayaw ko sa kanya? Bukod kasi sa maraming mga babae, hindi marunong mag-isip ng tama. Ayaw ko sa mga lalaking ganyan. Si Case kasi mukhang sex lang ang hanap sa mga babae. And I will never be one of his dirty girls.

Kung kaya niyang bayaran ang mga babae, ibahin niya ako kasi kayang-kaya ko siyang bayaran ng ilang milyon para lubayan ako.

Noong nakaramdam na ng boredom ay naisipan kong umuwi na. Monica thought that every time I will visit this place ay maghahanap ako ng mga lalaki. Ano namang gagawin ko sa mga lalaki rito? Isasama ko sa condo at gagawa kami ng milagro roon? My god, I do love bars but I am a decent woman. Hindi pa naman bumababa ang standards ko sa buhay para gumamit ng mga lalaki.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now