Kabanata 8

1.9K 46 24
                                    

Inch

After he kissed me, hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. He didn't look at me na parang hiyang-hiya siya sa sinabi ko. Nakatitig lamang ako rito pero hindi niya ako matingnan ngayon. Gusto ko ng lumabas pero naaaliw pa ako sa isa rito. Sino ba naman kasi ang nagpasimuno? Siya rin naman diba?

Nakatitig lamang siya sa labas, tinatanaw ang mga empleyado na papunta na sa kompanya. Nothing has changed, the same guy I love years ago. Noon kasi kapag may sinasabi akong hindi niya nagugustuhan ay ganyan siya. Hindi tumitingin sa akin na parang ang laki ng kasalanan ng babaeng mahal niya.

Nakatitig lamang ako sa kanya habang ang atensyon nito ay wala sa akin. Kahit natatawa pa rin ako ay pinigilan ko ang sariling tawanan ang lalaki. Baka pagalitan na niya ako this time. Inilagay ko ang isang kamay sa kanyang hita. Hindi pa rin ako pinansin. May naisip tuloy akong kalokohan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago hawakan ang kanyang sinturon.

Humalakhak na ako noong lumingon ito sa akin. Tinanggal niya ang kamay ko roon.

"Bakit kasi hindi mo ako pinapansin?" natatawa kong sabi rito.

"Totoo kaya iyong sinabi ko. Gusto ko itong ipatattoo." saka ko muling ipinagapang ang kamay papunta sa slocks niya.

He quickly removed it. "Give it a try, Sorrell. I tell you." seryoso na siya ngayon.

Natatawa pa rin ako. Tinanggal niya ang kanyang seat belt at inayos ang long sleeves. "Will send you upstairs, let's go." malamig nitong sabi saka ako iniwan na mag-isa sa loob.

Lumabas na siya. Inayos ko rin ang sarili, pati ang natatawa kong mukha ay inayos ko. Para tuloy kaming bumabalik sa dati. The time when we were young na kapag iniinis ko siya ay hindi niya ako kakausapin. Ang daling mapikon ni Davi, I swear. He opened the door for me kaya lumabas na ako. I smiled at him pero ang nakakunot nitong kilay ang bumungad sa akin.

Time to be serious.

"Your meeting will start minutes from now. Thanks for the ride." I smiled at him.

Tumingin siya sa kanyang relo. "Yeah, I almost forgot about it."

"Hmm, go now. Text me when you're done, Ed. Will be at Comfort and Care this afternoon."

Tumingin ito sa akin at ngumiti. He walked closer towards me and hugged me. "Thank you for annoying me. You made me happy."

"Ganoon?" I smiled at him at niyakap ito pabalik.

"You made me realize that I am not dreaming, that I have you again." he said.

"I miss you already." I whispered.

"Sorrell, I love you." mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang pagkakayakap sa akin.

"I love you too, Ed." nakangiti kong tugon dito.

Gusto ni Davi na ihatid ako sa opisina ko rito sa 21st Century Gems pero tumanggi ako. Bago pa ito makaalis ay nahagip ng mga mata ko si Amanda na parang naubusan ng tela sa sobrang iksi ng kanyang damit. She was staring at Davi na ngayon ay kumakaway sa akin para makaalis na. Tinaasan ko ito ng kilay and then went closer to Davi para mahalikan ito. I made sure na kita iyon sa dalawang mata ni Amanda.

He's mine, bitch.

Pumasok na ako noong nakaalis na si Davi. I was greeted with sweet compliments kaya nginitian ko sila lahat. Maraming tao ang nasa elevator kaya imbis na roon pumunta ay nagtungo ako sa hagdan. Know when to stay far away from people.

"Your boyfriend's hot and handsome, Sorrell." napahinto ako sa paglalakad noong narinig ko ang boses ni Amanda sa likod ko.

Kinuyom ko ang isa kong kamay at tumingin dito. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Bumalik lamang ang tingin ko sa mukha nito noong nahagip ng mga mata ko ang kanyang maroon na lipstick. She used to wear liptint na sobrang cheap pero iba yata ito ngayon. Alam kong mali na isiping gusto niya akong pantayan pero base kasi sa suot niya ngayon, part of it feels like gusto niya akong lamangan.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now