Kabanata 19

1.4K 38 2
                                    

Successful

That night, I was crying silently. Gusto ko nang umuwi pero hindi ko alam paano. I was staring at the moon and stars na makikita mula sa kanilang bintana. Hindi ito nakasarado para mailawan ang loob ng kanilang bahay. Tahimik ang gabi. Sariwa ang hangin. At sa tuwing naririnig ko ang mga dahon na nahuhulog ay mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila.

Wala silang kuryente rito. Kumakain sila hindi pa nakalubog ang araw ng sa ganoon ay kita pa ang paligid. Masaya ang pamilya na napuntahan ko. They lived a simple yet happy life. Mababait silang lahat, magalang at masipag. Kumain ako ng hapunan kasama sila. Ngayon ko pa lang sila nakilala pero tinuring na nila ako na parang pamilya. That was so unexpected.

I asked them who saw me. Si Grady pala ang nakakita sa akin. He was about to fish that time ngunit nakita ako nitong nakadapa, walang malay, at sobrang putla. And then he called his dear parents. Tinulungan nila ako para magising. They were not scared of me, I am beyond grateful for that. Maybe if they didn't see me, magigising ako pero alam kong hindi ako magtatagal. I needed someone to lean on.

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Napatingin ako sa maliwanag na buwan. Kumusta na kaya ang mga mahal ko sa buhay? I hope they are getting well. Kung sakali man na nalaman nila itong nangyari sa akin, sana hindi sila malungkot. I hope they didn't think na namatay ako because I am still alive.

Sana naparusahan na si Amanda. Sana sa pagbalik ko ay nakakulong na siya. Kasi kung hindi pa, I swear, in this lifetime, matitikman niya ang galit ko. Hindi man sa ngayon pero alam kong sa pagbalik ko, kung ano ang ginawa niya sa akin, pinapangako kong ibabalik ko iyon sa kanya ... ng mas masakit at nakakamatay.

I heaved a deep sigh at nagpasyang bumangon. Haunani was sleeping peacefully next to me. Si Grady naman ay nasa sala natutulog para bantayan ang paligid. Ang kanilang mga magulang kasi ay nasa maliit na kubo doon sa unahan natutulog para bantayan ang mga pananim. May mga ibon kasi na tinutuka ang pananim kaya parati nila iyong binabantayan.

Naglakad ako palabas ng kanilang bahay at umupo sa lantay. Hindi ako makatulog. I miss my penthouse. I miss the smell of my room. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa maliwanag na buwan. May mga ibon na lumilipad at kita iyon dahil sa liwanag na hatid ng buwan. Ang sarap sa pakiramdam pero sa tuwing naaalala ko ang mga taong naiwan ko ay hindi ko mapigilang maging malungkot.

Kung makakabalik man ulit ako, sana kilala pa nila ako.

"Hindi ka makatulog?" dumako ang paningin ko kay Grady na ngayon ay nakatayo sa likod ko.

I smiled at him saka tumango. "I miss home."

Narinig ko ang kanyang buntong hininga. He walked closer to me. "I will take you home."

"W-When?" I stammered, nangingilid ang luha ko dahil sa pangungulila.

"Kapag tama na ang oras." sabi nito. "Ibabalik din kita, Sorrell."

Napayuko ako noong banggitin niya ang pangalan ko. I remember Davi. I badly miss him.

Umupo siya sa gilid ko kaya napatingin din ako rito. I need an assurance. I need to get back home.

"Promise?" malungkot kong sabi rito.

Noong ngumiti ito sa kalagitnaan ng gabi ay parang nabigyan ako ng pag-asa. "Pangako."

Kinabukasan ay nagising ako noong narinig ko ang tawa ni Haunani. I slowly get up just to see her riding on the carabao's back. Si Grady naman ang naghihila sa kalabaw at ang kapatid ay masayang nakasakay nito. I didn't know I was smiling while looking at them. Nalilis lamang ang ngiti ko noong napansin ko ang pagbaling ni Grady sa akin.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now