Kabanata 23

1.5K 43 11
                                    

Hold

Walang humpay sa pagtulo ang luha ko kahit noong natapos ko na iyong basahin. Hindi ko alam na ito pala ang madadatnan ko pag-uwi ko. Bago pa ako nawala, ako ang pinangakuan ng kasal. Ngayong bumalik na ako, sa iba niya iyon tutuparin. Am I worthless? Ni minsan ba ay hindi ako nagkaroon ng halaga sa kanya?

Pinangakuan na ako e. Na ako ang papakasalan, na ako ang aanakan. Pero ano ito ngayon? Bakit sa kaibigan niya lahat mapupunta iyon? My heart is bleeding. Gusto ko siyang makita ngayon din. Did he expect that I died? Did he expect na hindi na ako babalik? Because if he did, hindi niya ako totoong mahal.

Ako ang kasamang nagplano ng kasal pero iba ang ihaharap sa altar.

I was blank kahit noong nakarating na kami sa condo ko. Laking pasasalamat ko sa dalawang sekretarya kasi narito sila. I told them na huwag munang ipasabi na bumalik ako, na hindi pala ako patay. Pagpasok ko sa loob, imbis na mamiss ang lugar ay hindi ko iyon naramdaman.

"I need to see him." my mind was so ready noong sabihin ko iyon.

"Magpahinga ka na muna, Miss-" hindi ko siya pinatapos at kaagad bumaling dito.

"I am his fiancée, Kayla." malamig kong sabi.

"May dinner po sila ngayong gabi, Miss. Kasama ang mga kaibigan ninyo-" pinutol ko siya.

"I don't care, Mara. Gusto kong makausap ang fiancé ko." at akmang papasok na ako sa kwarto noong pinigilan ako ni Grady.

"Magpahinga ka na muna-" hindi ko alam kung bakit nila ako pinipigilan.

"Wala kang pakialam sa desisyon ko, Grady." at saka ko ito nilagpasan.

Pumasok ako sa kwarto, naligo, at pagkatapos ay nagsuot ng magandang damit. Hindi niya ako pwedeng kalimutan dahil hindi pa naman ako patay. Mga dalawang oras din akong nasa kwarto at noong lumabas ako ay nakita ko si Grady na nakaupo sa couch, nakatingin sa malayo.

Hindi ko alam pero dahil sa nangyari ay nawala bigla ang interes ko rito. I mean, si Davi ang nasa isip ko ngayon, ayaw kong madagdagan niya pa iyon. Naglakad ako papunta sa kanya. Kailangan ko ng magpasalamat sa kanya upang makauwi na siya sa kanila. This is my life e, at alam kong hindi siya nababagay dito. Hindi niya maiintindihan ang buhay na mayroon ako rito.

"Thank you sa paghatid. Pwede ka nang umalis." sabi ko at lalabas na sana noong nagsalita ito.

"Mahal, are we okay? Nagalit ka ba sa sinabi ko kanina? I am sorry."

Mabilis akong humarap dito. I suddenly feel the urge to push him away. Ayaw kong narito siya.

"Stop calling me that, Grady. Mahal mo ako pero hindi kita gusto, umalis ka na." at tatalikod na muli ako noong nagsalita pa ito.

"I am sorry. Hindi ko na dapat sinabi iyon. Sige mahal-"

"I said stop calling me that!" I raised my voice. "Nakakainis."

Nabigla siya sa sinabi ko at kaagad din namang napayuko pagkatapos. Lumapit ako rito. May problema pa akong haharapin, please lang huwag mo na sanang dagdagan pa.

"Umalis ka na, Grady. I am seeing my fiancé later."

Tumingin ito sa akin at dahan-dahan kong napansin ang kanyang pagngiti. "Ngayon mo lang ako sinigawan."

"Wala kang pakialam. Nakapagpasalamat na ako sayo diba? Umalis ka na." galit kong sabi rito.

He nodded. "I am leaving now, Sorrell. Masaya ako kasi nakauwi ka na."

"Then go." he nodded at naglakad na palabas.

Hindi ko na inisip si Grady at kaagad na nagpunta sa bahay ni Davi. Dalawang taon na ang lumipas pero alam ko pa rin naman kung nasaan iyon. Nawala lang ako saglit pero hindi ko nakalimutan lahat. Nagbayad ako sa taxi at kaagad na naglakad papunta sa bahay nila.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now