Kabanata 27

1.7K 41 2
                                    

Key

A tearful goodbye.

I was crying that I couldn't comfort his family. Hindi ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi pa matagal noong nalaman ko na may sakit siya pero kaagad din siyang kinuha mula sa amin. Napatingin ako kay nanay at tatay na umiiyak sa gilid. Mara and Kayla comforted them.

Then I eyed Haunani. She was silently sobbing. Ang sakit ng pag-iyak niya. I walked towards her. Hindi siya tumingin sa akin pero ramdam ko ang sakit na dinaranas niya ngayon. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. She was sobbing kaya hinayaan ko siyang iiyak ang sakit sa pagkawala ng kapatid.

Matagal na pala siyang namamaalam sa pamilya niya. It's just me who didn't see it. Hindi ko alam na kahit naroon pa ako sa kanila ay nanghihina na pala talaga siya. Pinilit niya lang maging malakas dahil sa akin. That he was already tired, ngunit pinagsikapan niya na makakauwi ako sa amin. His mother told me na kung hindi pa araw ako dumating sa buhay nila ay baka matagal ng nagpahinga ang lalaking mahal ko.

"Sinabi ba ng anak ko kung gaano ka niya ka mahal?" napatingin ako kay nanay.

Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti rito. "Opo. Walang araw na hindi niya sinabi kung gaano niya ako kamahal."

Ngumiti siya at hinimas ang likod ko. "Anak, pinagpahinga nalang namin siya. Hindi pa sana namin kaya e. Hindi pa namin tanggap kasi masyado pa siyang bata, pero ayaw din namin na mahihirapan pa siya lalo. Bago siya na napunta rito, he took the board exam."

Pinunasan ko ang luhang hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pag-agos. "Opo."

"S-Sayang ano?" pinunasan niya ang kanyang luha. "Hindi na niya maaabutan ang resulta."

Tumango nalang ako at niyakap siya. Wala na akong masabi e, hindi ko kayang magsalita kasi ayaw kong ipahalata sa kanya na sobrang sakit na. Losing Grady feels like I am losing myself as well. Hindi ko kasi napaghandaan e. Parang ang ikli lang ng dalawang taon naming pagsasama ngunit minahal ko siya ng sobra. Ngayon sising-sisi ako kung bakit hindi ko iyon naipakita sa kanya. Hindi ko man lang naiparamdam dito kung gaano ko siya ka mahal.

Tatay Jose was looking at Grady while talking to him, kahit hindi na ito magigising. Sobrang sakit makita na labis na sinaktan ni Grady ang kanyang mga magulang sa pag-alis niya. Even me, hindi ko alam na iyon na pala ang huli. He was really that tired that giving up was the only choice he could do. Masakit oo, pero alam kung mawawala rin ito. All the heartaches will eventually heal in time.

Nakasandal ako sa couch habang nakatingin pa rin kay Grady. Pinunasan ko ang aking luha at napayuko. Wala na ang taong nagiging dahilan kung bakit ako parating nakangiti. Wala na ang taong akala ko ay makakasama ko hanggang sa pagtanda. Hindi ko na siya mayayakap pa.

"Miss?" napatingin ako kay Kayla sa gilid.

"Hmm?"

"Kumain ka muna ng hapunan. Bibilhan kita." sabi nito.

I smiled at her and waved my hand. "I am not hungry, Kayla."

She nodded. "Then take a rest na lang po muna. Ihahatid po kita sa condo ninyo."

Muli akong ngumiti rito. As usual, ang maalalahanin na si Kayla. "I won't leave Grady, Kayla."

"Miss?" ngayon si Mara naman na nakatayo sa may pintuan.

Pagod ko itong binalingan. "You may leave now, Mara, Kayla. Thank you for being here."

Mara smiled at me. "May naghahanap po sa inyo, Miss."

"Who?" bago pa niya sagutin ang tanong ko ay kaagad na bumukas ang pinto.

Muling tumulo ang luha ko noong nakita kung sino ang mga narito. Mommy was sobbing habang ang mga kamay ay nasa kanyang bibig. Nakita ko si daddy na naiiyak pero mas nangibabaw ang saya sa mukha niya. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay kaagad nang tumakbo si mommy papunta sa akin para mayakap ako.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now