CHAPTER 5

2.2K 135 10
                                    

Chapter 5

      ILANG araw ang lumipas ay ganu't at ganun parin ang mga nangyayare kay Jonaz at sa kinakapatid niya. Araw-araw siya nitong iniiwasan kahit saan sila mapunta o mag-kita.

Simula ng malasing siya at makagising ay mas lalong tumindi ang pag-iwas nito sa kaniya.

Habang lumilipas din ang araw ay mas lalong tumitindi ang paninibugho ng damdamin niya para sa kinakapatid. He was not sure about his feelings towards him. Basta ang alam lang niya ay nagagalit siya sa tuwing iniiwasan siya nito, nagagalit siya sa pananatili nitong tahimik at hindi man lang siya magawang kausapin.

Gusto niyang makausap ito, gusto niyang makasama ito. Lalo't gusto niyang manatili sa tabi nito, pero pa'no? Pa'no niya magagawa kung patuloy siya nitong iniiwasan at hindi kinakausap.

Narito siya sa may salas habang pinagmamasdan sa malayo ang kinakapatid niya. Nag-luluto iyon ng pagkain.

Wala sa sariling naglakad palapit ang kaniyang mga paa hanggang sa makalapit siya dito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Pinapasigla pa niya ang boses nagbabakasakaling matanggal ang hiya sa pagitan nilang dalawa.

Hindi iyon umimik kaya agad nag-init ang kaniyang ulo.

"Warren, can you talk to me?" May pagpipigil pa sa kaniyang boses. Ewan, pero ayaw niyang mapunta sa puntong masisigawa niya ito.

Hindi muli nagsalita ang kinakapatid at tinuloy lang nito ang ginagawang pagluluto.

"Anong bang problema mo? Bakit hindi mo man lang ako magawang kausapin. Why? Dahil sa sex na nangyare sa'ten?" Sarkastiko niyang sabi. Hindi na niya napigilan ang sarili. Ang sana'y hindi niya sisinghalan ang binata ay nagawa niya.

"Ano bang kailangan kong sabihin sa'yo? mag hello? Kamustahin ka kung okay kana? Tanungin ka kung kumain kana?" Malakas itong kumawala ng buntong hininga. "At tungkol sa sex na iyon wala lang iyon Jonaz. Don't you know that we are brothers. Jonaz, i'm trying hard to get over you. I'm trying hard, para maiwasan kita dahil mali na e. Mali kung anoman yung nangyare sa'teng dalawa. Kaya pwede ba, Jonaz? Iwasan mo'ko tulad ng pag-iwas na ginagawa ko sa'yo." Dugsong pa nito at pumihit na patalikod.

Bago paman makaalis ito ay agad niyang hinagilap ang braso nito at pinaharap sa kaniya.

"I like you Warren. I like you." Buong sinseridad niyang sabi. Sa wakas na sabi na ng bibig niya ang tinatanggi niya sa sarili.

Saglit nabato ang kinakapatid sa kinatatayuan. Nakatingin lang ito ng malalim sa kaniya. "But i don't like you. So please stay away from me. We are both men and we are brothers. Kung anoman 'yang nararamdaman mo, tigilan mo. At tigilan mo rin ako dahil wala akong nararamdaman para sa'yo—"

Natigil ito sa pagsasalita ng marahas ng marahas niyang halikan ang kinakapatid dahilan para maputol ang iba pa nitong sasabihin. Hindi siya naniniwala na hindi rin siya nito gusto. Alam niya sa sarili na may nararamdaman din ang binata para sa kaniya.

Pilit nagpupumiglas si Warren at tinutulak ang binata dahil sa marahas nitong paghalik sa kaniya. Ngunit kalaunan ang mga tulak niya ay nagmustulang walang bisa. Nagmistulang himas sa dibdib ng binata.

Lumaban din siya sa mga halik nito, nilabanan din niya ang sinimulan nitong halik. Nadarang na siya. Nadarang na siya at hindi na niya alam kung pa'no makakaalis pa.

Ang mga halik nito sa kaniya ay unti-unting naging marahan. Naging banayad na mas dumadagdag sa init ng kaniyang katawan.

Napapikit pa siya ng bahagya ng maghiwalay ang mga labi nila. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata habang nangungusap na tumingin sa binata.

A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon