CHAPTER 16

1.6K 106 2
                                    

Chapter 16

       ILANG minuto pa ang lumipas ay mas lalong tumitindi ang pagkagutom niya, ganunpaman ay mas pinili na lang niyang ipikit ang kaniyang mga mata at pwersahang itulog na lang iyon.



Maya-maya ay biglang bumigat ang kama, yung tipong may umukupa noon.



Iminulat niya ang mga mata at nakita niya ang kinakapatid niyang nakatingin sa kaniya. Nakangiti din ang mga labi nito.



"Let's go and eat." He whispered.


Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa binata. Nagtatanong din ang mata niyang nakatingin sa dito.



"I order some spicy food for us. I know you haven't eat anything yet. So i order food for us. Come on let's go, bago pa maka-gising yung kaibigan mo."



Gumawi ang paningin niya sa kaibigan niya at nakita niyang nakatulog na ito. Hindi niya mapigilang mapangiti.



Siguro napagod ito sa kakahanap ng pagkakaiba ng notebook nito sa ibang notebook.



"Let's go." Tumayo na lang siya at nagsimula ng lumakad palabas ng pinto.



Doon siya dumiretso sa kusina kung saan naroon ang hapagkainan. Nagulat pa siya ng bahagya ng sobrang daming pagkain ang naroon sa lamesa.




"Bakit nag-order ka ng sobrang daming pagkain? Hindi naman na'ten mauubos lahat 'yan." Sabi niya habang mangha parin sa pagkaing mga naroon.



"It's all for you, hindi ko naman alam kung anong paborito mong pagkain. Ang alam ko lang ay paborito mo yung mahalang, so...i oder different kind of spicy food. Come on take a seat and eat."



Wala na siyang nagawa kundi ang umupo na lang, dahil nagugutom na rin naman siya. Nagsimula na siyang kumain at itinuon na lang ang kaniyang pansin sa kinakain niya kahit pa nga paminsan-minsan ay nahuhuli niya ang binata na nakatingin sa kaniya. Yung tingin na tila may gusto itong sabihin sa kaniya.




"Warren." Pagtawag nito dahilan para mapatingin siya. Yung tinginna nagtatanong. "I'm sorry." He said in a serious tone.



Hindi niya alam kung para saan ang paghingi nito ng tawad. Kaya mas lalong napakunot ang noo niya.




"I'm sorry for treating you this way. I'm sorry because i destroyed the most important things. I'm sorry for destroying your picture together with your boyfriend. Nagselos lang naman ako. I mean, yes i like you at hindi ko maiaalis yung pakiramdam na selos na selos ako sa nakita ko. I'm sorry again Warren, i shouldn't have done that." He seriously apologized.




Hindi siya naka-imik, nanatili siya sa kung saan siya naroon. At hindi rin niya nagawang tumingin mata sa mata sa binata. It make it awkward for him, ngayon lang kasi niya narinig na nag-so-sorry ito sa kaniya na puno ng sinseridad. Pakiramdam tuloy niya may kasalanan din siya dito sa binata.




"Don't worry, nangyare na ang nangyare. Let just forget about that." He said then he continue eating.




Wala ng namagitan pang salita sa kanilang dalawa. Hanggang sa sila matapos ganun parin, nanatili parin silang tahimik.




Matapos niyang kumain ay umalis na siya. Ewan, pero tila hindi siya makahinga dahil parehong hangin ang pinagkukunan nilang dalawa ng binata.




Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay una agad niyang nakita ang kaibigan na mahimbing paring natutulog. Naawa tuloy siya sa posisyon nito dahil hirap na hirap iyon.




A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraWhere stories live. Discover now