CHAPTER 30

1.6K 93 1
                                    

Chapter 30

     HINDI niya mawari kung nang-aasar ba ang doctor na kaharap niya. Panay kasi ang pag-ngiti nito sa kaniya sa hindi malamang kadahilanan.

"Ano ho ba ang resulta ng test doc?" Seryoso niyang tanong. "Di'ba nahimatay lang ako dahil sa pagod at init? Wala naman sigurong iba pang dahilan, hindi ba?"

"Yes, you're right. You passed out because of tiredness but there's something else, kung bakit ka nag passed out." Tumikhim ito bago muling ngumiti sa kaniya. "I know it's hard to believe but you should believe this." Tumigil ang doctor na tila tinatantiya lang nito ang iba pa nitong sasabihin. "You're pregnant."

Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway ng sandali niyang malunok iyon.

Isang mahabang pagkakakunot ng noo ang ginawa niya. Isang malaking tandang pananong din ang sumilay sa taas ng ulo niya.

Nagbibiro ba ito? Pa'no pa na buntis ang isang lalaki?

"Doc, mahilig pala kayo mag-biro, bakit hindi niyo naman agad sinabi." Sarkastiko niyang sabi.


Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay kitang-kita niya ang pagka-seryoso doon. Walang halong pagbibiro ang itsura nito. Halatang seryoso sa mga binitawan nitong salita.

"Seryoso ho kayo?" Tanong niyang muli kapag-kuwan.

"Here's the result, see for yourself mr. Levi." He said.

Kunot noong inabot niya ang resulta na inabot nito sa kaniya. Binuksan niya ang envelop at sinilip ang resulta.


Gulat ang bumantas sa kaniyang mukha ng makita ang resulta. Paulit-ulit pa niyang binasa ang mga nakasulat doon ngunit iisa at iisa parin ang nakasulat doon.

"I tested your blood maybe three to four times, at isa lang ang lumalabas doon. Mr. Levi you're pregnant. Isa kana rin sa lalaking nabubuntis, just like me."

Napatingin pa siya sa huling sinabi ng doctor. "You mean, nagbuntis karin?" Tanong niya.

Tumango naman ito. "A child in my owned." He said. "By the way, i have something else to attend to. So i have to go, tingnan mo na lang sa resulta ng test mo kung ano yung bawal at dapat mong gawin, para sa kalusugan ng sanggol na ngayon ay nabubuo na sa sinapupunan mo."

Nakatingin lang siya sa papalayong bulto ng doctor, hanggang sa makalabas iyon ng silid. Natulala pa siya sa hangin at tila kay lalim ng kaniyang iniisip.

Muling niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa resulta ibinigay sa kaniya. Maka-ilang ulit pa niyang binasa iyon ngunit paulit-ulit lang siyang sinasampal ng katotohanan. Katotohanang buntis siya, at dapat siyang mabuhay doon.

Wala sa sariling napasapo siya sa sariling tiyan. Maraming katanungan ang pumapasok sa kaniyang isip. Tulad na lang ng, totoo kayang may sanggol sa loob ng tiyan niya? Totoo kayang buntis siya?

Alam niyang lahat ng tanong niya ay nasagot na ng hawak niyang resulta. Hindi lang talaga niya kaya pang paniwalaan ang mga bagay-bagay sa ngayon...

Mariin ang pagkakahawak ni Jonaz sa telepono habang kausap niya ang kaniyang ama. Pinipigilan lang niya itong gumawa na naman ng hakbang para makalabas siya sa loob ng kulungang ito.

"Dad, i need to be here. This is the place where i really belong." Matigas niyang sabi sa ama.

"I don't want to see you in jail son. I can't bear to see you like that. Allow me to help you. Allow me to pulled some strings." Pamimilit pa ng ama niya sa kaniya.


A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon