CHAPTER 18

1.5K 106 3
                                    

Chapter 18

     Kuno't noong nakatanaw lang si Warren sa kinakapatid niya habang kinakausap nito ang kaibigan niya at yung isang lalaki. Kung pagmamasdan ay isa iyong propesor.



Napakunot siya ng noo ng makitang umalis na ang kaibigan niya kasama ang propesor at bumalik naman si Jonaz mag-isa papunta sa gawi niya.



Umayos siya ng upo ng sandaling makalapit na iyon at pumasok na sa loob ng kotse. Tumingin ito sa kaniya maging siya ay ganun din. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ngunit siya na ang umiwas ng tingin.



"Liam wont sleep with us tonight. He have something important to do with his prof." Sabi nito na nahalatang nabasa ang kaniyang isip.



Gustoman niyang magtanong kung anong gagawin ng kaibigan niya at ng prof. nito ay hindi na lang niya ginawa. Nanatili na lang siyang tahimik.



Sa kabilang banda naman ay hindi niya malaman ang saya na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Hindi niya alam kung bakit siya tila nagdiriwang, basta ang alam lang niya ay magkatabi silang dalawa ng binata matutulog ngayon at silang dalawa lang.



May kung ano-ano na namang pumapasok sa kaniyang isipan. At ngayon palang ay pinaghahandaan na niya ang sarili mamayang gabi kung sakali mang mangyare ang mga iniisip niya.



Ewan, pero para siyang timang. Hindi niya maiwasan ang panay niyang pagngiti. Bukod pa doon ay hindi rin niya mapigilan ang labis-labis na kaligayahan. Buti na nga lang ay nakatagilid siya upang hindi malaman ng katabi niya ang mga ngiting sumisilay sa kaniyang mga labi. Baka kung ano pa ang isipin nito, na siya nasisiraan na ng bait.



Mabilis siyang bumaba ng kotse matapos nilang makarating sa bahay na tinitirhan nila. Hindi na niya naintay ang binata. Diretso na siya sa loob ng kwarto, habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.



Parang sirang plaka na kinakausap niya ang kaniyang sarili. Pilit niyang pinapaklama ito. Alam niyang mamayang gabi...mamayang gabi tiyak siyang may mangyayare, alam niyang mangyayare at kailangan niyang maghanda.



Teka? Bakit ganito nga pala ang iniisip niya? Bakit tila nahahawa na siya ng kamanyakan ng kapatid? F-ck! F-ck!



Ipinilig niya ang sariling ulo. Hapon na at malapit ng sumilay ang buwan sa kalangitan. Lumabas siya ng kwarto at nag-tungo sa kusina.



Ewan, pero may kung ano sa parte ng katawan niya na gustong ipagluto ng masarap na pagkain ang kinakapatid. Yung pagkain na hinding hindi nito malilimutan kung sino ang gumawa at kung anong gawa.




And when he reached the kitchen, he quickly prepared all the ingredients. He also wear apron.




Naging aligaga siya at hindi niya alam kung ano na ang sunod niyang gagawin. Kung mag-gagayat ba siya ng bawang, sibuyas. Shit! Nalilito na siya kung anong uunahin. Damn!




Humugot siya ng isang malakas na buntong hininga. Pinakalma niya lahat ng senses sa katawan upang makapag-isip siya ng tama dahil sa ngayon ay gabing iyon lang ang nasa isip niya. Iyon lang at wala ng iba.




Saglit niyang iwinaglit lahat ng kaniyang mga naiisip. Matapos kalmahin ang sarili ay doon nakapag-isip na siya ng dapat niyang gawin.



Nagluto siya ng may buong ligaya at buong pananabik. Pakanta-kanta pa siya sa kaniyang isip habang panay ang matatamis na ngiti.



Hinahalo niya gamit ang sandok ang niluluto niya ng biglang may kung sinong yumakap sa kaniya sa likuran.



Nabuhay lahat ng balahibo niya sa batok dahilan para magsitaasan ang lahat ng iyon. Tumatama kasi ang mainit nitong hininga sa batok niya. Shit! Ito na ba? Ito na ba agad? Hindi na ba nito kayang hintayin ang gabi? Shit! Hindi pa siya nakakaligo. Amoy niluluto pa siya. Damn!



A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraWhere stories live. Discover now