Christmas Special

742K 28.6K 125K
                                    


Thank you so much to the top 20 gifters in KUMU!

This chapter is dedicated to:

elaravaleria, avriellejuarez, clydenfan, x_charmine, cyaneayi, only4clyden_, ohbreeeyyy98, user723408, jun.c, francineheather, aikaela, pschnnh_, chloe_florianne, aviayanna, gwainettama, mauiposa, alyannaandal, eurickha.keith, athenajeathegreek, sebhielat. 


Follow me on KUMU: gwy.saludes for more sessions like this. 

***


"It's the most wonderful time of the year..." 


Pakanta-kanta pa ako habang nagsasagot sa last kong exam this finals week. After this, free na ulit ako from school! Ngiting-ngiti ako habang nagshe-shade ng sagot ko sa paper dahil naiisip ko na ang masasarap na pagkain sa pasko. Gusto ko na lang matapos 'to! 


Tumayo kaagad ako at hindi man lang nag-abalang mag-recheck ulit pagkatapos kong sagutan ang huling tanong. Pumunta kaagad ako sa harapan at pinasa sa prof ko ang paper. "Unang-una ka na naman, Estella," sabi niya sa akin, natatawa.


"Merry Christmas na, Sir!" Ngumisi ako at sumaludo sa kaniya bago ako tumakbo palabas, dala-dala na ang gamit ko. Kikitain ko muna ang friends ko sa favorite naming restaurant para magpalipas ng oras habang hinihintay ko si Seven at Lai.


Bibili kasi kami ngayon ng regalo para sa nabunot namin! May pa-Christmas party kasi sina Tita for this year at may exchange gifts daw! Hindi ko alam kung swerte ako or malas na nabunot ko si Daddy. My gosh! Hindi ko alam ang ireregalo ko. Hindi ko alam kung pagtitripan ko ba siya o hindi. Baka kasi ang only wish ni Daddy this Christmas ay maging matino ako! Gusto ko namang tuparin kahit papaano! Naaawa na rin ako sa kaniya, eh! 


Kakatapos lang din ng debate competition ko kaninang umaga bago ako mag-exam at nanalo naman ang team namin papuntang semi-finals. Tuwing nakikita ako ng mga nakakalaban namin sa debate, napapasapo na lang sila sa noo nila. Parang sinasabi nilang 'ikaw na naman?' Parang ayaw nila sa 'kin, ganoon! Hmp. 


"Kanino ka mas close, Estella? Sa Mommy mo or sa Daddy mo?" tanong ng friend ko. 


"Hmm, mas ka-vibe ko si Mommy pero close din naman kami ni Daddy. Sakto lang! Gusto ko lang talagang binibwisit si Daddy bawat gising ko para naman makumpleto ang araw ko," proud na sabi ko naman. 


"Buti hindi napipikon sa 'yo ang Daddy mo?"


"Love na love ako noon... pero sinong nagsabing hindi siya napipikon?" Natawa na naman ako sa sarili ko nang maalala ang mukha ni Daddy tuwing naiinis siya sa akin. Love language ko kasi 'yon sa kaniya, ano ba 'yan! 


Maagang nagsi-uwian ang mga bulok kong tropa kaya naiwan naman akong mag-isa! Wala akong mapuntahan kaya naisipan kong silipin na muna si Seven doon sa training niya ng volleyball. Grabe, wala talaga silang tigil sa training kahit magbabakasyon na, ah?! Sigurado, walang reklamo si Seven doon! Mukha na siyang volleyball, swear! 


Umupo ako sa may bleachers habang pinapanood silang mag-training doon. Naglalaro sila at seryosong-seryoso na naman si Seven kaya natatakot 'yong ibang players, lalo na 'yong mga mas bata sa kaniya! 

University Series DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon