ViArkin: Life After Marriage

667K 22.9K 87K
                                    



Thank you so much to the top 20 gifters in KUMU!

This chapter is dedicated to:

alyrchives, havesevi, viartwin, dxoxoarts, elaravaleria, lim_angeladanielle, lomlkierra, elnea_b, limmpaulineeee, lovingelvi, avriellejuarez, princessrafaela, arkinswife, aviannadiaz19, turnaroundsamm, thea_8, haesoo_, ohbreeeyyy98, gwaixkn, x_charmine, only4clyden_


Follow me on KUMU: gwy.saludes for more sessions like this.


***


"Para saan 'yang bucket list na 'yan?"


Kakauwi lang namin pagkatapos magpakasal. Hindi siya grande o malaking event. Kaming dalawa lang at ang kaunti kong mga kaibigan dito sa Spain, tsaka 'yong ibang kaibigang nakilala rin ni Kino rito ang inimbita. Wala kaming planong sabihin sa iba. Hindi nga kami lalagpas sa sampu. Simpleng white dress lang din ang suot ko, hindi na pinaghandaan. 


Wala naman kasi para sa akin 'yong mga ganoon. Para sa amin ni Arkin, ang mahalaga ay makasal kami. Ang mahalaga ay ang nararamdaman namin. Hindi namin kailangan ng maraming tao, basta't naroon kaming dalawa at mahal namin ang isa't isa, okay na 'yong katibayan sa kasal namin. 


"Dahil kasal na tayo, kailangan na nating magplano ng mga goals natin!" Tinuro ni Kino ang papel na nasa coffee table. May hawak siyang ballpen ngayon at nag-iisip habang nakasandal sa may sofa. "Gagawa tayo ng bucket list!" 


Umupo ako sa tabi niya pagkatapos kong magbihis sa kwarto dahil ayaw ko nang suotin ang dress na 'yon. "Eh, 'di ba nagkasundo na tayo para sa honeymoon?" We were planning to travel the world together. Isang bansa kada season. 


After thinking it through, Arkin and I agreed that I should take a break from work. Nakulong na ako sa Architecture halos buong buhay ko kahit hindi iyon ang gusto kong gawin. While taking a break, we will also write music together. Iyon na muna ang tatrabahuhin ko at bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod. Hindi naman ako tuluyang magki-quit bilang architect. Magpapahinga lang ako saglit mula sa office. 


"One, travel the world together." Sinulat ni Arkin 'yon sa papel. Napag-usapan na namin kung saan kami pupunta. "Two, make music together." 


"Three, iyong pinaplano nating bahay," pagpapaalala ko sa kaniya. May pinapatayo na kaming bahay rito sa Spain pero sa Pilipinas, balak din naming magtayo para may mauuwian kaming dalawa bukod sa bahay ng pamilya namin. Maganda rin 'yon dahil madalas naman kaming umuuwi tuwing may okasyon. "Iyon din. Fourth, go home to the Philippines during the holidays or during special occasions." 


"Fifth?" Tumingin siya sa akin pagkatapos isulat ang mga sinabi ko. "Hmm... Mag-alaga ng bata?" 


We were not talking about our own kid... because we weren't planning to have one. I didn't want to have one and Arkin respected my decision. Kung saan ako, roon siya. Naiintindihan niyang gusto ko nang maging malaya ngayon pagkatapos kong maging ina sa mga kapatid ko sa murang edad. Buong buhay ko, nag-aalaga na ako. Tinuring ko na ang mga kapatid ko bilang anak. Alam naming dalawa na oras na para palayain naman ang sarili at mamuhay nang walang iniintindi kung hindi kami. 

University Series DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon