Kalix's Birthday Celebration! (AU)

404K 15.8K 42.9K
                                    


Thank you so much to the top 20 gifters in KUMU!

This chapter is dedicated to: jenairafrancine, elaravaleria, alyrchives, elneyah, limmpaulineeee, lyaangela, yannajuarace, intoelvii, _rcamillee, alexxa_jemmm3, withlukal, junica.c, _homi, sheriee, andrea.olivar, vncly14, neriana, denii_, yleaa_, salongakryz!

Follow me on KUMU: gwy.saludes 


***

"Ang hirap namang regaluhan..."


Kanina pa ako mabagal na naglalakad sa tapat ng simbahan papuntang Gate 2 sa España habang nakahawak sa strap ng backpack ko. Naiinis na siguro iyong mga naglalakad sa likod ko dahil kanina pa may nago-overtake sa akin. Kakasimula pa lang ng klase ko pero parang wala ako sa focus dahil ang laman lang ng isip ko ay birthday ni Kalix.


"Busy siguro 'yon ngayon," bulong ko sa sarili at nilabas ang phone para kumustahin siya. First year na siya sa law school at kasisimula lang din ng klase niya. Sana okay siya roon. 


To: Lalabs 

bebe ko how are you? pauwi na me xD nakauwi ka na ba? 


Nag-reply kaagad siya kaya nagulat ako! Ang bilis ha! Wala pa ngang isang minuto! Ito namang si Kalix, parang inaabangan talaga ang text ko! Napakagat tuloy ako sa labi ko para pigilan ang ngiti. Kinikilig ako. 


From: Lalabs

I just parked. Call me when you get home, please. 


To: Lalabs

oki po <3333 i love u so muchie 


From: Lalabs

I love you


Eh! Nakakainis! Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko dahil sa sobrang kilig. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at napapadyak sa pwesto ko, pinipigilan ang kilig. Hay... Ang lakas na ng tama ko sa 'yo, Kalix Jace! Kinagat ko ang daliri ko, nangingiti pa rin habang naglalakad. 


Nag-iba ang plano ko. Doon na ako sumakay sa Lacson papuntang mall dahil bibilhan ko si Kalix ng regalo sa birthday niya. Pagkarating ko roon, ang tagal kong pinag-isipan kung ano ba ang ibibigay ko sa kaniya. Bandang huli, nakita ko na lang din ang sarili ko sa toy store, naghahanap ng mystery board games.


Gustong-gusto niya kasi ang mga 'yon. Gusto niyang nagso-solve palagi ng mga problema sa board games tapos ang galing niya pa roon. Gusto niya 'yong gumagana ang utak niya. Ako kasi, basta masaya, okay na! Siya, kailangan may thrill!


"Ito na lang. Mukhang wala pa siya nito." Para akong tangang bumubulong sa sarili ko kanina pa. Kinuha ko 'yong Unsolved Case Files dahil mukhang wala pa siya noon. 


Pinabalot ko ang regalo ko pero dahil nasa toy store ako, nakakatawa dahil pangbata rin ang giftwrapper. Parang magbubukas ng laruan si Kalix kapag binigay ko. Naudlot ang tawa ko nang mag-text ang bebe ko! 


From: Lalabs

Are you still not home? It's already late baby

University Series DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon