Chapter 3

9.8K 371 46
                                    

"Why are you frowning like that, baby?" Saellyn was surprised when her team approached her as soon as she stepped inside her house.

Kinagat niya ang ibabang labi bago ngumiti nang matamis. "I'm not frowning. Mainit lang sa labas," she answered.

Paris took her purse before clinging to her arm. Hinila siya nito papasok at saka siya sinamaan ng tingin. "Hmm? Sure? You're not lying?"

Umiling agad siya bago umupo sa sofa. "I swear. 'Saka kung bubusangot ako, parang hindi naman fair kasi sobrang ganda ko 'di ba?"

"Ay pak! Oo, mahal ko, hindi ka puwedeng bumusangot. Maaga raw tatanda kapag malungkot lagi. Kaya tingnan mo kaming mga momshoes mo, araw-araw maganda kasi araw-araw rin kaming masaya!" Rome added while eating chips.

Saellyn pouted her lips. "Nasaan na 'yung pasalubong ninyo sa akin? Sabi ni France m'eron daw kayong binili," she said.

France appeared from the kitchen while carrying a small box. 

"Ano na naman ang naririnig ko sa alaga ko, ha?" sabi nito bago umupo sa tabi niya. A smile immediately appeared upon Saellyn's face when she saw France holding a box of egg tart.

"Thank you! You guys are the best! Is this really the original one?" mangha niyang tanong habang binubuksan 'yon.

"Liam's the one who asked someone to buy it from Guangzhou China, my dear. Alam mo namang maraming amiga 'yon doon kaya kineri naming makapagpadala niyan dito sa Pilipinas," Rome answered.

She gasped. "I'll say thank you to him later also. I'll eat this later after taking a bath. Where is Liam anyway?"

"Busy sa pag-asikaso doon sa away mo kahapon, mahal. The director wanted to sue our team for causing a scene pero alam mo naman kung gaano tayo ka-bongga kaya wala ring saysay ang ginagawa niya. He doesn't even have the rights to sue us!" Paris answered frustratedly.

"Ang kapal ng mukha, dapat nga siya ang kinakasuhan!" Rome added.

She clenched her jaw in annoyance. "I just need more evidences and I need to hear the victims' side to sue him. Mahihirapan ako sa kaso ng hayop na 'yon dahil alam kong hindi rin magsasalita 'yung mga artistang nabiktima niya. He traumatized them so much that they wouldn't dare do anything to send him to jail. He's a monster."

"We'll help you with that, darling. Pero ngayon, kailangan mo munang magpahinga. You don't have any shoot for today so beauty rest is all you need!"

She smiled sweetly before nodding her head. She kissed their cheeks before bidding goodbye.

---

"Nalagay ko na diyan lahat, Liam. Babalikan ko na lang mamaya 'yung purse ko sa kotse," she said to Liam who's busy checking her bag.

"Sure? 'Yung cellphone mo, mahal, nandito na?"  he asked.

She nodded repeatedly. "Opo, kamahalan."

Liam chuckled with her response as he fix her hair. "Gorabells na, mahal. Susunduin kita ulit dito mamaya ha? Don't forget to call me kapag uuwi ka na, kami ni France ang susundo sa ýo kasi under maintenance ang kotse ni baklang Rome." 

Saellyn kissed Liam on the cheeks before waving her hand. When Liam was gone, she immediately entered the narrow street, roaming her eyes around to find someone.

"Ate!"

Lumingon siya sa sulok ng eskinita at agad na napangiti nang makita ang bata roon. "Hello, sabi ko naman sa ýo babalik ako 'di ba?"

''Oo nga po, eh. Akala ko talaga nagbibiro lang po kayo noong sinabi ninyo 'yon," nakangiti nitong saad atsaka lumapit sa kaniya. Saellyn carefully caressed the child's hair.

"Saan ka ba nakatira? Nasaan ang mama mo?" she asked.

"Si mama po? Nasa ilalim po ng tulay 'yung kubo namin, e. Hindi naman po kasi siya makalakad kaya ako na lang po ang nanlilimos sa daan para may pangkain po kami. Tingnan n'yo ate, singkwenta na ang nakokolekta ko ngayon," taas noo nitong sabi.

Naramdaman ng dalaga ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. "Ang galing mo naman, paniguradong matutuwa si mama mo niyan. Ano nga palang pangalan mo?"

"Ako po si Jayson! Ikaw ate ganda, anong pangalan mo? Para talaga kayong artista," mangha pa nitong sagot sa kaniya.

She giggled a little. "Saellyn ang pangalan ko. Artista naman talaga ako, kaso nga lang hindi ako sikat. Alam mo 'yon? Parang extra lang ako sa mga pelikula."

"Talaga po? Bakit naman ang matapobre ng mga direktor? Kung ako po sa kanila ikaw lagi ang bida sa mga pelikula. Ang ganda ganda n'yo po kaya. Para kayong dyosa na bumaba sa langit," giit nito.

She sat down beside the boy while smiling sweetly.  "Talaga? Maniwala naman?"

"Maniwala ka sa akin, ate. Ikaw kaya ang pinakadyosang babae na nakita ko. Kung kasing edad n'yo lang po ako, baka ligawan ko kayo!" masigla nitong dagdag na mas nagpalakas pa sa tawa ng dalaga.

"Binobola mo na lang yata ako, e. Tara nga, gusto kong makita si mama mo. Tapos may sasabihin ako sa kaniya na siguradong ikatutuwa ninyong dalawa." Ginulo niya nang bahagya ang buhok ng bata matapos sabihin 'yon.

"Talaga po ate? Kaso marumi po sa bahay namin, kubo lang po kasi 'yon at mabaho rin doon."

"Oo naman. Ano ka ba? Naka-tsinelas nga lang din ako para hindi ako matapilok. Tara na, dali," excited niyang pag-aya sa bata.

Jason smiled sweetly before holding her hand, accompanying her to somewhere. Nang makarating sila sa tabi ng ilog ay agad siyang pinatigil ng bata.

"Ate sandali lang po, ah? Sa kabilang banda pa po kasi 'yung tulay. Tatawagin ko lang po 'yung mga kasama ko para sa bangka. Sandali lang po."

Tinanaw niya ang bata na ngayon ay tumatakbo patungo sa grupo ng ilang mga kabataan din. 

While waiting for Jason, she answered her father's call.

"Dad?" she uttered.

"Where are you right now?" striktong tanong nito.

"Malapit lang sa mansyon, bakit na naman ba?" She rolled her eyes upon answering.

"I want you to accept an offer from this producer that I had conversations with. I told him that you're an aspiring actress and he's interested with working with you. I'll tell Liam to accept the call and you guys can talk about that matter." 

"Offer? What role?"

"I don't know. Why are you asking me about that? That producer is known for having R18 projects. Maybe you'll get a sexy role this time. Maybe for a BDSM film. Baka naman mag-inarte ka pa? Wala ka na ngang pwesto sa showbix maarte ka pa sa pagtanggap ng roles mo? You have the face and you have the body. Huwag mo nang tanggihan 'to. Ako ang nahihiya na may anak akong extra lang sa mga pelikula," galit nitong litanya.

Saellyn clenched her jaw before hanging up. "Edi ikaw ang tumanggap ng role, may kahihiyan ka rin pala, eh," bulong niya sa hangin.

Gusto niyang sumabog sa inis dahil sa kapunyetahan ng ugali ng ama niya. Of course, she knows that, sexy naman talaga siya at sobrang ganda pa niya. She can flaunt her sexy body in swimsuit but she'll never accept sexy roles for BDSM and R18 projects. That's beyond her imagination!

She just came back to senses when Jason held her hand. "Ate, tara na po! Magbabangka tayo."

Ngumiti ang dalagita rito at tumango nang marahan.

KNIGHTS I-7: Thirst of the Supreme (Dagger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon