Prologue

54 5 7
                                    

Simula

Tumingin ako sa labas, madilim ang langit at mukhang uulan. Malamig din ang hangin at parang may bagyong parating. Malalim akong huminga at humalukipkip sa harapan ng bintanang salamin ng classroom namin.

Alas cinco y media na ng hapon at kadalasan nakauwi na kami nito pero dahil sinamahan ko ang isang kaibigan na matapos niya ang kaniyang assignment, nandito pa ako. May mga studyante pa sa ibaba, mayroong sa kiosk at benches na pwedeng silungan kapag mainit.

Ito madalas ang naabutan ko kapag dumudungaw sa baba. Nasa ikatlong palapag ang classroom naming grade eleven at kaharap ang building ng grade twelve.

I watched the few students below, talking, laughing, running. All in motion and lively. Contrary to the weather that is gloomy and dull.

"Sandra."

Bahagya akong lumingon kay Mallory nang tinawag niya ako, wala na halos tao sa classroom namin at dapat kanina pa kaming nakababa. Hinintay ko lang siyang matapos ang sinusulat niya sa kaniyang papel.

"Tara na, alis na tayo. Sorry, pinaghintay pa kita."

Tipid akong ngumiti at tumango, lumapit ako sa aking upuan para kunin ang aking bag habang tinutupi ang dulo ng suot kong long sleeves hanggang siko. Nakasanayan ko ng hubarin ang blazer kapag hapon na at tinitira ang puting long sleeves na panloob. Ang totoo'y hindi rin ito ang uniform namin, napagpasyahan ko lang na suutin dahil byernes naman.

Nakatali rin ang buhok ko sa isang mataas na ponytail. Ang suot na palda ay pinahaba para matakpang mabuti ang tuhod ko. I am as white as snow and they say I have crystal clear skin. My hair is long and jet black and my lips are naturally red and plummy. My brows are thick and are a bit inclined. Kaya nagmumukha akong suplada at intimidating sa iba.

"How is it? You finished your assignment?"

I carried my bag like how my male classmates carry theirs: hanging in the shoulder. Matunog ang suot kong itim na boots, hindi ito ang prescribed na dapat isuot pero ito ang gusto kong ipares sa uniporme kahit hindi tugma. Medyo maputik kasi sa school ground kapag umuulan dahil hindi sementado ang lahat na parte ng school.

"Oo, naku! Thank you sa pagpakopya sa'kin ah, Sandra. Talagang gagawa na ako ng assignments sa susunod."

"Hm."

"Ang bait mo talaga! At matalino pa, hindi totoo iyong sinasabi ng iba na suplada ka at matapobre. Mga insecure lang sila kasi maganda ka."

I chuckled and hid a smirk. It's not everyday that I get to help my struggling classmates. And they compliment me so much in return, although it is not necessary at all.

"Sinong sila ba?"

"Sila...ni Akira at mga kaibigan niya. Alam mo na, mga naiinggit sa'yo."

"I don't see any reason for them to envy me though."

I scoffed. People of La Carlotta are really...how should I say it? Crab mentality is all over the place. Although a big percentage of the population here support our family, there are some who doesn't like us. Lalo na sa aming magkapatid na bagong salta lang.

"Marami kaya, maganda ka, matalino, mayaman, at maraming manliligaw!"

Tumawa si Mallory at isinukbit ang braso sa'kin.

"Kahit babae nagkakagusto sa'yo, Sandra. Lalo na medyo boyish ka minsan at tahimikin. Kapag nakasombrero ka at ekspertong nakasakay sa kabayo niyo...parang kahit ako mahuhumaling sa'yo."

"Sira."

Mahina akong natawa. Nakababa na kami ng ground floor at ngayon palabas na ng building. Nagsiuwian na rin ang ibang studyante. Napatingala ako sa madilim na kalangitan.

It's getting darker and duller, the wind from the near forest and few rice plantation blow cold and fresh. I have no umbrella so I began texting our driver to fetch me outside of the school's gate.

Nasa campus square na kami nang biglang umingay ang mga studyanteng nadadaanan namin. Ibinaba ko ang cellphone para tignan ang nangyayari pero nagulat ako nang makita ang galit at nagmamartsang babae na palapit sa'kin.

Her hair is messy and long, her face is red and tears are falling fast from her eyes. She's pretty in the first look, regal and sophisticated, but the anger and resentment in her angry face gathered more of my attention.

"Nasaan na ang malandi mong kapatid!? Mga walang hiya kayo! Inosente si Ian, hindi niya magagawang dukutin ang kahit sino. Lalo na kung ang inggitera mong kapatid!"

Napatigil ako at natulala sa gulat. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya dahil maliban sa mabilis ang pagsasalita niya, hindi ko rin yata alam ang pinagsasabi niya.

Who kidnapped who? And why is she attacking me? I don't even know her.

May pumigil sa kaniyang sugurin ako, mostly male students from the higher batch and my friend pulled me back. I resisted her a bit, I'm so eager to face the girl in front of me and ask her what the hell is going on.

Pero sa tingin ko, sa galit niya hindi kami magkakaintindihan. She's fuming mad and I'm completely clueless here. But she mentioned about my sister so maybe she's talking about Sera?

"Amanda, tama na 'yan. Umabot ka pa talaga rito para manugod."

"Let go of me! That girl's family is falsely accusing Lethian! Her family arrested the Cristobals for goodness' sake! Without evidences!"

Dinuro ako ng babae at mariin siyang pumikit, suminghap at kalaunan nag-alburuto sa galit. Halos manlisik ang mata niya sa'kin at kung hindi lang siguro siya hinahawakan ay nasugod niya na ako.

I blinked, I cannot understand the whole story. But according to her, my family is accusing Lethian Cristobal of kidnapping? If I got that one correct. At pamilya ko raw, kami, pero wala akong alam. Ni-hindi ko alam kung anong nangyayari.

"She has to tell us where Seraphine really is and free the Cristobals!" Dagdag ng babae. "They are blackmailing Lethian! Palibhasa tinanggihan si Seraphine kaya nagalit! Ngayon gumagawa na ng issue!"

"Hoy, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" Bwelta ni Mallory at pumagitna.

"She's innocent, Amanda-"

"She is a Javier! It runs on their blood, being cruel and unjust!"

"I'm..."

Hindi ko natapos ang sasabihin nang makita si Howl sa malayo. Kung talagang inaresto sila ng pamilya ko bakit siya nandito? Napasinghap ako, malayo man kami sa isa't-isa at marami mang tao sa pagitan namin ay hindi naputol ang titig niya.

Walang kumurap o nag-iwas, hanggang sa may lumapit sa kaniyang dalawang lalaking nakaitim. Tauhan ni kuya Creed, tauhan namin. Dinala siya at pinapasok sa malaking SUV.

My heart hammered violently and I had a strong urge to run after them. And save and free him from our men.

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now