Chapter 12

8 1 0
                                    

Invite

"You'll wait for me to grow up and? Ilang taon ka na ba? At anong grade ka na?"

He chuckled again and tilted his head more.

"I'm eighteen, grade twelve."

"Oh! Where's your school?"

"La Granja National High School pa rin. Nasa kabilang building lang kami ng grade ten. Naka-seperate lang."

Bigla akong na-excite na makita ang school na sinabi niya. Maliban kasi sa hacienda ay hindi pa ako nakapunta sa iba pang lugar sa bayan. Not even in the city alone, or in the other lands.

"Maganda ba ro'n?" Kuryuso kong tanong na tinanguan niya.

"Maganda naman, medyo malaki naman at maraming studyante. Gusto mong makita?"

"P-Pwede na ba? Wala pa namang pasok."

Nangiti ako, lalo akong na-excite. Magagawan siguro niya ng paraan, ano?

"Pwede kitang ipasyal minsan, kilala ko naman ang guard. Para makita mo ang school."

"Titignan ko, magpapaalam ako kay papa. Pero makikita rin namin 'yon kapag nag-enroll na."

Tumango siya. Napatingin ako sa mansion nang makitang lumabas doon ang ilang bisita at may pumunta sa poolside.

"Babalik na muna ako."

"Okay."

"At ikaw?"

Binalingan niya ako nang makatayo siya at pinaningkitan ng mata. Tumayo rin ako agad at ngumiti.

"Babalik na rin, medyo malamig na kasi."

Pagkapasok ko nakita ko agad si mommy na kausap ni tita Darren. Si papa ay katabi niya at binubulungan siya.

"Where have you been?" Creed ambushed me. "Are you bored again?"

"Nagpahangin lang, kuya."

I looked at him. He's wearing a dashing black coat and red tie, dark slacks and shoes. Ang may kahabaang buhok ay naka brush up. He sighed and pulled me, he hugged me then.

"Sera's caught sneaking out."

"Talaga? Tapos?"

"Nagtampo ulit kaya nagkulong ulit sa kwarto niya. Can you believe it? Hindi rin nakatiis." He chuckled. "Kung pagod ka na magpahinga ka na. Akong bahala rito."

Hinatid niya ako kina mama, pero si mama ay masyadong seryuso kaya sinulyapan lang ako at tinanguan.

"I'm going up, papa." I kissed papa in his cheeks instead.

Siya pa mismo ang yumakap sa'kin at hinalikan din ako sa noo.

"Sige. Nasa taas na rin ang kapatid mo."

"Thanks for tonight, Sandra," si mama ngayon at niyakap ako. "Sleep tight. Let's arrange things tomorrow."

She kissed me, too before I went up. Hindi pa naman ako sobrang puyat pero nang matapos akong mag-half bath ay nakatulog agad.

Sera's mocked the next morning, ayaw pa rin niyang lumabas.

"I'll enroll you to the school next week, they start classes early here so you'll get ready. Ang sekretarya ko na ang mamimili ng kailangan niyo, magpapatahi na lang kayo ng uniform."

"Sabay na silang lahat magpapatahi, Jianna. Si Andromeda at Alessandria ay dito rin naman mag-aaral, sabay na rin silang magpapa-enroll," si tita Razel.

Nag-aagahan kami at magkakaharap sa mahabang mesa ngayon. Papa's on the center and Mama's beside him, I'm beside mama and beside me is Creed.

"Maybe it's best if they will enroll themselves?" Si tita Darren. "Para matuto sila at makita nila ang skwelahan. Magkasama naman silang lahat, e."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now