Chapter 10

4 2 2
                                    

Home

Hapon na kami nakauwi ni Alijandro at naabutan kong may kausap si kuya na tauhan. Hindi ko narinig ang usapan nila pero mukhang may problema siya sa planta.

"Nasa Vista Alegre sina Mama, pwede namang tawagan kung may itatanong ka, Creed," si Kyo habang naghahapunan kaming apat.

Tahimik lang akong kumakain, hindi ako nagpalit kanina dahil natuyo rin naman ang damit ko.

"H'wag na, maaayos ko 'to. Maliit na problema."

"Anong mayron?" I asked, but kuya just shrugged.

"Nothing. Don't mind it, nga pala, uuwi si papa at mama sa susunod na buwan."

"Babalik na tayo no'n sa Manila, ah. Ano, dito na silang dalawa habang tayo sa Manila?" Si Seraphine na mukhang excited na umuwi.

"Halatang excited ka, Sera. Si Alessandria hinihintay ka na ring bumalik, wala raw siyang makausap na kasing suplada mo," biro ni Kyo.

Seraphine laughed and drink her juice.

"Birthday niya sa September, baka naghahanda lang siya para sa party at walang makausap para sa plano niya."

"You can't join her anyway, you're grounded, remember?" Si kuya. "It's not yet lifted. Magagalit si mama."

"But it's Alessandria's birthday!"

"Dadalo naman tayo sa party niya, pero hindi ka makakawala."

Seraphine kept whining about it until the next days. Ako naman araw-araw bumabalik sa rancho para amuhin si Cassian. Nagpapakain ako ng carrot sa kaniya at nasa sapa kami para magpalamig. Wala si Alijandro at nasa kubo kasama ng ibang tauhan habang si Howl umalis para kumuha ng prutas.

"Ano, Cassian? Masarap? Mauubos ang carrots sa bahay nito," pagkausap ko sa kabayo. "Dapat try mo rin ang damo, wala na kaming carrots."

The horse whined, as if he can understand me. I chuckled and caressed its back gently, slowly, the horse started to like me. When I'm giving him foods, particularly apples and now carrots.

Napatingin ako sa sapa, malinis ang tubig at may parteng malalim na pwedeng liguan. May nakita akong sagwan at bangka kaya napatigil ako sa paghagod sa likod ng kabayo.

I didn't know there's a canoe behind the huge rock, tied in the tree's root. Namamangha akong lumuhod sa damuhan at tinignan ang malawak na sapa, malalim pala sa likuran ng puno at mayroon pang parang kweba. Kailangan pumasok do'n gamit ang bangka at sa kabila no'n ay batuhan. Hindi ko alam na may ganito rito! I should explore.

"Sandra."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tinawag ako ni Howl. I cursed in my head and glared at him but he was peeking on the canoe, too. May dala siyang libro, luma at may saktong laki. May dala rin siyang supot at maliit na tela.

"Ano ba? Ginugulat mo ako," I complained.

Mula sa bangka, nalipat ang tingin niya sa'kin. Bahagyang umigting ang panga niya at naningkit ang mata sa'kin, para bang may ginawa na naman ako.

"Delikado rito, baka mahulog ka. Marunong ka man lang bang lumangoy?"

"You think so weak of me." Inirapan ko siya. "Hindi naman siguro ako mamamatay kung mahulog ako, at babagsak ako sa bangka."

Dumiin ang titig niya sa'kin at hinila ako patayo, nanlaki ang mata ko. Ngayon lang niya ako hinawakan ng ganito kabilis at hinigit, siguro natakot dahil siya nga naman ang masisisi dahil nandito siya at hindi ako nabantayan.

"Teka, Howl." I groaned and chuckled, he glared at me. "May tunnel pala ro'n, hindi ko alam. Ang ganda. Nasubukan mo na bang mamangka ro'n?"

Hindi siya sumagot at binitawan ako nang nasa tapat na ng kabayo ko. I pursed my lips and looked at the tree again. It's a huge tree, the roots are breaking through the surface of the land. Kaya mayroong nakaangat, naka-elevate rin ang puno.

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now