Chapter 4

7 3 4
                                    

Ranch

My mind literally went blank in a full minute as I flew off the horse. My heart may be racing as fast as hell but my mind couldn't grasp any faster. Ni-hindi pa tuluyang pumapasok sa utak ko ang nangyari at literal akong naghintay na tumama sa matigas na puno.

Alam ko na ang mangyayari sa 'kin pero wala akong magawa, gulat pa ako at hindi gumana ang adrenaline rush sa katawan ko. I braced myself for the impact I'll get and probably some broken bones, but a strong pair of arms enveloped me instead. I curled into those arms like a scared little kitten, a whimper escaping my lips.

Mawawasak yata ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Ikaw ba naman tumalsik sa kabayo. Saka ramdam ko nga ang lamig sa katawan ko dahil do'n, nalaglag ang libro at unti-unting tumigil ang kabayo. Ngayon pa tumigil! At maingay nang humarap sa akin.

I groaned in surprise because of that and a bit of fear and pain. Mabilis at malalim din ang paghinga ng nakahawak sa akin, pakiramdam ko pareho kaming parang sasabog ang dibdib ngayon.

"Muntik na 'yon. Kung hindi lang ako dumating agad..." Sa malalim at napapaos na boses, si Howl.

Nanlaki ulit ang mata ko at kung kanina gulat na ako, hindi ko na alam ngayon. My mind immediately speculated things, the possibilities and the reasons why he's here. I looked up at him abruptly with my lips apart and eyes growing bigger. What the friggin' hell?

Hindi ko na alam ngayon ang uunahin; ang hihinga, bababa o magtanong bakit siya nandito. Seryuso ang mukha niya at magkasalubong ang makapal na kilay, matalim ang tingin sa 'kin pero may ibang halo ro'n. Mas ikinagulat ko rin na sobrang nagkalapit kami at hawak-hawak niya ako. Gusto kong mahimatay sa hiya at mukhang nakita niya rin yata lahat. Nakita niya!

"P-Put me down," I ordered in low voice.

My hands are trembling cold and my knees are suddenly wobbling. I can't stand the awkwardness of it. Mabuti naman at binaba nga niya ako, muntik pa akong mapaluhod sa panghihina ng tuhod ko. Napapikit ako, naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at siko para alalayan ako.

"Ayos ka lang? May...masakit ba sa 'yo? Sugat?"

Umiling ako at napalunok, sunod-sunod ang iling ko sa lahat ng tanong niya.

"Bali?"

"Wala."

Paano pa ko mababalian kung nasalo niya naman ako? I exhaled deeply, trying to calm my wild beating heart. The horse was completely tamed by the mere presence of Howl. As if the horse knew him too well, and maybe he is the owner of it. Hindi ko na ngayon alam.

"T-Thank you," I mumbled, swallowing hard.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya, pero nakatitig din siya sa'kin at madilim ang mukha niya. His face is sunburned but it made him look more mature than his actual age. And maybe, defined more of his features. Maitim ang mata niya at bahagyang namumungay, salubong ang makapal na kilay. His lips in a grim line. Naisip kong baka galit siya?

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong. "At bakit mo pinakialaman ang kabayo ko? Young miss, muntik ka ng mabalian."

Medyo nairita ako dahil sa pagalit niya, kahit na alam kong tama naman siya at mali ako. Pero kasi ang paraan ng pagsasalita niya parang galit na galit siya kasi pinakialaman ko ang kabayo.

His eyes in squint and jaw moving slowly. I was a bit intimidated but I hid it by frowning.

"This is our land, too."

He scowled at me as if my answer is a big nonsense.

"Bakit mo pinakialaman ang kabayo? Hindi 'yan kasing amo ng mga inaalagaan sa kwadra."

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now