Kapitulo IV:
(3rd Person)
Bumilis pa lalo ang pulso ng sinapupunan. Bilog na bilog iyon at handa na para sa pagluluwal. Nakatunghay na ang hari ng mga shinigami para salubungin ang kanyang bagong magiging supling. Nakasampay sa kanyang braso ang itim na roba para ipambabalabal niya dito.
Mayamaya lamang ay nagsimula na ang pagsisilang. Dahan-dahang lumalabas mula sa sinapupunan ng puno ang uluhan ng isang bagong shinigami. Ilang sandali pa kalahati na ng katawan nito ang nakalabas. Makikita sa likuran nito ang pares ng mga itimang pakpak.
Sa loob na ng sinapupunan lumalaki ang isang shinigami mula sa pagkasanggol hanggang sa wastong edad na pisikal at mental kung saan ito ay puno na ng karunungan tungkol sa mundo, maalam nang magsalita at makaintindi na rin ng kahit na anong lenggwahe.
Nakakitaan ng pagkadisgusto ang haring nag-aabang habang mataman niyang pinagmamasdan ang kanyang supling. Lumapit siya rito at hinawakan iyon sa magkabilang kili kili, pagkatapos ay sapilitan na niyang hinila palabas ang buo nitong katawan. 'Di naiwasang magdugo ang sinapupunan sapagkat nabigla ito. Ngunit walang pakialam ang hari doon. Ibinalibag niya sa kanyang bagong anak ang itim na roba para takpan ang kahubdan nito.
"Mayroon kang kasumpa-sumpang katawan! Isa kang babae at walang babaeng shinigami kahit na kailan!"
Halatang-halata sa kanya ang pagkadismaya. Nasayang ang ilang taong niyang paghihintay sa wala. Ang akala pa naman niya ay mayroon na siyang tagapagmana ngunit wala pa rin!
"A-ama—Ama... Ama..." Paulit-ulit siyang tinawag ng bagong silang na lalo niyang kinainis.
"Hindi kita papatayin dahil anak pa rin kita—ngunit tinitiyak ko sa'yong pagdurusahan mo'ng isinilang ka!" Nilapitan ng hari ang kanyang anak at hinablot ang mga pakpak nito.
"Ama—m-masakit—maawa ka—m-m-ma-sa—kit..."
Crack! Crack! Crack!
Binali ng Hari ang buto ng kanyang mga pakpak na umabot pa sa puntong parang dinurog pa ang mga ito. Pumalahaw siya sa sobrang sakit ngunit tila bingi sa kanyang mga daing ang kanyang ama.
Lumayo sa kanya ang ama niya at iniwan siyang nag-iisa hanggang sa maramdaman niya ang unti-unti niyang paglubog sa itim na tubig. Lalo pa'ng napabilis ang paglubog niya nu'ng may mga kamay ang humihila sa kanya mula sa ilalim...
****
The Forsaken:
Wala ba'ng maaaring tulmulong sa'kin?
Ama ko... bakit mo ako iniwan? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na maging iyong anak?'Wag ka'ng mag-alala dahil wala akong hinanakit sa'yo. Gagawin ko ang lahat para matanggap mo rin ako baling araw... Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, 'yun lang ang hinihingi ko...
Ngunit tila bingi ang paligid para sa aking mga pagsusumamo. Walang dumarating para tulungan akong umahon. Pinilit kong magpumiglas mula sa mga kaluluwang humihila sa'kin pababa...
Marahil ay isa itong pagsubok mula kay ama! Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.
Kailangan kong makawala! Kailangan ko ng makakapitan!
Itinaas ko ang kamay ko sa ere. Hindi ko alam kung ano ang hahablutin ko, pero kung wala talaga akong makakapitan... Ginamit ko ang kapangyarihan ng mga mata ko upang maidugtong sa ibang lugar ang nakikita kong payak at madilim na kisame...
****
Arle's POV:
Tuloy-tuloy ako'ng lumubog sa tubig. Sa experience ko na ito, nalaman ko'ng kahit marunong ako'ng lumangoy, parang hindi ako makakaahon kung wala ako'ng maaninag. Patuloy sa pagkampay ang mga paa ko ngunit hindi ko talaga marating ang ibabaw ng tubig dahil nawalan na ako ng sense of direction.

YOU ARE READING
Shinigami by Accident
Teen FictionNagbago ang buhay ni Arle matapos ang isang aksidente