Kapitulo VII
Arle's POV:
"JASON!"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tama nga ba talaga ang nakikita ko?!
I suddenly felt my right eye is burning. Madara's eye. Gumagapang ang init na 'yun hanggang sa kanang tainga ko! Nagsimula akong makarinig ng boses!
"Pinapa-contact ako ng youngmaster sa eyebank pero hindi ko ginawa. Mas maiging mabulag na siya."
"Sinadya kong ibigay sa youngmaster ang tsaang bagong kulo. Tingnan ko lang kung hindi malapnos ang balat niya 'pag tumapon 'yun!"
Si Jason ba ang naririnig ko?
"Sa lahat ng pagsisilbihan ko, du'n pa ako na-assign sa mukhang alila. Ayoko sa kanya. Mas lalo ako'ng naiinis sa mundo 'pag nakikita ko ang youngmaster! Sampid lang siya sa pamamahay na ito pero para siyang prinsipe kung itrato ng Don!"
Jason... 'Yan ba talaga ang mga iniisip mo tungkol sa akin?!
"AHH!" Napasigaw ako sa gulat dahil biglang may humawak sa braso ko. Akala ko kung sino na. Si Madara lang pala. "Hindi ba ang sabi ko sa'yo ay huwag kang aalis ng kuwarto?"
Iba ang sinagot sa akin ni Madara. "Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon. Huminahon ka lang, kung hindi ay mapapansin ka ng Samlare!"
Sumasampa si Jason sa balustrahe, bagay na hindi ko inaasahan!
"J-JASON 'WAG! BAKA MAHULOG KA! P-PAG-USAPAN NATIN ANG PROBLEMA MO!"
"Arle, wala na siya sa huwisyo! Wala na ang kanyang pagkatao! Kinain na lahat ng Samlare!"
"P-PERO SI JASON!" Bumitaw ako sa kanya at tumakbo ako palapit kay Jason. Pero bago ko siya maawat ay tuluyan na siyang nakatayo sa balustrahe. Diyoskopo!
Abut-abot ang kaba ko nang kamuntikan na siyang mawalan ng balanse. Idinipa niya ang mga kamay niya at nagpagewang-gewang.
"JASON, PARANG AWA MO NA! BUMABA KA NA AT MAG-USAP TAYO!"
Nilingon niya ako at mas kahindik-hindik na ang hitsura niya ngayon! Para na siyang isang halimaw sa isa sa aking mga bangungot.
"Tinangka kong patayin ang youngmaster. Alam kong hirap siyang makakita kaya sinamantala ko 'yun. Iginiya namin siya hanggang sa swimming pool..."
"Ngunit nabigo ako. Buhay pa ang youngmaster. Kapalit ng pagkabigo ko ay iaalay ko ang aking buhay..."
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan pagkarinig ko ng mga huli niyang sinabi.
Jason, why?
He has so much hate in me...
Sa huling paggewang ng katawan niya, natuluyan na siyang nalaglag sa ibaba. Tinapatan ko ang pinaglaglagan niya. Nakasalampak na siya sa marmol na sahig at nagkalat ang kanyang dugo. Napapikit ako nang mariin. Pagdilat ko, nakakita ako ng isang nilalang na may pandong na lumapit kay Jason.
Naalala ko ang kung sino na nakita ko noong araw na naaksidente kami ni Daddy. Ganu'ng-ganu'n 'yung lumapit sa'min na waring nag-iimbita. Paalis na ito nang bumaling ito kay Madara na lumapit sa aking tabi at nakisilip sa mga labi ni Jason sa ibaba.

VOUS LISEZ
Shinigami by Accident
Roman pour AdolescentsNagbago ang buhay ni Arle matapos ang isang aksidente