Kapitulo XIV
Zain's POV:
"Ah, natatandaan ko na ang little bitch na 'yun. Kaya pala parang pamilyar..." Bigla kong nasabi kay Nocturne.
"Hmm... Kung ako sa'yo, Zain, hindi na ako sasali sa sarili kong laro. Dapat ay tinatapos na ang mga dapat tapusin!"
I crossed my arms. I don't care. Wala ako sinusunod sa mga payo ni Nocturne, liban na lang kung instructions 'yun tungkol sa aming task.
"Zain, puwede ba kitang makausap?"
Natigilan ako sa aking paglalakad. I can tell by his croaky voice that he's none other than Arle. "Huwag kang lalapit sa'kin. Mag-usap na tayo ngayon dito." I said without even looking at him.
"Ano ba'ng nangyayari sa mansyon na ito? Kung sana ay nakikita mo lang ang mga kahindik-hindik na bagay na nakikita ko..."
Tumikhim ako. "Arle, baka kasi kailangan mo na uli ng medication? As far as I know, you're a schizophrenic. Normal na lang siguro sa'yo ang ituring na totoo ang mga halusinasyon mo, tama?"
"Baka nga, Zain..." He sheepishly said. "At... 'yung tungkol sa nagpakilalang pinsan mo, pinsan mo nga ba talaga ang Cali na 'yun? Saka nasaan na siya ngayon?"
I snapped at all his nonsense concerns. "Puwede ba, Arle? Hindi ako tanungan ng nawawalang kambing!"
"Binabalak kong umalis na muna rito. Ngunit babalikan ko ang kambal kapag kaya ko na silang suportahan."
"Aalis?" I gritted my teeth as I said that word. Hindi ka makakaalis ng Florbelle mansion hangga't mayroon ka pang sanity diyan sa sira mong ulo.
I'll wreck your brain until you can't think anymore.
Pasimple kong binuksan ang hawak kong libro. It's time for me to do a little trick.
****
Arle's POV:
Wala man lang pinatunguhan ang pakikipag-usap ko kay Zain. Masyado siyang sinungaling. Ni hindi man lang niya ako hinarapan. Sa palagay ko ay mayroon siyang itinatagong kung ano at may kinalaman iyon sa mga nangyuayaring kakaiba dito sa Florbelle mansion.
Nailing ako. I don't know, baka mali rin ako. Baka hindi nga talaga niya namamalayan ang mga nangyayari sa paligid. Pero ayoko sa asta niya. I can't stand him anymore. Pinipilit talaga niya akong mainis sa kanya.
Kaya iniisip ko nang umalis. Sigurado ako na 'yun naman ang gusto niya in the first place.
"Aalis?" Parang nanggigigil niyang tanong.
"Oo, Zain." Matigas kong sagot. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong nilayasan. Hinabol ko siya ngunit parang biglang humaba ang corridor at lumayo ang agwat namin sa isa't isa. Naglalakad lang siya at hindi tumatakbo kaya bakit ganu'n?!
Huminto na ako sa pagsunod sa kanya at hinayaan na lang makaalis nang tuluyan si Zain. Para siyang bulang naglaho nang marating niya ang madilim na parfte ng pasilyo.
Isang nakakasilaw na liwanag ang umikot sa sahig na kinatutuntungan ko. Nagconcentrate ang liwanag na iyon sa aking kanang binti at nang suriin ko kung ano 'yun, isa pala iyong itim na kadena. Pagkahaba-haba ng kadena na iyon. Sinubukan ko agad na alisin 'yun sa'kin subalit bigo ako. Wala akong nakitang bukasan o susian man lang!
Lumakad ako palayo sa direksyong pinanggagalingan ng kadena upang alamin kung gaano 'yun kahaba at kataka-takang parang walang katapusan ang haba niyon!
Nakarating pa ako hanggang garage nghunit hindi pa rin nasasagad ang kadena!
Humanap ako ng tools para sirain ang kadena. Inuna kong gamitin ang pliers. Tumagos lang iyon at lumagpak ng sahig. Hindi rin umubra ang yabe pati na gunting pangyero. Kahit ang panghinang!

YOU ARE READING
Shinigami by Accident
Teen FictionNagbago ang buhay ni Arle matapos ang isang aksidente