Kapitulo 45

8 0 0
                                    

Kapitulo XLV

Arle's POV:

Sa unang pag-atakeng ginawa ni Magni, hindi ako nag-aksaya ng lakas upang ilabas ang aking scythe. Hinuli ko ang talim ng kanyang sandata gamit lamang ang aking isang kamay.

Ngayong buo na ang mga mata ko, na mata ng isang tunay na shinigami, malinaw kong nakikita ang trajectory ng mga paparating na atake. Madali na rin para sa akin na masagap ang mga nagbabadyang panganib.

Tinitigan ko si Magni ng mata sa mata. Masyadong blangko ang mga iyon, para sa isang dating shinigami na ngayon ay nasa liga na ng mga Deathsweeper. Kung kanina ay kulang na lang ay ipakain niya sa akin ang talim ng kanyang sandata, ngayon naman ay nag-i-struggle siyang bawiin iyon mula sa pagkakahawak ko.

Hindi kami close ni Magni... pero sayang. Akala ko kasi ay magiging magkaibigan kami. Sa pagkakatanda ko ay maayos naman ang turingan namin sa isa't isa bilang magkaklase. Nagkataon lang na pumakla iyon dahil siguro sa dalawang tao na pinahahalagahan ko...

"Grrrr!" Nanggigil na siya. Nag-excert siya ng mas malakas na puwersa kumpara sa normal kanina. Nagpasya akong bitawan na lang ang sandata na kanya naman talaga. He was caught by the momentum. Tumilapon siya ng ilang talampakan dahil na rin sa sarili niyang puwersa.

It's my turn to brag. Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Ano ngayon kung ako nga si Arle o hindi? Ang importante, kayang-kaya kong makipagsabayan sa'yo."

Umayos ng pagkakaktayo si Magni. "Naging mayabang ka rin. Natututunan ba talaga iyan sa mundo ng mga kasumpa-sumpang nilalang?"

"Hindi ko alam sa iyo kung bakit ba nilalahat mo ang mga shinigami gayong mukhang iisa lamang ang nilalang na lumapastangan sa iyo."

Imbes na pumorma para umatake, itinusok ni Magni ang dulo ng talim ng kanyang sandata sa sahig. "Nagkakamali ka kung sa akala mo ay nilalahat ko ang mga shinigami. Kung hindi mo pa nare-realize, si Mr. Asphodel ay isang Shinigami."

Ganu'n pala... Isang Shinigami na handler ng mga Deathsweeper si Mr. Asphodel. Naisip ko na rin iyon dati noong makita ko ang mga mata ng matanda. Mahirap nga lang talagang pag-usapan iyon dati dahil hindi iyon ang sentro ng atensyon ng kahit na sinuman sa loob ng Pub No. 7. Iginagalang ng lahat si Mr. Asphodel bilang kaisa nila sa kanilang mga adhikain.

Kapwa kami napalingon ni Magni sa aking Cadillac. May isa na namang nilalang na tumuntong sa ibabaw niyon. Isang matangkad na lalake na may hawak na mahabang taco stick. "Mr. M, maari ba kitang mahiram saglit? Gusto kong tulungan mo ako sa aking target."

"Mr. F? Bakit ka nag-night shift?" Nagugulumihanang tanong ni Magni doon sa lalake. Ako ma'y naguguluhan din. At puwede ba'ng huwag nilang gawing platform ang ibabaw ng cadillac ko? Nakakahiya naman sa amain ko. Kabago-bago lang na ibinigay sa akin 'yung kotse tapos ganu'n na lang kung tuntungan ng mga deathsweeper!

"Emergency lang, Mr. M! Nagkaroon ng hindi inaasahang siwang na nakaduktong sa Sheol. Sinamantala iyong ng isang dambuhalang reaper at pinalalaki pa niya lalo."

"Malaking reaper?" Nagkainteres agad si Magni sa puntong binitbit na niyang muli ang kanyang sandata. "Tara!"

Singbilis ng kidlat na nawala sa paningin ko ang dalawang deathsweeper. Siguro naman ngayon ay maaari na akong makauwi sa amin?

Wala akong pakialam sa reaper tutal ay target naman iyon ng mga deathsweeper. Kung iintindihin ko pa 'yun, malaki ang tendency na makainitan ko pa ang mga deathsweeper. As long as I can, I'll keep a low profile. Sumakay na ako sa loob ng aking kotse at nagdrive pauwi. Bukas, makikita ko na rin ang aking mga kapatid.

****

Madara's POV:

Si Arle ay si Sasuke Rie. Sigurado ako roon. Alam ko at napatunayan ko iyon nang hinalikan ko siya. Tikom ang bibig ni Auntie Gretel at ang sinabi lamang nito ay matagal na silang magkakilala.

Shinigami by AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon