Kapitulo XIX
Calliope's POV:
Tog!
Awwwwch! Shit... Why didn't somebody warned me that I'm under a bed?!
Hawak ko ang coat na isang memento sa mga kamay ko na hindi ko pa rin binibitawan kahit nasa panibagong timeframe na ako. I was inside a white room with a boy sitting in front of the dresser and he was blankly staring on the face mirror. He couldn't move much because he's wearing a straightjacket.
May dugong tumutulo sa kanyang bibig bukod pa sa dugong nagkalat sa dresser. Na-shock ako and at the same time, I wonder why did that happen to him. He saw me crawl up from under the bed but he didn't make any fuss about it. Mas overwhelming yata 'yung nararamdaman niya para pag-ukulan pa ako ng pansin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya pagkatapos ay hinaplos ko ang kanyang humpak na pisngi. "Oh, my... Ano'ng nangyari sa'yo? Sino ang may gawa niyan?"
Laking gulat ko nu'ng lumingon siya bigla sa akin. "L-Lahat sila... lahat ng kaibigan ko, w-wala na sila... Ayoko na dito... T-tulungan mo ako'ng tumakas, parang awa mo na!"
Of course, na-bother ako sa mga sinabi niya. Isa pa, masama ang lagay niya. Baka kung mapaano siya 'pag hindi siya matingnan agad. Pinahid ko ang dugo sa kanyang bibig. Inialis ko ang tali ng straightjacket niya at ipinasuot ko sa kanya ang coat na hawak ko.
"Ano'ng pangalan mo?" Although I have the slightest idea kung sino siya, mas maganda kung masisiguro ko'ng tama ang taong tutulungan ko. If he happened to be another, pababayaan ko na lang siyang mamatay dito. I have my job and my life on the line kaya I needn't waste time.
"Charlemagne Florbelle po. Arle po ang palayaw ko."
Good. Now, I really need to save him.
"Ano'ng lugar ba ito? Bakit ka nandito?" My next question.
"I-Isa po itong asylum. Pinadala po ako dito ni Daddy ko para ipagamot pero..."
Ahh... So I jumped back in time when Arle was about eight or nine?
Asylum ito... So why is he bleeding?
Ch-in-eck ko ang pinto. Wala iyong doorknob at nasa labas din ang lock. Sarado din ang mga bintana at may railings pa! Is there any way out of here? Inikot ko ulit ng tingin ang buong kuwarto. Napag-initan ko ang aircon. Kinuha ko 'yung silya para ma-check ko 'yun nang maigi. Maybe if I can remove the airconditioning equipment, it will lead us a way out of the building! But the equipment is so heavy! Jeez!
Clunk!
Shoot! Too late. May naririnig akong parang nagbubukas ng lock mula sa labas... Bumaba ako ng upuan at hinila ko si Arle patungo sa gilid ng pintuan.
I pulled out my dagger while eyes still on the doorway. Aabangan ko kung sino ang papasok dito. I'll tackle whoever it'll be, and just run for it with the boy.
"Arle? It's time for your... Who are you?!"
Isang babae ang pumasok. Hindi ko alam kung isa siyang nurse o doktor. Nakasuot siya ng isang puting scrub suit na puno ng mantsa ng dugo. Her hair is ash blonde and her eyes are China blue. May hawak siyang bugkos ng susi at tray ng mga biohazard chemicals imbes na gamot. What is this place? An insane asylum or a human slaughter house? Hinila ko ang buhok niya kaya sumunod ang buong katawan niya papasok ng silid.
"LET ME GO, BITCH OR I WILL--!"
Inundayan ko kaagad siya ng saksak sa leeg. Bumagsak ang walang buhay niyang katawan.
"Arle, tumalikod ka muna saglit." Utos ko sa bata.
When he did what I told him, hinubaran ko ang babaeng pinatay ko. Nagtanggal din ako ng sarili kong damit. Ipinagpalit ko ang mga damit namin tapos ay kinuha ko ang mga bugkos ng susi. Hawak ko nang mahigpit ang dagger ko. I'm not good with lying kaya pag may nakasalubong ako, diretso kong papatayin. Hinalungkat ko muna 'yung tray na dala ng babae. I found a map among the records.

YOU ARE READING
Shinigami by Accident
Teen FictionNagbago ang buhay ni Arle matapos ang isang aksidente