Kapitulo 30

21 3 0
                                    

Kapitulo XXX

Arle's POV:

Liban sa pagiging abnormal ng Florbelle mansion, tahimik ang paligid. Kaming apat na magkakapatid ay sabay-sabay na nag-aalmusal sa komedor.

Pinagmamasdan ko ang kambal. Hail keeps on throwing Ave with a murderous look. Si Ave, tahimik lang na kumakain ng toast. Zain is reading the broadsheet like a boss.

Sana ay nandito rin si Daddy. Missed ko na siya at marami akong gustong ikuwento sa kanya kung nandito lamang siya. Alam kong magiging okay rin ang pamilya namin... Someday.

Naunang tumayo sa breakfast table si Zain. Pagkatayo niya, inubos niya ang natitirang lamang kape ng kanyang mug atsaka initsa na lang ang broadsheet sa ibabaw ng plato niya. "Una na ko." Tipid niyang paalam. I guess he's okay. Hindi siya kakikitaan ng kahit anong sign ng panghihina o hirap sa paghinga; he looks fine.

"Magsasabay ba kayong dalawa papasok ng school?" Tanong ko sa kambal.

"Hindi po, kuya. Ayaw naman ni Hail na sumabay sa akin..." Ani Ave. Matapos ang insidente kung saan nailigtas ko si Hail, naging tahimik siya at hindi na masyadong palaimik.

Naka-link pa rin kami sa isang mahiwagang chain na hindi nakikita ng iba. Wala pa rin akong ideya kung ano ang gagawin ngunit baka ikonsulta ko ito kay aunt Gretel.

"Hindi. Sabay kami." Sabad naman ni Hail.

Kapwa kami napatingin ni Ave sa kanya. Alam kong isa itong improvement pero parang ang hirap bilhin ng sinabi ni Hail.

"Kapag may ginawa kang hindi maganda kay Ave, malalagot ka sa akin," I said and I mean it.

Hail frowned at me. "You told me to be nice to him and then you're not believing me! Wow. What's up with that, kuya?"

I smiled. "Sinabi ko lang iyon bilang paalala pero hindi ko kinakampihan si Ave. You two should stop being mean to each other."

"Okay, I get it," tatango-tangong sagot ni Hail. I'm glad he's really back. Then all of a sudden, he became more serious than his usual. Tumayo siya at lumipat sa upuan na pinakamalapit sa akin. "Kuya Arle, what is kuya Zain?" Pabulong niyang tanong.

Natameme ako sa tanong. I don't exactly know how to answer that. "B-Bakit mo tinatanong iyan?"

"Wala ka bang napapansin sa kanya? He's... different!" Aniya pa.

I don't really know. I'm not normal myself. At kahit pa marami na akong natuklasang bagay tungkol kay Zain, maliit na bahagi pa rin iyon ng isang napakalaking misteryo patungkol sa kanya. We were never together. Pilit kaming pinaglalayo pagkatapos ng nangyaring insident noong mga bata pa kami. My dad always saw to it that we wont meet, not until before our car accident... Sinabi sa akin ni Dad na panahon na para magharap kami ni Zain... which is kinda weird.

Ack... Thinking too much is bad for my brain cells. "Marami lang sigurong pinagdadaanan ang kuya Zain ninyo. Baka sobrang dami ng ginagawa niya sa school. He needs to catch up because he's a transferee! Ganu'n din ako nu'ng bagong lipat ko pa lang sa—"

BAM!

Ave slammed the table as he rose up. "Hindi lang si kuya Zain ang kakaiba dito kundi pati na ikaw, kuya Arle. Dati ko nang naiisip kung bakit hindi kayo dito sa Florbelle mansion nakatira noon pati na kung bakit kapag nagbabakasyon kayo rito ay salitan. Iniiwasan niyo ba dati ang isa't isa sa isang kadahilanan?"

Bakit ba ako ang nako-crossfire ng dalawa na ito? I'm not doing anything absurd! Kahit gusto ko pa'ng kumain ng bacon, napilitan na rin akong tumayo. Nagkunwari akong chine-check ang oras sa aking relo. "Aw, late na ako. See you guys at school—"

Shinigami by AccidentWhere stories live. Discover now