chapter one

7 0 0
                                    

Nanalo kami sa kaso after a several months. Pagkatapos akong mabugbog ni Daisy na syang naipagkasundong ipakakasal kay Sir Sean.

Binugbog nya ko dahil sa kaibigan ko na syang pinagseselosan ni Daisy. Ang Bestfriend ko, si Christiane Gale Rosales o Si Tin kung tawagin ko. Si Tin ang nakakabatang stepsister ng Bestfriend ni Sean. Malapit sila at alam kong tama lang na pagselosan ni Daisy ang bestfriend ko dahil alam namin sa trabaho na may gusto si Sir Sean sa kanya.

Si Tin, maganda sya at matalino. Kahit na hindi maganda ang kanyang kinalakihang magulang ay hindi naman sya sumuko sa buhay. Nag-aral sya kahit pa na ayaw ng Nanay nya na naiwan nya sa Davao. At ako ang naging sandigan at sandalan nya sa lahat ng oras. Ako ang kanyang tagapagtanggol lalo na sa mga nang-aapi sa kanya.

Sa Davao ay lapitin na talaga sya ng gulo, kilala sa pagiging sawsawan ng bayan ang babaeng nagpalaki sa kanya pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Sa kanya din ako nakakuha ng tapang at lakas ng loob na umangat sa buhay. Si Tin ang aking matalik na kaibigan at kapatid na kung ituring. Kami ang hindi napapaghiwalay ng kahit sino..kaya ako lumuwas ng Maynila ay dahil narin sa kanya.

Dahil kay Sir Sean kaya naipaglaban ko ang karapatan ko. Nanalo ako sa kaso dahil sa tulong rin nya at suporta ng pamilya ni Tin. Hindi naman don natapos ang pagtulong ni Sir Sean, tinulungan pa nya akong makahanap ng panibagong trabaho. Nagkatrabaho ako sa pamilya naman ng Dominguez na pamilya ng kaibigan nila. Malapit lang ang bahay sa bahay ng Daddy ni Tin kaya naman naging mas maganda pa ang buhay ko. Nakabalik rin ako sa pag-aaral na sinagot din ng Dominguez.

Naging magkaibigan narin kami ni Sir. Sean. Naging malapit dahil madalas syang nasa bahay ng Dominguez dahil sa kaibigan nyang si Greg. Naging malapit rin ako kay Greg at sa pamilya nito. Kasa-kasama rin ako ni Greg sa mga bar hopping nilang magbabarkada. I am one of the boys.

Sa hindi inaasahang pagkakataon. Naiwan ako ni Greg sa isang party ng kanyang barkada at doon na nag-umpisa ang lahat ng tunay na kalabaryo ng buhay ko.

Nagising ako na nasa braso ni Sir Sean, wala sanang kaso yon dahil pareho naman kaming lalaki pero...
May nangyari.

Hubo't hubad kaming pareho ng umagang magising kami sa isang hotel...sa iisang kwarto...

happened afterWhere stories live. Discover now