chapter six

3 0 0
                                    

Kumuha ako ng maligamgam na tubig. Alas kwatro ng umaga nang bumaba ako. Nagising ako na wala padin sya. Mas malala kumpara sa mga naunang mga araw. Lumalala sya na halos di na sya umuuwi.

Tinatanong ko ang sarili ko. Ano bang dapat kong gawin. Susuko nalang ba ako? Pero may anak kami. Paano nalang si Yukan? Paano ko sasabihin at ipapaliwanag sa kanya ang nangyayari?

"Amp" nagulat syang makita akong gising. "Ang aga mong..nagising.."

"Ikaw naman, ang aga mo namang umuwi.." pasarkastiko kong sinabi at sinubukan nyang humalik na hindi ko naman hinayaang magawa nya. Baka may virus pa syang dala galing sa babae nya. Umiwas ako at lumayo. Dala ang baso na may tubig ay umakyat ako ng kwarto. Nilocked ko ang pinto para hindi sya makapasok.

"Charie.." kinakatok nya ang pinto as if na pagbubuksan ko sya. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at sinubukan kong bumalik sa pagkakatulog pero di ko na nagawa nang makapasok sya ng kwarto.

Tumalikod ako sa kanya. Hinawakan nya ang braso ko at pinisil-pisil. "Sorry.."

"Sorry? Hindi ka dumating. Hinihintay ka ng bata. Iniexpect nya na darating ka. Alam mo bang naghintay kami hanggang 10 pm doon? Dahil ayaw umalis ni Yukan nang wala ka. Nakatulog nalang ang bata sa kahihintay sayo"

"Ahm...ano bang magandang gawin?"

"Palitan mo ang sekretarya mo. Hindi nya ginagawa ng maayos ang trabaho nya kaya di mo mamanaged ng maayos ang oras mo ay dahil sa palpak na sekretarya mo"

"Charie..matagal na syang nagtatrabaho sa amin..sasama ang loob ni Mr. Luis kapag sinisante ko ang anak nya"

"Kaysa loob ng anak mo ang lumayo sayo?.." nilingon ko sya. "Mamili ka. Yang sekretarya mo ang pamilya mo? O baka naman...may ibang trabaho na si Ms. Luis sayo?.."

"Charie you look nice when your jealous" natatawa nitong sabi. Pinabitaw ko sya sa akin para malaman nyang di ako nagpapacute lang o nagbibiro.

"Tumigil ka Sir Sean! Ni minsan di ako nagsalita patungkol sa clingy mong sekretarya. Ikaw na ang may sabi noon na sobra syang makalapit sayo. Di ba nga, inilalantad na nya ang suso nya halos sa mukha mo?"

"Pero suso mo lang naman ang tinitignan ko Charie.."

"Hays" nasapo ko ang ulo ko. Ang hirap makipag-usap sa kanya. "Kailan?"

"Anong kailan?"

"Kailan mo huling nakita ang suso ko, sige nga" bumuntong-hininga sya. Ngayon ay mukhang nakuha narin nya. Kailan nga ba na huli syang nagkaoras sa amin at sa akin?.

"Si Mommy ang naghire sa kanya. Hindi ko naman basta nalang matatanggal si Secretary Luis."

"Kasi ayaw mo. Nasisiyahan ka pang makipaglaro sa kanya, hindi ba?"

"Charie, walang basehan ang sinasabi mo."

"Wala nga ba?"

"Wala kaming ginagawa!" Pagtataas na nya ng boses sabay alis nya sa higaan.

"Wala ka naring ginagawa para sa amin! Nasaan ka? Kagabi, nasaan ka?..ha? Sinong kasama mo?"

"Ang production team"

"Kasama parin si Ms. Luis" tinalikuran ko sya ulit at pumikit na ako. Pinilit huwag umiyak sa kabila ng pag-alala sa lahat ng pangbibigo nya sa aming mag-ina at sa nakita kong magkapatong sila sa opisina. "Sana bago ka pumatong sa iba ay hiniwalayan mo muna ako.." huli kong sinabi bago ko nakuhang antukin ulit.

Nagising naman ako na nagriring ang phone ko. Kinapa ko yon sa ibabaw ng mesa nang maagaw yon ni Sean. Masama ang kanyang tingin sakin nang maharap ako sa kanya. Binawi ko ang phone ko sa kanya na nakuha rin nya ulit. Inagaw ko yon sa kanya at binato ko sa kanya ang nakakumot sa akin.

Si Tin ang tumatawag. Nagpunta ako ng balkonahe para kausapin sya. Buti pa ang babaeng to ay hindi nakakaligta na bumati araw-araw. Sya na ang nagsisilbing alarm clock ko araw-araw.

"Good morning kakosa" kakosa tawag sa magkakasama sa selda o kulungan. Tawagan namin ni Tin.

"Good Morning.." sagot ko. Nangiti ako nang bahagya na marinig ulit ang boses nya. Sya lang talaga ang nakakagawang pasayahin ako kahit sa mala-anghel lamang nyang boses. "Kamusta dyan?..pauwi ka na?"

"Yup. Nasa sidewalk ako. Naghahanap ako ng makakakain ko habang nasa byahe...at ipapasalubong ko.."

"Hmm.." sa isang Linggo na nga pala ang balik nya sa bansa. Nakaramdam akong bigla ng excitement na may halong pag-aalangan. Nag-aalangan ako sa pag-uwi ng best friend ko dahil makikita sya ni Sean. Si Sean na may malalim na pagtingin sa kanya noon at marahil magpahanggang ngayon kaya naman nagagawa nyang mambabae ay dahil hindi padin sya makaget-over sa bestfriend ko.

"Kosa?.." tumawa ako. Tinawanan ko ang nasa isip ko.

"Andito pa ako...gusto mong igood morning din ang inaanak mo?"

"Yes!. Gising na ba sya?. May itatanong rin sana ako sa inaanak ko.."

"Okay, sandali lang..hindi ko nga lang alam kung gising na sya.." iniwasan ko ng tingin si Sean pagdaan ko sa higaan kung saan nakahiga padin sya.

Pinuntahan ko ang anak ko. Na saktong kamumulat lang. Nabuhayan naman nang makita nyang hawak ko ang phone ko. Alam na nya kung sino ang nasa phone. Ang ninang nya na ini-spoiled sya sa lahat ng hiling nya.

"Good Morning nang!" Bumaba sya ng hagdanan habang hawak ang aking phone. Maliit man sya ay para syang matanda kung kumilos. Hinila nya ang kurtina para hawiin at magliwanag ang buong kwarto nya pagkatapos ay tumalon sya sa kanyang kama.iniwan ko naman na sya para maghanda ng almusal naming mag-anak.

Pinutol ko nalang ang kanilang usapan nang matapos na syang kumain para maghanda sa pagpasok sa school na ikinatiwala ko naman na kay yaya.

Naligpit ko na ang mesa nang bumaba naman si Sean. Inagapan ko ang aking phone na hindi nya makuha ulit sa akin. Ibinulsa ko yon kaagad bago sya tuluyang makalapit. Pinaghain ko narin lang sya, kahit naman masama ang loob ko sa kanya ay ayoko namang masumbatan nya ako na may pagkukulang ako bilang may bahay nya.

He grab my waist in all of a sudden dahilan para mapaupo ako sa kanya.
"Sir Sean ano ba?!" Mabilis akong umalis sa kanya. Tinapunan ko sya ng tingin bago ako pumunta ng kusina para hugasan ang pinagkainan.

Wala na talaga syang respeto sa akin. Hindi ko narin alam kung ano pang susunod na gagawin nya makuha lang nya ang kailangan nya...kaya kailangan ko na talaga tong tapusin bago pa man mangyari ang ikinakatakot ko.

happened afterWhere stories live. Discover now