chapter five

2 0 0
                                    


"Madam.." tinawagan ko ang Mommy nya para sa survey na gagawin ko tungkol sa kanya. Marami pa kasi akong hindi alam tungkol sa kanya at sa tingin ko kahit pa hindi sila madalas na nagkakausap o nagkikita ay alam naman siguro nito marahil ang mga bagay tungkol kay Sean tulad ng kung anong paboritong pagkain nito. Anong ayaw at gusto nito...gusto kong malaman ang mga bagay tungkol sa asawa ko. Isang taon narin kaming kasal..at pagkatapos mamatay ng aming panganay sa unang linggo palang nitong kapapanganak ko ay hindi na sya naging okay. Lalong naging madalang ang pagngiti ni Sean pamula noon. At lalo syang naging abala sa trabaho nya kaya naisip kong icelebrate ulit ang unang taon namin na mag-asawa kahit late na.

I prepared all Madam Tak said. Ipinepara ko yon sa isang set ng food container para dalhin sa kanyang opisina. Gabi na kasi ito umuuwi kaya naman wala na kaming oras para sa isa't-isa kaya naisip kong ako nalang ang mag-aadjust. Lalambingin ko sya ulit para manumbalik kahit kaunti ang sigla nya. Duda ko lang kung eepekto ang gagawin ko kahit di naman kami affectionate pareho pero susubukan ko parin.

Sumakay lang ako ng taxi. Saturday noon kaya naman wala akong klase. Dinaanan ko narin ang both parents nya sa kani-kanilang opisina bago ako pumunta sa opisina ni Sean mismo.

Nasilip kong nasa loob sya sa siwang ng bukas nyang pinto. Wala roon ang kanyang sekretarya pero wala akong inisip na hindi maganda. Nakita ko ang sekretarya nya na nakayuko sa kanyang harap na tila may ipinapaliwanag sa mga papel na nakalatag sa mesa ni Sean. Naghintay ako ng kaunti pang oras dahil ayokong makaabala sa trabaho nya pero sinamaan nalang ako ng kutob nang lalo pang yumuko ang babae at kita si Sean sa iwang ng braso ng sekretarya nya nakatitig ito sa kung saan. Ganun nalang ang sama ng aking kaloob-looban nang humarap na sa aking direksyon ang sekretarya pagkatapos kong agawin na ang atensyon nila sa pagkatok ko sa pinto. Bukas ang tatlong butones nito na nagpapalabas ng dibdib nyang siksik. Kahit sino yata ay maliligalig at kung ako parin ang dating Charie ay nahila ko na ang babae.

"Honey.." naghunus dili na lamang ako. Ayokong gumawa ng kahit anong gulo sa opisina nya lalong pumatol sa mababang babae na ilalantad ang kanyang dibdib sa kahit sinong lalaki. Ipinagpaliban ko ang aking nakita. Bagaman ganun nalang ang pagsara ng babae sa tatlong butones ng kanyang blouse na tila ba may gusto talagang ipahiwatig.

Nilapitan ko na lamang si Sean sa kanyang mesa. Naupo sa harap na upuan nya na hindi ginawa ng sekretarya nya at talagang yumuyuko pa.

"Dumaan na ako sa parents mo. Kinausap ko sila bago ako tumuloy dito..."

"Hm?..bakit?.."

"Para lang sana sorpresahin ka...ang akala ko ikaw ang masosorpresa pero ako tong nasorpresa nyo."

"Hm?..ahm..ang sinasabi mo ba ay si Secretary Luis?"

"Mali ba ang iniisip ko? Sabihin mo kung mali at ako pa ang hihingi ng sorry sa secretary mo. Pero tama bang bukas ang damit nya at yuyuko sa harap mo?. May upuan oh"

"Are you jealous?"

"Hindi ako sa nagseselos. Masama bang protektahan ko ang karapatan ko?. Pinakasalan mo ko kaya dapat lang naman siguro na maniguro ako, di ba?..."

"Well Charie, mali ang iniisip mo."

"Okay." Kaagad akong tumayo pero pinigilan nya kong umalis.

"Saan ka pupunta?"

"Magsosorry ako sa sekretarya mo kasi mali ang pinag-isipan ko sya ng masama."

"Well don't do that anyway.." hinila nya ko kasabay nang paglapit nya sa akin. "You were not totally wrong. Sinadya nga nyang buksan ang blouse nya at sorry narin dahil medyo..napatitig ako.."

"Ano? Luka yon ah!"

"Kaya pinakiusapan ko syang isara yon..and to what i remember kasi ay kasal na ko.."

"Hm?..hahaha. sinabi mo talaga yon?..patawa ka din e nuh?.."nailing ako sa nakakagago nyang kwento. Hindi ko alam kung totoo pero kapani-paniwala naman kapag sya ang nagkwekwento. Maamo kasi ang kanyang mukha. "Grabe..sana ganyan lahat ng lalaki e nuh?." Sinuntok ko sya sa kanyang tagiliran. At ang gulat ko nalang nang hawakan nya ko saking likuran. Napadikit na lamang ako sa kanya kasabay ng paglapit ng mukha namin sa isat-isa. It was solve by a gentle kiss.

"How is that, huh?.."

"Anong how is that?..hindi pa tayo tapos. Umuwi ka ng maaga mamaya, kung maaari lang?..hm?" Pasarkastiko kong sinabi at nakita ko na sya ulit na ngumiti. Problem solve. Nagawa ko ang mission kong pangitiin sya.

"Convince me first na umuwi ng maaga.."

"Ano?. Anong convince you first?!. Hinamapas ko sya sa kanyang dibdib kung saan nakalapat ang aking kamay. "Basta, umuwi ka ng maaga. Wala na tayong oras e. Hindi na man lang tayo nagkakausap kasi pagod ka na"

"Okay..i will reserved my energy for tonight"

"Hm?." Natawa akong ewan. "Parang iba yata ang iniisip mong gagu ka ah..ano? Gusto mo mamaya?" Paghahamon ko ng laban.

"Hahaha why not. Kung pwede lang ay bakit hindi pa ngayon?"

"Anong ngayon?..dito?..ahm." inalala kong malakas akong magreak. Todo bigay kasi sya. Natakot akong biglang maulit ang unang karanasan ko.

"Ahm..." Humawak sya sa kanyang bibig. Hinilamusan nya ang kanyang sarili atsaka tumawa na naman.

"Ah...pinagtatawanan mo ba ko?" Hinahamon ako ng luko. Pero iba ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko kayang patulan ang tukso nya. "Sa bahay nalang..." Mahina kong sinabi na halos bulong na. "Hihintayin nalang kitang umuwi, ha?"

"Okay. Noted, honey.."

"Talaga?..uuwi ka ng maaga ha?.."

"Yeah..ngayon ay alam ko nang may naghihintay sa akin kaya expect me na uuwi ako ng maaga..but " pagbibitin pa nya. "Why dont we give it a try. Bago ang couch ko.."

"Sean.." kinurot ko na sya sa kanyang tagiliran. "Nerbyosin ka nga! Malay ko kung may nakatago kang camera dito?..ipakalat mo pa tapos iblack mail mo ko?"

"Haahaha.."

"Gusto lang kitang patawanin kaya ako pumunta dito.."

"Well, good work. Nagawa mo."

"Beng!" Binaril ko sya ng daliri ko. "Mission accomplished."

"Hahaha"

"Tara na, kain na tayo..saan ba pwedeng ilagay tong mga dala ko?"

"There.. sa couch.." natatawa parin nitong sinabi.

"On the couch!..but no touch!.." tinignan ko ng may pabala. Baka nakakalimutan nyang taekwondonist ito.

"Yeah, yeah..of course not...walang kamay."

"Walang hawakan..." Sinasamaan ko sya ng tingin habang nag-aayos ako ng pagkain sa center table. Hinalikan nya ko nya ko sa aking leeg. "Sir Sean?..tigil." bahagya ko syang naitutulak ng aking siko.

"Ayaw mo nito?" Siniil nya at sinipsip ang ilalim ng aking panga. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ko sa pangingiliti nya. Alam nyang kilitiin ako.

"Sir Sean, kakain muna..pwede?.."

"I love you.." anis nito.

"Sir..usapan natin ay aagahan mo ang pag-uwi mo..."

"Yeah..."

"Pag-uwi mo ng bahay..."

"Hm?." Nagkatinginan kami paghinto nya. "Bakit mamaya pa if pwede naman na ngayon?. Andito ka narin lang e.."

"Sean" ginamitan ko na sya ng matalim kong tingin. "Gusto mong talak ang sumalubong sayo sa bahay?.."

"Hmm.." naupo na sya ng ayos at humawak na ng kutsara.Marunong din naman palang sumunod.

That was the time na babago palang kami. Kinikilala palang namin pareho ang isa't-isa. Iyon ang alaalang gusto kong balikan at ulitin pero posible pa ba gayong may sekretarya syang seksi at maganda? Na palagi nyang nakakasama at mas madalas pa nyang nakakasama kaysa sa aming kanyang mag-ina. Na kahit anong gawin ko ay hindi kami, kahit kasal kami at nakatali na sa isa't-isa ay hindi padin sapat na dahilan para magmahalan kami ng totoo.

Nauna kaming dumating sa restaurant sa sinabi nyang oras. Naiwan ako sa table para hintayin sya habang si Yukan ay nililibang ni yaya sa playstation.

happened afterWhere stories live. Discover now