CHAPTER 12: Why Are You Looking At Me?

13 6 0
                                    

Tahimik akong bumaba sa sasakyan saka humarap sa pintoan nang ibaba ni Yevhen ang salamin. Madaling araw ako hinatid ni Yevhen sa Ateneo para maayos ko ang PowerPoint namin at ang mga posisyon ng mga kagrupo ko mamaya.

"Are you sure, hindi ka magpapasama? it's still midnight, Sin," Usal nya.

Muli akong umiling at napairap at sa huling pagkakataon ay nagasalita ako. "Hindi na nga kailangan, I'm safe here."

Matagal bago sya umalis at kinausap pa talaga ang gwardya ng eskwelahan para lang matahimik ang butsi nya. Hinarap niya ako, "Ako ang susundo sayo mamaya, 'wag kang sasama kahit kanino, mag antay ka sa'kin."

Bahagyang bumukas ang labi ko saka pinagmasdan siyang tumalikod at umalis. Grabe kung makapagbilin, e sanay naman akong mag-isa.

Mabigat akong napabuntong hininga saka napayakap sa sarili nang yumakap ang malamig na hangin sa akin, nanunuot ito sa damit ko kahit pa naka jacket ako. Rinig na rinig din sa tainga ko ang bawat pagpindot ko sa keyboard at matamang nakatutok ang mga mata sa screen ng computer sa computer lab ng eskwelahan. Tanging kami nga lang talaga ng gwardya ang tao rito sa eskwelahan ngunit hindi ko alam kung bakit tumataas ang balahibo ko at napapatingin sa paligid.

No, I'm not scared of ghost. The hell, i don't even believe of it. But now i don't know if it's really true o ako lang 'to. Kanina pa kasi ako napapahinto dahil may nararamdaman akong parang may nagmamasid sa akin sa malayo at minsan may naririnig rin akong mga tunog 'yun nga lang hindi ko alam kung saan iyon galing. Siguro'y namamalikmata lang ako.

Ilang beses na 'to nangyayari sa akin, simula siguro noong bata pa ako pero akala ko lang naman na dahil lang iyon sa mga mata ng ibang tao na kung makatingin ay parang taga ibang planeta ako. My assumptions back then is because of my clothes but they said it's because of my eyes pero hindi iyon ang nararamdaman ko, lalo na kapag ako lang mag-isa.

Unti-unti kong binuksan ang talukap ng mata ko nang may narinig na mga sigawan at tawanan. I robbed my eyes and my brows suddenly narrowed. Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatulog at halos nandito na ang lahat ng mga kaklase ko, lumipat lang ako sa classroom para umidlip. At masyado na din akong hindi komportable sa computer lab at sa tingin ko delikado ako roon kaya wala akong pag aalinglangang umalis at dito nalang sa classrom tinapos ang mga dapat gawin gamit ang macbook ko.

Nang maramdaman na naman may nakatingin sa akin ay agad akong bumaling at nakita ko si Sergiel na nakatagilid ang ulo na tila ba'y kanina pa ako pinagmamasdan. Tinaas ang isang kilay ko ng napagtantong parehas sila ni Thea kung makatitig sa akin.

Speaking of Thea and Fè, dati ay lagi iyon nagchachat sa akin kahit hindi ako magreply pero ngayon ay ni isang paramdam ay wala akong nakuha sa kanila. At some of point i regret saying those words that might got them hurt and mad at me but at the same time i don't.

Nag simula na rin ang final defense namin at kami ang unang tatanghal sa harap. Kaya noong tinawag na kami ng guro ay wala akong pagdadalawang isip na tumayo at taas noong naglakad paharap, kahit pa ang mag jowa ay parang  mga asong nakabuntot sa 'kin. Si Sergiel naman ay nasa tabi ko lang at nong bumaling ako sa kanya ay ganon din ang ginawa nya sabay tango pahiwatig na magsimula na kami.

Jenny started by introduction of our thesis and the RRL is handled by Jevy. Sergiel is the repetition and above all the methods, result, discussion and conclusion is handled by me. And the last minute of my speech, i closed our defense about legalization of abortion.

My eyes suddenly spark and smirked as i looked at our panelist clapping. Alam namin na hindi siya 'yong tipong papalakpakan nya ang isang istudyante kapag natapos ang final defense kaya ganon nalang ang bulong-bulongan nilang lahat, though, they should not be shocked because they already knew that this is the reaction of our panelist when I'm in their class. I guess we did a great job- the leader perhaps, but nothing's special, though.

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now