CHAPTER 15: Define Happiness

15 5 0
                                    

Umarko ang kilay ko ng makita rin si Zelos na tumabi kay Dad at bumati pati na rin sa akin.

"Tara na, ma'am?" Zelos.

"Oh anak, umalis na kayo, ingat ha." Ani Dad. Papasok na sana siya ulit pero nagsalita ako.

"Teka, teka, ikaw maghahatid sa akin ngayon?" Sabay turo sa kanya, "Nasaan si..."

Umangat ang gilid ng labi ni Zelos.

"Sino, Ma'am? Si Sir Yevhen po ba?" May halong panguuyam ang tino ng boses niya.

"Anak, akala ko ba ayaw mo na kay Yevhen kaya pinatanggal mo, e bakit ngayon hinahanap mo na?" Lumukot ang noo ko ng marinig ang halakhak ni Zelos.

"Tama ka diyan, Sir. E parang may balak na nga si Ma'am na tanggalin ako at ipalit sa dating security niya," Zelos.

Pinaningkitan ko sila ng mata nang silang dalawa na talaga ang humahalakhak ng sobrang lakas.

"No. Ayaw kitang makasama sa sarili kong sasakyan," Mataray kong sabi. Doon lang humupa ang mga boses nila at parehas naman silang nagkatinginan at bahagyang napaubo.

"Ah, Ma'am. Hindi naman pupwedeng maglakad ako e ang layo nang eskwelahan nyo."

"Ganito nalang, gamitin nyo nalang muna ang sasakyan ko, wala naman akong lakad ngayon," Agad niyang hinagis ang susi kay Zelos at sinalo niya naman eto.

May pahabol pang bulong ang magaling kong ama kay Zelos na ikinahalakhak nanaman nito ng malakas.

"Bantayan mo ng maigi yung Senyorita ha."

I scoffed and get myself inside the car. Naglahad pa nga si Zelos ng kamay pero taas noo na akong ekspertong pumasok. May narinig pa akong bulong pero 'di ko na 'yon pinansin.

Dalawang araw na simula nong regalohan ako ni Daddy ng kotse, ngunit nasa bintana lang ako at nagmumukmok
Nakatukod ang baba sa braso ko at hinahagod ng tingin ang magandang kotse. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa may gate kapag tumatahol ang mga aso dahil baka si... Teka nga lang bakit ko nga ba 'yun hinahanap. Wala naman akong pake kung 'di na siya magpakita pa. Dahil simula nong gabi na iyon ay di na kami nagkita pa. Napabuntong hininga ako.

Pumantig ang tainga ko nang marinig ulit ang mga asong sabay-sabay na nagtataholan. Napatayo ako at bahagyang bumukas ang bibig habang inaantay ang taong inaasahan ko na pumasok sa malaking gate na 'yon. At tama nga ako!

Nakita ko na kunot noo na pumasok si Yevhen doon at parang 'di alintana ang mainit na pumuputok na pang-tanghaling araw sa suot niyang itim na sweatshirt, ngunit mukha naman itong manipis dahil sa pagbakat ng kanyang halatang matitigas na braso at dibdib.

Kumurap-kurap ako saka nag iwas ng tingin. Napagpasyahan kong maligo muna bago ako bumaba at harapin siya.

Ang dalawang kamay ay nasa likod ko habang walang ingay na naglalakad papuntang garahe na tinuro ng katulong kung saan si Yevhen. Sa pangsampung beses ay inayos ko ulit ang damit ko at baka may gusot. Nakita ko nga siya roon na madumi ang kamay at may kinakalikot sa isa sa mga kotse ni Dad.

"U-uhm," Parang may bukol naman sa lalamunan ko at hindi masabi ang gusto kong sabihin. Unti-unting nangamatis ang pisngi ko nong napatingin siya sa akin at parang 'di pa nagulat na nandito ako. Nagsimulang gumalaw ang panga niya. Bumalik ang tingin niya sa kanyang kinukumpuni. Tinignan ko ang paa at nilukot ang mga daliri roon at nilagay ang mga hibla ng buhok sa likod ng tainga.

"Y-yevhen, may kotse na a-ako,"

Aghh! Of course my kotse ka na!

"Uhh, gusto ko sanang itry,"

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)Where stories live. Discover now