CHAPTER 10

8 2 0
                                    

Nakatulog ako dulot siguro ng pagod.

Nang nag nagising ako ay sakto din ang pag dating namin sa aming destinasyon. Napanganga ako sa kalakihan ng lugar. Puno ng gusaling matatayog iyon at moderno na may pagka classic ang disenyo ng mga iyon. Isang malaking syudad na akala mo tao ang mga naniniraha. Kung wala kang alam ay hindi mo mawari na mga lobo at bampira ang nandito.

"We're here" sabay halik niya sa pisngi ko.

"Panay halik ka!" Galit kong saad sa kanya.

"Woah woah, kalma, babe."

Masamang tingin lamang ang tinugon ko sa kanya.

Pormal na naglakad si Manong sa unahan namin para maging guide namin kung saan kami pupunta.

Nabigla ako sa tunog ng isang trumpeta kasabay niyon ang pag tatakbuhan ng mga tao—I mean lobo at bampira.

Sa harap ng pinakamatayog na gusaling kanina ko pa namataan ay nakahilera ang mga lobo at bampira. Kaliwa at kanan ang paghilera nila tila ginagawan kami ng daan. Namangha ako sa disiplina nila. I mean, kung mga tao pa ito ay siguro nagtutulakan, makita lang ang bagong dating.

Ngumuso ako. Wala naman pala kami sa mundo ng mga tao. Bigla kong namiss ang mga mundo ng mortal. Masaya naman doon kahit papano. Bago ako makilala ni Levi ay payapa ang aking buhay. Not until...... naramdaman ko siya sa likod ko.

Ngumuso pa ako. Problema nito? Naririnig ko kasi ang mahina niyang pagmumura.

Nang narating namin ang bukana ng gusaling ito .....oh? Baka palasyo ata....ay nakahilera doon ang matataas na tao.

I mean siguro mga opisyal kung nasa mundo pa ako ng mortal.

The legend wolves and vampires. Nakaupo sa matataas na ranggo dito sa atin.

Napatango ako ng lihim.

Napansin ko ang pagyuko ng lahat nang dumating ang isang babae—nasa insaktong katandaan na iyon. Ang katabi niya'y isang lalaki, siguro'y parehas ng edad ito sa babae.

They are the Queen and King of vampires.

Sumunod na nagpakita ang babae at lalaki ulet. Tila masasamang nilalang kami dahil sa kanyang tingin. Para bang isa kaming pagkain na handang nakahain sa kanilang harap. Hindi katulad ng Reyna at Hari na malamig ang tingin sa amin.

The Alpha and Luna of wolves. I hope you knew this thing since you are fond of reading our stuffs.

Kumindat pa siya na nagpairap sa akin.

"ALL RISE FOR THE KING AND QUEEN" masayang anunsyo ng isang matanda sa kanan ng Reyna at Hari.

Nanindig ang balahibo ko at napalingon sa likuran namin nang nagsitayuan ang nakahilera sa bandang kanan. Mga bampira. Ginapos ng malamig na hangin ang buong kapaligiran at ang kaninang maliwanag na Atmospera ay naging itim. Nanlamig ako.

"ALL RISE FOR THE ALPHA AND LUNA!" Muling pag anunsyo ng lalaki na ngayon ay nasa tabi ng Alpha.

Ngayon naman ay napuno ng ingay ng mababangis na hayop ang buong paligid. Mga Lobo. Mas lalo akong nanlamig.

Keep calm. They won't hurt us.

Binalewala ko ang sinabi ni Levi at natigilan ng itinaas Alpha at Hari ang kanilang dalawang kamay. Kasabay nito ang pag tahimik ng paligid.

Ang bigat ng atmospera at aking hininga ay sinyales ng puno ng kapangyarihan ang dalawa sa harapan namin. Nagmumukha kaming daga na nakita ng malalaking pusa.

A White WarriorWhere stories live. Discover now