CHAPTER 17

8 3 0
                                    

Hindi niya pinansin ang lalaking panay ang tawa. Tila nasapian siya ng masamang ispirito.

"What do you want?" Puno ng awtoridad ang boses niya. Malayong malayo sa mapaglaro niyang ugali.

"Siya" sabay turo ng lalaki sa akin. Tinago ako ni Reynard sa kanyang likuran. Ayaw makitang nakatitig sa akin ang masamang lalaki.

"I'm sorry but we need to hurry up right now. Maybe next time I can lend her to you."

At sa isang iglap lang ay tinangay ako ng hangin. Kasama ni Reynard. Nakahawak ang kanyang tuka sa aking jacket.

"Woaaah" tili ko ng umikot siya sa himapapawid. Gagu nasa itaas pala ako.

"Relax, hindi ka mahuhulog. Huwag ka lang malikot" hindi ko nabosesan si Reynard. Tila kay seryoso niya ngayon.

Tinuran ko ang kanyang sinabi. I am so stiff. Ni hindi ko namalayang nakababa na kami.

Dinala niya ako sa isang malaking gubat. "Nasaan tayo?"

Pinagpag niya ang kanyang damit saka binalewala ako. Sinundan ko ang lakad niya at doon ko natantong isa itong cabin. May ilaw sa labas at triangle ang porma ng maliit na bahay. Nakabukas ang pintuan kaya tanaw ko ang nasa loob.

Isang maliit na lamesa. Dalawang upuan. Sa gilid nito ay sofa sa harap ng sofa ay tv at marami pang iba. 

"Pumasok ka na" malamig ang kanyang boses. Kaya napalingon ako sa kanya.

"Is everything cool?"

Walang emosyon siyang tumingin sa akin.

"Sa susunod huwag kang kikilos ng hindi naaayon sa plano"

"You really don't understand me"

"Stop that defense. You almost got..." Naputol ang kanyang sinabi ng may lumabas galing sa pintuan ng cabin.

And to my surprise it was Levi. Kung gaano ka lamig ang expression ni Reynard ay ganon doble ang lamig ng kanyang expression. Napalunok ako.

"Hindi ka papasok?" Sarkastiko niyang pagsasalita.

"Reynard..." Nilingon ko si Reynard ngunit nauna na siyang pumasok. Lalo akong napalunok. Naiwan ako sa labas. Si Levi din ay bumalik sa loob.

Dahan dahan akong pumasok at nahihiwagaan ako sa mga bagay na nakikita ko. Ang ganda.

"Thanks, bro." Levi.

Tinapik ni Levi si Reynard na nakapikit, nakasandal sa sofa.

Galing kay Reynard, napunta sa akin ang atensyon ni Levi. Alam kong galit sya. His expression tells me all of those.

"You really are so stubborn. Ang sakit mo sa ulo" nanliit ang mga mata niya na tila ba naiinis siya sa katigasan ng aking ulo.

"You really don't have an idea how dangerous that Mountain is. Umaalis ka ng walang paalam. Damn muntik ko ng mapatay lahat ng gwardya sa palasyo dahil sa pag alis mo"

"Bakit parang kasalanan ko pang demonyo ka pagdating sa mga gwardya nyo? Kung ang problema mo ay ang pag alis ko, sana hindi mo na lang ako pinapunta dito at hinayaang mamatay sa bundok na yun nang sa ganon ay hindi na sasakit ang ulo mo" kalmado kong sabi ngunit gusto ko ng pumutok.

"See? Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang mag galit galitan"

Fuck?

"Alam mo? Nakakaumay ka na. Pakawalan mo ako dito, at nang sa ganon wala ng masakit sa ulo niyo. Hayaan niyo akong mag lakbay dahil unang una buhay ko ito. Nanganganib ang pamilya ko."

A White WarriorWhere stories live. Discover now