CHAPTER 22

6 2 0
                                    

I shifted into my wolf form. Mabilis ang takbo namin. Ramdam din namin ang pagsunod ng mga kalaban. Dahil siguro kulang sila sa lakas ay hindi nila kami kayang tapatan.

Huminto ang Commander kaya ganon din ang ginawa namin ni Zafira.

Sa isang napalaking punong kahoy na umuusok, tumingala ang Commander. Ganon din ang ginawa ko. Pinagmasdan namin ang direksyon ng usok.

Rinig ko ang buntong hininga niya. Napalingon ako kay Zafira. Matigas ang kanyang expression. Ganon ang kanyang tindig.

Are you alright?

Lumingon siya sa akin saka dahan dahang lumapit. She sniffed my neck, sinyales na maayos lang siya.

"Dito tayo." Malamig na sabi ng Commander.

Tahimik kaming sumunod sa kanya.

Sobrang itim ng paligid. Napuno ng usok ang buong lugar at kung ano anong tinig ang iyong maririnig. Animo'y mga bata, matanda, at mga hayop na nag iiyakan sa sakit na kanilang naramdaman.

A hell, indeed.

Stay close to me, baby

At dahil matigas na babae siya ay hindi siya sumunod sa akin. Frustrated akong sumunod at dumikit sa kanya.

Sa isang iglap napunta kami sa tapat ng puno.

Nag iba bigla ang paligid. Ang dating puro putol na kahoy kanina ngayon ay naging isang palasyo.

Ramdam ko ang pagka alerto ni Zafira kaya dinikitan ko siya.

Kalmado lamang ang Commander habang patuloy na nag iiba ang kinatatayuan namin. Hanggang sa tuluyan na kaming nasa loob ng isang palasyo.

Ilang palasyo ba ang nagbabalat kayo rito.

Puro panlilinlang ang mga bagay na nakikita mo dito. Pati palasyo nila'y nakatago sa isang puno.

Sa harap namin ay matandang lalake at babae. Nakatingin sila sa amin. Nakangisi ang babae ngunit ang lalake ay walang emosyon.

Sila ang pinakamataas na hari at reyna dito. Hindi sila basta basta.

Rinig kong sabi ng Commander sa aming isipan.

"Ang pinaka hinihintay ng lahat. Nandito na!" Sigaw ng babae. Ang Reyna.

Walang naging reaksyon ang Commander sa sinabi niya. Bumaling siya sa hari saka nagsalita. Ngunit naunahan siya ni Zafira.

"Nasaan ang aking ama? Ilabas ninyo siya!"

"Matagal ng patay ang iyong ama. Hindi mo ba alam iyon?"

Mabilis na ang hininga niya habang masama ang tingin sa kaharap na hari.

"Ibalik niyo ang ama ko!"

Out of a sudden biglang naging pula ang kanyang mga mata. The second thought i know is that, she attacked the King! Tumilapon siya sa kanan. Sa lakas ng impact ay nasira ang haligi ng kanilang palasyo!

"Zafira!"

Mabilis ko siyang pinatayo at inatake ang hari.

Sa lakas niya tumilapon din ako katabi ni Zafira.

"You don't just hit my daughter and son!"

Sigaw ng Commander.

Sabay ng kanyang pag sigaw ay ang pagkulog at kidlat. Sabay sabay umungol ang mga lobo na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Ang alikabok sa paligid namin ay mabilis ang pag ikot sa ere. Namumukha iyong turnado sa aking paningin.

Natangay ang mga gamit sa paligid sa lakas ng ihip ng hangin.

A White WarriorWhere stories live. Discover now