CHAPTER 7

10 3 0
                                    

"Uuwi tayo sa mundo natin."

Nakalayo na siya sa akin. Bigla ko siyang namiss. Kahit nasa harap ko lamang siya. Nababaliw na nga yata ako at nahawa sa kanya.

"Saan nga"

"Naniniwala ka na sa akin?"

Umiling ako. Nanlumo siya. Bigla din akong nalungkot dahil sa panlumo niya.

Muli kaming natahimik. Pinakiramdaman ang isa't isa.

Ngunit sabay kaming napalingon ng may naamoy akong kakaiba. Tila usok sa bandang likuran namin. Malayo pa iyon dahil hindi pa masyadong ganon kasangsang ang amoy.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Naamoy mo iyon?" Tanong niya sa akin.

"Yeah"

Naging alerto siya. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.

"That explain that you're one of us. Isa kang lobo. Ang paghilom ng sugat, ang talas ng tingin tuwing gabi kahit madilim. I guess you knew from the start. You just deny the fact."

Mas lalo siyang naging alerto ng lumalapit na ang amoy. Mas lalong bumaho ang paligid.

"Sa likod lang kita."

Pabaling baling ang ulo niya. Kanan at kaliwa. Ganon din ako dahil sa amoy na palipat lipat din. Hanggang sa hindi na namin naamuyan iyon.

Guminhawa ako. Akala ko ay maayos na ang lahat. Ngunit bigla nalang sumiwang ang buwan sa bintana sa music hall kung nasaan kami.

Nagdilim ang paligid at tanging ang buwan lamang ang mistulang ilaw namin sa pagkakataong ito.

Humigpit ang hawak ni Levi. Hindi ko alam kung anong nangyari. Subalit ng umusok ang harapan namin.

Ang dating usok na pakalat kalat ay naging buo at pumormang isang tao. Nakabalabal iyon. Maitim ang kulay at nakabota. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa itim ng paligid.

"Magandang araw sa inyong dalawa" tuluyang naging tao ang dating usok. Nagsalita pa ito.

Subalit imbis na ako ay matakot. Hindi ko magawa. Ramdam ko ang init sa taong kaharap namin. Ngunit hindi ko makuhang magulat na tila ba sanay ako sa ganito.

What's wrong with me.

Lumapit ang lalaki sa akin. Hindi ko na maramdaman ang hawak ni Levi sa akin. Gusto ko siyang lingunin ngunit dinakwat ng lalaki ang baba ko at pilit na ipaharap sa kanya.

"Kamusta ka, Zafira Gabriella?"

Paanong nakilala niya ako. Sino ba siya.

"Don't touch her!" Dumadagundong ang boses ni Levi. Nasa likuran na namin siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Ngunit may hinala na ako.

Nakataas ang kamay ng lalaki sa hangin at kapag humigpit ang kanyang kamao ay siyang pag protesta ni Levi. Nakasandal siya sa dingding at sinasakal ng lalaki gamit lamang ang kamay sa hangin.

Nag iinit ang aking buong katawan. May kung ano sa aking katawan na gustong kumawala. Hwo dare he hurt Levi. Hindi ko siya kilala ngunit alam kong kaaway ito.

Sa kanyang aura na maitim at mabaho ay nagkaideya na ako.

"Bitawan mo siya" malamig kong sabi sa lalaking hawak hawak ang aking baba. Hinawakan ko iyon at buong lakas na tinabig dahilan ng kanyang pag talsik sa kabilang parte ng silid. Nabitawan niya si Levi.

Ganon na lamang ang pag kagulat ko sa nangyari. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Levi. Nakahawak siya sa beywang ko at nilanghap ang amoy ko. Tila iyon ang kanyang pinagkukunan ng lakas.

A White WarriorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang