CHAPTER 11

9 3 0
                                    

"Mom, I can take care of her" pagmamaktol ni Levi.

Mom? Mama niya iyan? Ang luna? Does it mean.....

"No! I can take care of her better than you" pagalit na sabi ng Luna. Nagdadabog si Levi.

"She's my mate, for God sake!"

"So what? She's my daughter in law, then"

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Siguro ang tinukoy ni Levi sa mate ay classmate?

Siguro nga.

"Doon ka nalang sa kwarto mo, Leviticus"

He groan in frustration. Na ikinatawa ng kanyang ina.

Inosente ko siyang tiningnan. Saka naman siya nangiti. "Hayaan mo na lang siya. Tara na ihahatid kita sa kwarto mo. Marami akong damit na nais ipasubok sayo. Not now, though. Maybe later"

Wala akong imik sa naging asal niya sa akin. Hindi naman siguro siya tulad ng mga nababasa ko na, kunwari mabait pero masama pala at the end.

"Did you two....uhmm..." Pumula ang pisngi ng Luna na agad kong nakuha ang kanyang ibig sabihin.

Mabilis akong umiling. "No no no we didn't. I mean, I just met him couple of weeks ago"

Napahugis bilog ang kanyang bibig saka nakangiting tumango tango. "Oh I see. I didn't know he's that slow, huh. Mabilis siya sa mga babae noong nag aaral pa siya, hindi ko alam na sa mate niya ay mahina pala siya" natawa siya sa kanyang sinabi. "Poor, Levi"

Pangiti ngiti ako kunwari pero wala talaga akong maintindihan. Ang naintindihan ko lang no'n ay mabilis siya sa babae, pero ang salitang mate ay hindi ko makuha. What does it mean?

Matapos niya akong ihatid sa kwarto ko ay pinahatiran niya ako ng pagkain. Nahiya pa ako dahil doon.

"Kaya ko naman po ang sarili ko"

"Call me, Luna." Hinaplos niya ang buhok ko.

"L-luna"

Muli siyang nangiti. Binantayan niya akong kumain. Hanggang sa natapos ako ay nakatingin parin siya sa akin.

"Kamukha mo ang iyong ina. Napakagandang babae"

Kilala ni si ina?

"Salamat po. Ikaw din po, sobrang ganda"

Tumawa siya "I know that. I am the most beautiful wolf in our era"

Ningitian ko siya. Walang duda sa kanyang sinabi. Siya ang pinakamagandang lobo na nakikita ko. So far.

"Ang reyna naman ang pinakamagandang bampira sa lahat. She stands out, you know. So firm and scary but believe me she's kind. Too kind"

Madaldal pala itong Mama ni Levi. Siguro namana niya ang kanyang kadaldalan dito.

"I can see that"

Napahikab ako dahilan ng pagtayo niya. Nabigla naman ako sa biglaang pagkilos niya at naputol ang paghikab. What's wrong.

"He's coming. And i guess you need to rest, too"

I don't get her but when Levi's face shows from the door I jump in excitement. Really, I am so weird these past few days. What's up with my nerves.

"Hey, mate"

Kumaripas ng takbo ang kanyang ina. Not literal though.

"Hi" humikab pa ulet ako. Pumungay ang kanyang mata na nakatingin sa akin.

A White WarriorWhere stories live. Discover now