CHAPTER 12

10 3 0
                                    

Isang katok ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Tumayo ako at binuksan iyon.

"Mag aagahan na, po" anang isang bata. Kulot ang buhok niyang hanggang beywang. May ribbon sa kanyang ulo at nakapitch na dress siya.

Ningitian ko siya. Ang cute niya naman. Ano kayang pangalan niya?

"What's your name?" Umupo ako sa harap niya para maglebel kaming dalawa.

"Shahana, po"

Napakagalang pa.

"Nice name. You're beautiful, Shan" saka hindi na matanggal ang ngiti sa aking labi. Nagagalak ako matanaw lamang ang kanyang maamong mukha.

"You're beautiful, too" boses bata niyang puri sa akin.

"Thank you, let's go"

Nakahawak ako sa kanyang kamay habang siya naman ay tahimik sa tabi ko. Tinatahak namin ang daan tungo sa dining area.

Napapalingon din ako sa mga lobo at bampira na naglalakad. Hula ko ay sa agahan.

Napako ako sa kinatatayuan at namamangha sa husay ng pag handa ng kanilang agahan. Animo'y may pista sa dami namin doon. Nasa gitna ang dalawang mahabang lamesa. Sa mga bampira ang nasa kanan at sa kaliwa naman ang mga lobo.

Ang nakaunipormeng kasambahay ay unang binigyan ng pagkain ang Hari at Reyna kasabay nito sa kabilang lamesa ay ang Alpha at Luna naman. Sabay silang binigyan. Matapos nito ay ang lahat ng nilalang na nasa lamesa.

Namataan ko si Levi na palingon lingon at tumigil lamang nong natagpuan ako ng kanyang mata.

Tinaas niya ang kanyang kamay para agawin ang atensyon ko saka siya ngumiti.

"Ate, let's go. Uncle is there" tinuro ni Shahana ang direksyon ni Levi.

Naglakad kami tungo don "He's your uncle?"

"Yes." Simpleng sagot ni Shahana sa akin habang ang atensyon ay nasa mag asawa na nasa lamesa ng mga lobo—kaharap ni Levi ang lalaki at ang kaharap ng katabi nitong babae na upuan ay bakante.

"Hello, there good morning" he tapped the vacant seat na katabi niya—ang sinabi kong kaharap ng babaeng katabi ng lalaking kaharap ni Levi.

"He's my brother" bulong niya sa akin nang nakita ang pagtatanong sa aking mata.

"I see that" habang naupo ako. "He's cool" walang isip isip kong sabi.

Naramdaman ko ang pagkatigil niya. Umusog siya ng husto na halos sakupin na niya ang personal place ko. Inusog niya ang upuan ko papunta sa kanya, ang kanyang braso ay nasa likuran ng aking upuan. Kumikiskis na ang kanyang binti sa tuhod ko.

"Did you just called him cool? Hindi mo dapat pinuri ang gagong yan" inis niyang bulong sa akin.

What?

"Ewan ko sayo, kumain ka na lang"

Tapos na siyang lagyan ng pagkain at ganon din ako. Nag uusap ang mag-asawa sa harap namin. Ganon din ang Alpha at Luna. Nakikisali pa ang kapatid niya sa dalawang pinuno tungkol sa hindi ko malamang paksa. Habang siya dito ay nagagalit dahil sa pagpuri kong cool ng kanyang kapatid na lalaki.

"No. Did I heard it right? You complimented him?" Nag pupuyos siya ng inis.

Binalingan ko siya ng tingin at kinunotan ng noo.

"So what? He's really cool" saka inirapan. Nagsimula akong kumain at binalewala siyang hindi mapirmi dahil sa sinabi ko.

"Walang dapat purihin ang girlfriend ko kundi ang boyfriend niya" natigilan ang lahat sa hapag. Pati ang mga magulang niya. What the hell?

A White WarriorWhere stories live. Discover now