Chapter 10 - The Unfolding

4.6K 231 13
                                    


"Anak, tawagan mo ako kung sakaling magkakaproblema ka doon," paalala ni Darius sa anak.

"Tamara, pang-emergency lang ito," saad naman ni Tina saka inabot ang isang pack ng condom.

"Tina!"

"Mommy!"

Sabay na nag-react sina Tamara at Darius.

"Mas mabuti na 'yung sigurado," saad ni Tina.

"Hindi ko pa boyfriend si Evo," saad ni Tamara, "kaya huwag kayong mag-alala dahil walang mangyayari sa amin."

Sabay na bumuntong hininga sina Tina at Darius. Ayaw sana nilang payagan si Tamara na sumama kay Evo sa Batangas pero hindi naman nila kayang tanggihan si Evo lalong lalo na dahil personal at magalang itong humarap sa kanila upang ipagpaalam si Tamara. Kaya ang tanging naisip nilang gawin ay ang paalalahanan na lang ang sariling anak.

Nakita nilang pumarada sa harap ng kanilang bahay ang sasakyang susundo kay Tamara kaya muling nagpaalam si Tamara, "Isang gabi lang kaya huwag kayong mag-alala," saad ni Tamara bago hinalikan ang mga magulang.

"Isang gabi lang," mahinang inulit ni Darius ang sinabi ng anak saka bumuntong huminga at nagpatuloy, "pero maraming pwedeng mangyari sa isang gabi."

"Magtiwala ka sa anak mo," saad ni Tina, "maraming beses na siyang nag-outing kasama ang ibang tao. Umuwi naman siyang maayos."

"Pero iba 'to," pag-alala ni Darius, "I trust Tamara pero hindi ako sigurado kay Evo."

Tumango si Tina saka sinabing, "kaya nga binigyan ko ng isang paketeng condom ang anak natin. Marami akong nabasa tungkol sa pagiging babaero ni Evo at hindi ko alam kung dapat ko bang ipagkatiwala sa kanya ang nag-iisang anak natin."

Kumaway si Tamara sa kanyang mga magulang bago pumasok sa sasakyan. Ang totoo, sa getaway trip na ito balak pag-usapan nilang pag-usapan ni Evo ang tungkol sa kunwaring pagsagot niya sa binata. They can't risk to talk about it in the office dahil baka may makahalata. Ayaw namang pumunta ni Tamara sa mansyon ni Evo at hindi rin pwedeng sa bahay nina Tamara sila mag-usap, kaya nagpasya silang mag-weekend getaway na lamang sa Domescape Glamping dahil ito ang magiging mutual ground nila.

___________________

Naunang dumating si Evo sa lugar. Kahit sila lang ni Tamara, pinareserve pa rin niya ang buong resort. He does not want to take a risk. Sa twin dome sila tutuloy, ibig sabihin, tig-iisang dome sila ni Tamara.

Mapayapa ang pakiramdam ni Tamara nang marating niya ang resort. Dinig niya ang nakakapagpakalmang tinig ng agos ng tubig at ang nakakasayang tinig ng mga ibon. Ito naman ang paboritong resort ni Evo. Staying here helps clear his mind, lalong lalo na kapag umiinum siya ng salabat habang ini-enjoy ang tanawin mula sa loob ng dome.

"Itong twin dome ang pinili ko para sa atin," saad ni Evo, "para mas makapag-usap tayo kahit lalalim na ang gabi. Hindi kita kailangang ihatid sa malayo."

"Saang dome ako?" tanong ni Tamara nang makita ang magkatabing dome.

"Both are great kaya kahit alin sa dalawa ang gusto mo, okay lang," sagot ni Evo.

"Pwedeng mapasok muna ang dalawang dome saka ako magdedesisyon?" parang batang saad ni Tamara.

"Go on," pagbibigay pahintulot ni Evo.

Manghang-mangha si Tamara sa loob ng dome. The glass window that allows her to see the view from the outside helped illuminate the interior of the dome. The bed is clean and covered in white sheets. The ambiance shouted purity in it. Pakiramdam niya nasa langit siya. Tama si Evo, halos magkapareho ang feeling kahit saang dome ang pipiliin niya, pero mas pinili niya ang pangalawa dahil mas kampante siya doon.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon