Chapter 23 - University Ball

4.1K 237 12
                                    


Masayang nakatingin si Tamara sa kanyang repleksyon sa salamin. Isang navy blue na ballgown ang napili niya pero dahil gusto niyang lagyan ng personal touch ito, siya mismo ang nagdisenyo ng sequins na nilagay sa ballgown. Natuwa naman siya dahil bumagay sa kanya ang kanyang napiling design.

It was long but still sexy as it emphasized her curves. Though it has long sleeves, the v-neck design allowed her to flaunt her sexy neck down to her cleavage. At para mas maging perfect ang kanyang look, pinaayos niya ang kanyang buhok. The loose strands at the top and the tightly fitted roll at the nape shouts elegance and sophistication, lalong lalo na dahil nilagyan ito ng Swarovski crystal barrette.

"Siguradong ikaw ang pinakamaganda sa ball," saad ng kanyang ina na kanina pa palang nanonood sa kanya.

Ningitian ni Tamara ang kanyang ina ngunit nang makita niyang nagpahid ito ng luha ay agad niya itong nilapitan.

"Mommy, bakit ka naiyak?" tanong niya.

"Hindi ka na bata. Baka sa susunod na makita kitang naka-gown ay wedding gown na ang suot mo," saad ng kanyang ina.

"Mommy naman, ga-graduate pa ako kaya may graduation ball pang mangyayari," pagbibiro ni Tamara.

Umiling si Tina saka sinabing, "naipakilala ka na ng boyfriend mo sa mga magulang niya, saka narinig ko rin na matagal nang gusto ng mga magulang ni Evo na makasal siya."

"Hindi pa namin napapag-usapan ni Evo ang tungkol sa kasal," saad ni Tamara.

Kahit may nabuo nang plano si Evo para sa gagawing marriage proposal, alam naman ni Tamara na hanggang pagiging fake fiance lang siya. Kaya malaki ang kompyansa niyang sabihing hindi pa siya ikakasal.

"Paghandaan mo lang, anak. Ang sabi kasi ng daddy mo, nagiging usap-usapan daw ang tungkol sa pagdating ng daddy ni Evo. Hinala ng lahat ay dadalo ito sa magiging engagement party ninyo ni Evo."

"Don't worry, kaya kong i-handle ang sitwasyon," saad ni Tamara.

"Ahm, anak," hinawakan ni Tina ang kamay ng anak saka nakayukong nagsalita, "kung sakaling magpropose si Evo, mag-yes ka na agad."

"H-huh?" nagulat si Tamara, "b-bakit?"

"Anong bakit?" natatawang saad ni Tina, "Evo is a good catch kaya huwag mo na siyang pakawalan. Ipangako mo lang sa akin na kahit kasal ka na kay Evo, itutuloy mo pa rin ang pag-aaral mo."

"Hindi ba pwedeng sabihin ko na lang kay Evo na pagkatapos ko na lang grumaduate saka ako magpapakasal sa kanya?" tanong ni Tamara.

"Naku huwag mo nang sayangin ang pagkakataon," agad na saad ni Tina, "eh kung sa kasal din naman mauuwi ang lahat, bakit mo pa patatagalin, 'di ba?"

Nag-alala si Tamara sa sinabi ng kanyang ina dahil baka madismaya ito kapag malamang magiging fake fiance lang siya.

"Oh sige na, hinihintay ka na ng sundo mo," saad ni Tina.

"N-nandiyan na ang sundo ko?" excited na napatanong si Tamara.

"Oo, kanina pa siya nasa baba," malapad na ngumiti si Tina.

Agad na lumingon si Tamara sa stylist, "okay na ba? Pwede na ba akong bumaba?"

"Of course, Miss Jacinto. You are all set," sagot ng kanyang stylist.

Ang stylist na palaging kinukuha ni Evo para ayusan siya ang siyang kinuha niya upang ihanda siya sa ball. Naging malapit na rin kasi siya sa stylist dahil nakukuha nito ang mga nais niyang styles.

Kinakabahan pero masayang bumaba si Tamara sa hagdanan dahil hindi niya inasahang darating talaga si Zack. Hindi kasi malinaw ang pagyaya nito sa kanya noong magkita sila sa unibersidad kahapon.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon