Chapter 29 - The Hard Bargain

4K 283 73
                                    



Tahimik ang buong biyahe nina Tamara at Evo patungo sa mansyon ni Evo. Sa katunayan, sinubukan pang pakiusapan ng ina ni Tamara si Evo na sa kanila muna si Tamara. Ngunit dahil nanaig ang supporta ng mga magulang at lol ani Evo, pati na rin si Darius ay sumuporta din kay Evo, kaya walang nagawa si Tina kundi ang ipaubaya ang anak kay Evo.

Walang imik na ipinarada ni Evo ang sasakyan sa tapat ng entrance ng mansyon. Nakaabang na ang butler ng mansyon upang ito na mismo ang paparada sa sasakyan doon sa parking lot ng mga sasakyan ni Evo.

"Diyos ko po, patnubayan niyo po ako," pikit-matang bulong ni Tamara sa sarili bago siya bumaba ng sasakyan.

Nakita niyang nakapamulsang nakatayo si Evo sa gilid ng pinto ng mansyon na para bang hinihintay na mauna siyang pumasok.

"Bakit ba nagkaganito ang lahat? Ano ba ang binabalak mo bukas?" pagtataray ni Tamara upang itago ang kanyang kaba at takot.

"We will talk in the living room," simpleng saad ni Evo.

Dahil dito, padabog na pumasok si Tamara sa loob ng mansyon at dumirecho sa salas. Tulad ng inaasahan niya, tahimik ang buong mansyon. Pero hindi niya pinansin ang katahimikan dahil ang tanging nais niya ngayon ay ang malaman kung ano ang balak ni Evo. Naiinis siya dahil kumikilos ang binata na walang pasintabi sa kanya, at ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay 'yung hindi niya alam kung ano ang nangyayari, lalo pa ngayon na hindi na biro ang patutungohan ng kalokohan ni Evo.

"Now we're here," saad ni Tamara nang maupo na siya sa sofa saka nagpatuloy, "pwede mo na bang sabihin kung ano ang nangyayari? Bakit mo ako pinapirma ng marriage license? Totoo ba 'yun o peke lang? At 'yung sinasabi mong kasal bukas? Kasama ba 'yun sa pagpapanggap ko? Paano kung malaman 'yun ni Shawn? Sa tingin mo ba, babalik si Shawn kapag nalaman niyang nag-asawa ka na?"

Sunod-sunod na nagtanong si Tamara ngunit napakuyom ng kamay si Evo nang marinig niya ang pangalan ni Shawn mula kay Tamara kaya agad siyang nagsalita, "Shawn is never coming back at kasalanan mo 'yun."

Bahagyang napagitla si Tamara pero agad naman siyang nakabawi, "anong ibig mong sabihin? Nakita mo na ba si Shawn?" tanong niya kay Evo.

Hindi kumibo si Evo pero inilapag niya ang nagkumpulang mga litrato ni Shawn sa mesa. Kinuha ni Tamara ang mga ito saka isa-isang tinignan."

"Nasa Pilipinas lang si Shawn?" mahinang tanong ni Tamara ngunit narinig ito ni Evo.

Patuloy niyang tinignan ang mga litrato saka siya tumingin kay Evo at nagtanong, "nakita mo na si Shawn, bakit kailangan mo pang magpanggap na ikakasal tayo?"

"Dahil ikakasal talaga tayo," mariing sagot ni Evo.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Sabi mo pansamantalang bride mo lang ako habang hinahanap mo pa si Shawn. Nandito na si Shawn, bakit ka magpapakasal sa akin?" natatarantang tanong ni Tamara.

"Haven't you heard me when I said Shawn is never coming back and that was because of you!" galit na bulyaw ni Evo kaya napatalon si Tamara sa kanyang upuan.

"Dahil ba sa komento ko sa post mo kaya ayaw niyang bumalik? Gusto mo samahan kita? Ako na ang magpapaliwanag sa kanya tungkol sa lahat. Kukumbinsihin ko rin siyang bumalik sa'yo," saad ni Tamara.

Hinawakan ni Evo ang magkabilang braso ni Tamara saka hinila ang dalaga palapit sa kanya. Batid ni Tamara ang galit na nararamdaman ni Evo mula sa hindi pantay na paghinga nito at sa nakakasunog na titig nito sa kanya.

"E-evo, nasasaktan ako," reklamo ni Tamara pero hindi siya pinansin ni Evo dahil mas hinigpitan ni Evo ang pagkahawak sa braso ni Tamara saka ito nagsalita.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon