Chapter 20 - Butterfly Kisses

5.3K 261 25
                                    



Nagising si Tamara nang maramdaman niya ang init ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Dali-dali siyang bumangon dahil tila late na siyang gumising.

"Good morning," narinig niyang saad ni Evo na ngayon ay nakadekwatrong nakaupo sa gilid ng tea table. Suot pa rin nito ang pajama na ipinalit niya sa suot nito kagabi.

"A-anong oras na?" tanong ni Tamara.

Tumingin si Evo sa suot nitong relo saka sinabing, "alas otso."

"Hala, baka wala na tayong aabutang breakfast," agad na tumayo si Tamara.

"Don't worry, nag-order na ako ng breakfast natin," saad ni Evo.

Napakagat ng labi si Tamara saka naalala ang mga pangyayari kagabi. She almost gave herself up to Evo pero ang hindi niya talaga makalimutan ay ang 'yung pinalitan niya ang suot ni Evo ng pantulog.

Tumunog ang doorbell saka ito bumukas at pumasok ang hotel attendant dala ang room service breakfast na order ni Evo. Parehong tahimik na naghihintay sina Evo at Tamara na matapos ang attendant sa paglagay ng mga pagkain sa dining table.

"Enjoy your breakfast Mr. and Mrs. McTavish," saad ng attendant.

"Hin –" pagtatama sana ni Tamara pero hindi niya natuloy dahil naunahan siya ni Evo na ang sinabi ay, "Thank you."

"Ba't hindi mo itinama ang pagkakamali niyang tawagin ako na Mrs. McTavish?" tanong ni Tamara habang nakasunod kay Evo na papunta sa hapagkainan.

"It does not matter," nagkibit balikat si Evo, "everybody thinks that we will be married soon. 'Yan din naman ang napag-usapan natin."

Hindi na nakapagsalita si Tamara kaya kumuha na lang siya ng makakain.

"If you like it, you don't need to ask my permission," saad ni Evo.

"Huh?" napatingin si Tamara kay Evo.

"Alam kong pinagnasahan mo ang katawan ko kagabi," saad ni Evo saka nagpatuloy, "if you want to have sex last night, I don't mind."

"Sinong may sabing pinagnasahan ko ang katawan mo?" pagdedeny ni Tamara.

"Lasing lang ako kagabi, Tamara, pero alam ko ang lahat na ginawa mo," saad ni Evo saka isinubo ang kutsarang may pagkain, "I felt how you run your fingers on my body."

Napalunok si Tamara saka sinabing, "natural na mahawakan ko ang katawan mo dahil binibihisan kita. Palibhasa kasi, sobrang lasing mo na kagabi."

"Fine," nagpatuloy sa pagkain si Evo.

"Fine? Anong ibig mong sabihin?" may halong inis na tanong ni Tamara.

"Fine? It means tinanggap ko ang paliwanag mo kahit alam kong in-denial ka. But here's something I want you to know," saad ni Evo habang tinitigan si Tamara, "I have abstained sex for months now dahil sa kasunduan natin at para hindi masira ang pagpapanggap natin. But if you want it, I promise that I will give an excellent and worthwhile experience."

"Wala akong balak na isuko ang pagka-birhen ko sa taong alam kong hindi ako mahal," bulyaw ni Tamara.

"You're a virgin?" halatang nagulat si Evo sa nalaman.

"Liberated man akong tignan, hindi naman ako ganun ka-wild na basta-basta na lang makikipag-sex," sagot ni Tamara.

Nakaramdam ng pag-iinit sa katawan si Evo saka naisip, 'then getting my revenge on you will be the sweetest. Mas lalo mong mararamdaman ang sakit ng pagtalikod ko tulad lang ng sakit na dinulot mo sa pagiging sanhi ng pag-alis ni Shawn.'

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon