Chapter 24 - The Payment

4.7K 239 19
                                    




"Akala ko you have plans for tonight?" tanong ni Tamara nang marating nila ang dance floor at malaya na niyang matanong si Evo.

"I did," malimit na sagot ni Evo.

"So this is your plan?" gulat na tanong ni Tamara.

Ningitian lang ni Evo si Tamara kaya muling nagtanong si Tamara, "alam mo bang mangyayari ito?"

"Let's just say, I sent someone to do a background check on your Zack," saad ni Evo.

"And?" tanong ni Tamara.

"And I knew that he proposed to someone while we were attending the reunion," saad ni Evo.

"Kaya ka nagulat nang sabihin ko kanina makaka-date ko si Zack?" tanong ni Tamara habang nakaramdam siya ng hiya.

Tumango si Evo saka sinabing, "for a while, I doubted the information that was submitted to me kaya nung umalis ka, pina-double check ko kay Chad ang tungkol sa pagpropose ni Zack sa ibang babae."

"So nalaman mong pinapaikot lang pala ako," malungkot na saad ni Tamara, "siguro pakana ito ni Charina. Ayaw niya kasing mapasali ako sa cheerdance competition."

Mahinang napatawa si Evo saka sinabing, "Hindi ko alam ang tungkol kay Charina, but when I learned that Zack is indeed dating someone else tonight, I thought you'll need me around."

"Thank you," mahinang sambit ni Tamara.

"I'm a businessman, Tamara. You owe this to me," seryosong saad ni Evo.

"Hala! Anong kapalit ng tulong mo ngayon?" nag-alalang tanong ni Tamara.

Ngumiti si Evo saka sinabing, "just let me enjoy the night."

"H-huh?" hindi makapaniwalang saad ni Tamara.

Sa ilang buwang nakasama niya si Evo, he always makes high demands. Hindi niya inakalang simpleng pag-eenjoy lang sa ball ang hininging kapalit sa tulong na ginawa nito sa kanya.

"I've never attended these kinds of gatherings when I was in college," saad ni Evo habang mas hinapit siya palapit sa katawan ng binata.

Hindi na umimik si Tamara. Naalala niyang sinabi ni Evo na home-schooled ito. Hindi niya maiwasang malungkot para kay Evo. He has been suffering from the consequences of his parents' bad decision.

'Don't worry, Evo. I will make sure that this will be the night you will cherish forever,' bulong ni Tamara sa kanyang isip.

Biglang tumigil ang tugtog at lahat ay nakatingin sa entablado kung saan nandoon ang Vice President for Student Affairs ng unibersidad.

"Hello? Hello" umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong hall saka siya muling nagsalita, "Honorable guests, teachers and students of St. Mary's University," panimula ng VPSA sa kanyang talumpati.

Magkatabing nakikinig sina Tamara at Evo pero napatingin si Tamara kay Evo nang maramdaman niyang hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Direchong nakatingin si Evo sa entablado kaya nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan ang mala-anghel nitong mukha. Alam niyang sa pagkakataong ito ay hindi na niya mapigilan ang sariling tuluyang mahulog sa binata.

'Sana dumating ang araw na makalimutan mo si Shawn at hayaan ang sarili mong matutong magmahal muli,' sa isip ni Tamara.

Agad niyang ibinaling ang kanyang tingin sa entablado nang mabatid niyang lilingon si Evo sa kanya.

'I still have not forgotten what you did to my life, but for now, I will let myself enjoy the night with you,' sa isip ni Evo.

Tinapos ng VPSA ang kanyang talumpati ngunit agad na hinarap nina Evo at Tamara ang isa't isa dahil sa kantang itinugtog ng banda, "Say You Won't Let Go."

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon