Kabanata 4

297 14 2
                                    


Para akong tangang natuod na lang do'n nang tuluyan na niyang nahubad ang suot na polo. Nang akma itong gagawi sa akin ay para akong tangang tumitig sa itaas.

I heard his low laugh but I ignored him.

Bakit ba ganito ako umakto? Kung tutuusin ay ilang beses ko nang nakitang topless din si Simon at ang pinsan kong si Rigor!

Or maybe the fact that we were just alone? I felt my cheeks burn.

"Can you please help me with this?" He moved closer to me and showed me his struggle in arranging his collar.

Mabigat akong huminga bago siya tuluyang tiningnan sa mukha. Nag-aabang ang naglalaro niyang mata na inirapan ko lang.

Tiyak kong tuwang-tuwa itong pagtripan ako!

Inis kong hinila ang kaniyang kwelyo at para siyang hanging nagpaagos. Halos mauntog na ang baba nito sa noo ko ngunit agad siyang nakabawi sa pamamagitan ng paghawak sa dulo ng mesa.

"Para kang tanga," madiin kong asik at padabog na inayos ang kwelyo niya.

Kita ko ang bahagya niyang pagngisi kasabay ng paglunok. Kinagat ko ang dila dahil sa pinipigil ang sariling manginig sa kaniyang harapan. Isa pa, nakakawala ng sarili ang kaniyang hininga na tumatama sa aking pisngi!

"Isn't it better to be this close so you can properly assist me?"

"Ano ka, bata?" pabalang kong turan at tinulak siya palayo. "Tapos na."

Ngingisi-ngisi siyang humarap sa malaking salamin para tingnan ang kaniyang suot. Gusto kong mapangiti ngunit itinago ko iyon.

Tama lang ang pagkakatahi ko!

"It fits me," komento niya at inangat pa ang braso. "Thanks, little fire."

Hindi na ako umimik dahil inilahad ko naman ang kaniyang pang-ibaba. Kinuha niya ito sa akin at halos batukan ko na siya nang balak niyang buksan ang suot na pantalon.

"H-hoy! Pwede mong sukatin 'yan nang 'di na nag-aalis ng pantalon! 'Di mo ba nakita 'yong mga kasama mong nagsuot kanina?" halos umusok na ang aking ilong dahil sa pagkainis at pagkailang.

Ano bang utak mayro'n siya?

"I just thought you might also want to see me naked below," he replied with so much pride.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. "Ang kapal mo! Hindi ko tipo 'yang katawan mo 'no!" sabay iwas ng tingin.

His laughter roared inside the boutique. Tuluyan nang nangapal ang aking buong mukha dahil sa kapilyuhan niya.

"Sorry then. Your eyes say otherwise though," he mumbled as he tried to wear his pants.

Umayos na siya nang tayo at gumalaw-galaw sa harapan ng salamin. I silently stared at him with awe. He looked great with the clothes I made!

Sinimulan na niyang buksan ang pagkakabutones ng barong para hubarin. Para na naman akong tangang nag-iwas ng tingin. Yes, he had a body to die for but he didn't have to keep on flaunting it!

After he get dressed properly, he assisted me to clean our boutique. Kahit naman tanggihan ko ang alok niya'y mapilit siya. Niwalisan ko ang mga nagkalat na gupit na mga tela habang siya'y abala naman sa pagpapatong ng mga upuang nagamit. I double checked the clothes and put them inside the box.

Tuluyan nang sinakop ng dilim ang paligid pagkalabas namin ng boutique.

Sana ay may tricycle pa akong makita!

My eyes followed Conrad as he went near his horse. Nakatali iyon sa gilid ng poste. Ito rin ang kabayong gamit niya no'ng una ko siyang nakita. Wala na akong makitang tao sa paligid maliban sa iilang tinderang papauwi na rin.

Smoldered PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon