Kabanata 19

332 18 1
                                    

Nanatili kaming nakaupo roon ng ilang minuto. May mga ilang bisita na gustong lumapit kay Conrad base sa pasimple kong obserbasyon ngunit sa tuwing napapatingin sila sa amin ay 'di na tumutuloy.

Hindi ko alam kung dahil ba sa seryosong Conrad na katabi ko o dahil halata ang pagiging iba namin ni Mama. Alinman sa dalawa ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Nang matapos ang sayawan ay muling nag-ingayan ang lahat habang pabalik sa mga kani-kanilang upuan. Napatingin si Mama sa suot niyang relo.

"Naku, kailangan na nating umuwi, anak. Walang kasama ang Papa mo," aniya at inayos ang supot na nasa mesa.

Sinilip ko ang cellphone ko at nakita kong mag-aalas-onse na nga. Kailangan na nga naming umuwi.

"Do you have a ride?" Conrad asked the moment I turned my phone off.

Napatingin ako sa kaniya na nakatingin na sa aking mga mata bago nahulog iyon sa aking labi. Bahagya akong umiwas sapagkat sariwa pa sa aking memorya ang nangyari kanina.

"Wala, pero marami namang tricycle sa labas."

Hindi ko pa man nabubuo ang aking pangungusap ay umiiling na siya. "Ihahatid ko na kayo."

Agad akong umiling. "Hindi na—"

"Ako na ho ang maghahatid sa inyo, Aling Wenna. Para 'di na kayo maghanap ng masasakyan sa labas."

Pinaglapat ko ang mga labi bilang pagtitimpi.

Mula sa pag-aayos ni Mama ng mga supot ay napatingin siya sa katabi ko. "Ay, ayos lang ba sa 'yo, hijo? Ayaw naman naming maabala ka sa pagpunta mo rito."

Kanina ko pa balak tanungin kung kaano-ano ni Conrad sila Mrs. Balderama ngunit tila may anghel na sumagot sa akin.

"Conrad, nandito ka pala! Kanina ka pa hinahanap ng mga kapatid mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nandito ang mga kapatid niya? Ibig bang sabihin, maging ang magulang niya?!

"Tita." Tumayo siya at nakipag-beso kay Mrs. Balderama. "I'm just sitting here."

Nahulog ang mata ng ginang sa akin bago kay Mama at kay Conrad. Hiya ang agad lumukob sa akin kahit pa walang ibang namutawi sa kaniyang bibig. "Oh! You're with Wenna and Winona pala," anito at bahagyang tumango sa amin. "Bakit na kayo nag-aayos? It's still early."

"Naku Ma'am, kailangan na naming umuwi. Tiyak na naghihintay na kasi si mister sa bahay."

Tumango na lamang si Mrs. Balderama bilang pag-intindi. "Kung gayon ay halika, nasa loob ang bayad namin."

Gumalaw si Mama at inilapit ang supot sa akin. Nahihiya kong ninakawan ng sulyap si Conrad. "Mauna ka na sa labas, anak. Kunin mo na 'to. Para sa Papa mo 'yan." Hindi na niya ako hinintay magsalita sapagkat naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay.

Naiwan kaming nakatayo roon ni Conrad. Tumikhim ako upang bawiin ang hiya at nang akmang kukunin ang supot ay naunahan na niya ako.

"Ako na," agap niya at inilayo iyon sa akin nang maramdaman niyang balak kong abutin.

Napapikit na lang ako. Bakit ba naman kasi nagdala pa si Mama ng tupperware!

Ramdam ko ang kuryusong mata mula sa paligid. Sinukbit ko na lang sa balikat ang sling bag at yumuko nang kaunti. "Bahala ka diyan," mahina kong asik.

Rinig ko ang kaniyang pagtawa bago ako hinawakan sa siko, iginigiya patungong labasan.

"Conrad, going home?" rinig kong sita ng isang lalaki at sumipol pa. Isa 'yon sa pansin kong kanina pa sulyap nang sulyap sa amin. "Bago ulit ah," kantiyaw nito at naghagalpakan ang kaniyang grupo.

Smoldered PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon