Kabanata 7

269 19 0
                                    


After the wedding ceremony, the people became loud and wild as they cheered the newlywed while throwing petals of flowers.

Tuluyan nang lumubog ang araw at nagsimula nang kumislap ang mga panggabing ilaw. The reception area was just beside the poolside bar. Ang mapusyaw na liwanag na galing sa mga poste ng ilaw ay nagpagaan at bigay kulay sa paligid habang ang simoy ng hangin ay sumasabay sa kagalakan at tawanan ng mga tao.

Diretso na lahat ng tao sa mga bilugang mesa para kumain ng dinner habang ipinagpapatuloy ang kasiyahan. There were intermission numbers, games, giving messages, the dance moment for the newlywed and of course, the throwing of bouquet.

Tinulak lahat ang mga dalaga papunta sa gitna. Buti na lang at dito ako sa pinakalikod, tiyak na walang magtutulak. Pero asa naman na may magtatawag sa akin! Hindi naman ako nababagay sa kanila sa simula pa lang at hindi rin naman nila ako kilala.

Gayunpaman, natutuwa akong simsimin ang kanilang kasiyahan. Iyon nga lang, medyo nahihirapan akong sumilip sa dancefloor dahil kailangan ko pang iangat ang sarili. Natawa na lang ako habang naririnig ang mga ilang kababaihang ayaw sumali ngunit pinipilit ng mga lalaki.

Muli kong sinikap tumiyad pero bigo ako. Natawa ako sa sitwasyon at napahalukipkip na lang habang nahaharangan ng nagtatangkarang mga tao sa aking harapan.

Muling naghiyawan ang mga tao. Out of curiosity, I tiptoed again to be updated but to no avail. Suko na sana akong babalik sa tamang pagkakatayo nang manigas kasabay nang malakas na pagsinghap dahil sa dalawang kamay na agad humawak sa aking baywang mula likuran.

Wala pang isang segundong napalingon ako habang mabilis na kumakalabog ang dibdib. Saglit ko munang pinroseso kung sino ang nangahas humawak sa 'kin para lang matigilan sa paghinga.

It should calm me knowing it was Conrad who held me but my heart did otherwise—it became more aggressive and feral.

I sucked in a deep breath while staring at his rugged features that were emphasized by the faint lights. Suot niya pa rin ang damit kanina maliban sa naalis niyang barong. Bakat ang kaniyang dibdib sa hapit na white long sleeves na pinarisan ng itim na slacks. Mas lalo siyang nakakatakaw pansin habang ang buhok niya'y malayang ginugusot ng hangin.

"Why are you here at the back? Would you like to go in front?" Bungad niya at sumilip pa sa kaganapan sa harapan bago ako muling tiningnan.

Mula sa pagkakatingala sa kaniya ay umiling ako't napalunok nang malalim. Eh kasi naman, hawak niya pa rin ako sa baywang!

"H-hindi na. I'm already fine here."

Tumango na lang siya at bago makasalita ay hinapit niya ako agad nang biglang umatras ang mga tao sa aming harapan. Marahil ay ibabato na ang bouquet!

Wala sa sariling nailapat ko ang mga palad sa kaniyang dibdib. I deeply inhaled because of the sudden contact. And it was a wrong move! I just inhaled his strong and bewitching smell!

"Conrad..." napatingala ako sa kaniya na hapit pa rin ako pero 'di ako nito sinulyapan.

"Hey, there's a lady here! Learn to look back and keep distance!" he shouted instead and I immediately hid my face in his chest when I heard murmurs of sorry.

Ramdam ko rin ang paglingon ng mga tao kaya't hindi ko na binalak iangat ang ulo! Ano na lang ang iisipin nila, nagpapabebe ako rito?

"Oh, may dalaga pa pala rito. Isama mo na doon sa gitna, pre." Mungkahi ng isang boses ngunit umiling lang siya.

"No, she's fine here with me."

I chewed my lower lip, unable to force my body to move.

Umatras siya at dahil hapit ako ay napasunod ako. Nang bahagya kaming makalayo sa kumpulan ay binitawan niya na ako sa wakas para lang ilipat sa aking mga braso.

Smoldered PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon