Kabanata 13

275 19 2
                                    


Nagsimula nang gumalaw ang mga tauhan sa pagkuha ng punla upang ilagay sa mga butas kaya't kusa na ring kumilos ang aking katawan. Pasimple akong lumayo kila Stella upang mas makakuha nang maayos na anggulo sa pagmasid sa dating kasintahan.

Ilang metro ang layo ko sa kaniyang likuran. Panaka-naka akong sumusulyap habang siya'y seryoso lang sa ginagawa. Pansin ko pa ang pag-iwas nito kay Cresencia na bahagyang nagpangisi sa aking labi.

I let a few minutes of silence fly before I decided to advance my feet. Kita ko ang muling pagkuha ni Simon ng punla at naglakad sa kaniyang paglalagyan. In my peripheral vision, I'd seen Cresencia under the shadows of lawny mango trees so I grabbed the sheer opportunity.

Pasimple akong tumabi kay Simon na siyang agad niyang paglingon sa akin nang maramdaman ang presensiya ko.

"Parang kailan lang no'ng hilig din nating magtanim ng kung anu-ano sa bakuran n'yo," banayad kong panimula at pasimpleng sinilip siya.

Lumundag ang puso ko sa galak nang hindi ako nito pasimpleng itinaboy o iniwasan.

Sinimulan ko nang alisin ang plastic para ilipat ang halamang hawak. Rinig ko ang pagbunot niya nang malalim na hininga bago marahang pinunit ang labi para sa isang tipid na ngiti. My stomach knot because of that.

"Tama ka. 'Yong nag-iisang halamang nabuhay sa mga tanim natin ay may bunga na."

Sinupil ko ang muling pagngisi dahil sa kaniyang pagsagot. Nami-miss ko ang aming pag-uusap ng ganito. I missed him talking beside me. I missed his presence this close. I missed the baritone of his voice.

I missed the old us.

"'Yong bayabas ba na ako ang nagtanim?" Hindi ko naitago ang bahagyang tuwa sa boses. Marahan siyang tumango. "Edi puwede akong humingi ng bunga tutal ako naman ang may tanim?" dagdag ko habang masusing inoobserbahan ang reaksyon niya.

Nakakatawang isiping hindi naman ako ganito kakaba na baka biglang umiba ang anyo niya sa tuwing nakikipag-usap sa 'kin. Hindi ako takot sa maaaring pagbabago ng kaniyang ekspresyon... dati. Pero nang dumating si Crensencia ay tuluyan nang nanlamig at lumayo ang distansya niya sa akin.

Bakit kaya ang ibang kabaro ni Adan ay hindi sanay manatili sa iisang Eba?

Nakakalumbay isaisip na mula sa pagiging estranghero sa isa't isa, kami'y naging magkaibigan hanggang naging magkasintahan para lamang bumalik sa simula na tila nagkakailangan. Mahapding tanggapin na dahil lamang sa simpleng pagbabago; ang pagdating ni Cresencia sa hacienda, ay tuluyan na rin siyang nagbago.

Tanga, Winona! Hindi ka lang niya ganoon kagusto tulad ng pagkagusto niya sa nauna! Responde ng isang bahagi ng aking isip na siyang nagpasibol ng pilit na ngiti sa aking labi.

"Hindi ka naman kailan naging iba sa amin, Winona," pagpuputol ni Simon sa aking sandaling pagkawala sa reyalidad. "Maaari ka pa ring pumunta sa bahay at manguha ng bunga sa tuwing nais mo."

Pinalis ko ang biglaang pait at nginitian siya nang matamis. Sinimulan na niyang tabunan ng lupa ang punla kaya't ginaya ko na rin upang muling makasabay sa kaniya.

Nang akma sana akong muling magsasalita ay natigilan ako nang makita ang nakabusangot at papalapit na si Cresencia. Matalim ang kaniyang titig nang magtagpo ang aming mga mata at sa halip na kabahan ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ako na ang nandito noon pa bago ka dumating!

"Magpahinga ka muna Senyorita dahil alam naming mabilis kang mapagod," agad kong bungad nang tumigil siya sa aming harapan.

Smoldered PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon